-Jairus' POV-Buti na-control ko pa yung sarili ko kanina. Nakakainis yung Daniel na iyon, baka maga na yung nguso non.
"Paano nga pala yung try-out mo?" Tanong ni Sharlene.
Oo nga pala, nagpaalam lang ako na magsi-CR ako. Totoo naman kaso nga, ayon nakita ko na kinukulit ni Daniel ang prinsesa ko kaya pinatikim ko muna. Bantayan ko raw yung girlfriend ko? 'Yan mapala mo! Yabang-yabang, wala namang maibuga!
"Ah, ako nang bahala don, pumasok ka na sa inyo baka masundan ka pa nung Daniel na yon dito, kung ano pa gawin sa iyo."
Kinurot naman niya ang ilong ko.
"Ang sweet naman ng boyfriend ko. Ang swerte-swerte ko talaga."
"Masaya ako at napapasaya kita, aking prinsesa."
"Papasok na ako."
"Sige. Nood ka ng laban namin ah. Ikaw ang licky charm ng team namin eh."
"Nambola pa! Kailan ba?"
"Wednesday?"
"Lagi naman ako nanonood eh. Oo na."
"Bye! Love you!"
"Love you too."
At pumasok na nga siya.
Kailangan ko nang bumalik, lagot ako sa coach namin!
-Joanna's POV-
(Part2)
Unti-unti ko nang naramdaman ang haplos ng araw sa balat ko. Umaga na!
Dali-dali akong bumangon at ginawa ang morning routine ko.
Time check. 6:10 am. Maaga pa. Eto naaaa.
Umupo ako sa harap ng salamin at sinuklay ang buhok ko. Isinuot ko yung hikaw na binili namin ni Mizzy. Simple lang yung hikaw, white pearl. Inaayos ko ang uniform ko. Sinuot ko ng maayos, yung babaeng-babae.
Pagkababa ko, inilabas ko sa kahom yung bago kong school shoes. Kung dati, yung flats ang sinisuot ko ngayon, may two inches heels na. Sabi ni Mizzy para raw magmukha akong dalaga. Ginamit ko rin yung binili sa akin ni papa na handbag na ayaw na ayaw kong gamitin kasi nga pambabae. Oh well, ganon talaga. Nagbabago ang lahat.
"Aba, dalaga na ang anak ko!" Bati naman ni mama.
"Sus. Sige po mommy papasok na po ako. Sabay po kami ni Mizzy papasok."
"Si Daniel ba? Yiiiiieeeeeeeee." Tukso ni mama. Hay nako.
"Hindi po." Lumabas na ako ng bahay at baka humaba pa ang surahan.
School
"Mizzy, nakakahiya." Lahat na yata ng tao dito pinagti-tinginan ako. Nakakailang.
"Bakit naman?" Tanong niya habang confident na confident na naglalakad.
"Lahat kasi sila nakatingin sa akin."
"Nagagandahan lang sila sa iyo, huwag ka mahiya!"
Sinunod ko na lang siya. Pero na iilang pa rin ako.
Nakita ko naman si Daniel na nag-iisa at umiinom ng favorite niyang wintermelon milktea. Natigilan ako.
Ngayon lang ako magkikire, ang gwapo niya lalo kapag sideview! (Just imagine Francis Magundayao ❤)Napatingin din siya sa direksyon ko. Hawak-hawak niya lang ang milktea. Parang inaaninag niya kung sino ako.
Lumapit naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Panaginip II (JaiLene Fan Fiction)
Romance"You're the only one, these chains of love remain unbroken. You're the only one, you know my heart's already spoken. 'Cause there's no other, other, other. 'Cause there's no other, other, other." --Lyrics from You're the Only One by Reed Deming