CHAPTER 9

795 22 12
                                    

CHAPTER 9:
-Mika's POV-
"Mika, nagugutom ka pa ba? Ibibili pa kita ng makakain, ano pa gusto mo?" Tanong sa akin ni Jairus. Ang sweet naman pala nito. Nagpapasalamat na ako ngayon kay Carl sa misyon na ibinigay niya sa akin. Nage-enjoy ako.
"Kahit ano na lang. Ibili mo rin yung sarili mo, hindi ka pwedeng magutom." May pagka-flirty na sinabi ko.
"Yes ma'am! Sandali lang ha." At tumakbo siya aalis. Hihi. Ang galing ko talaga!
"Ang tapang ng kamandag mo kay Aquino ah." Biglang sabi ng kaibigan kong si Angela Victoria. Kanina pa kami magkasama.
"Naman! Haha. Huwag niyong minamaliit ang kakayanan ko." Pagmamayabang ko. "And you know what Angela, I think I'm starting to like him. As Jairus himself not Drake."
"Edi ba boylet ang past life mo? Dapat si Sharlene ang nagugustuhan mo ngayon!" Sagot niya sa akin.
"Shunga! Yes, I'm a boy before but I'm a girl now! What matters is what I am NOW! Babae ako. Malamang maaattract ako sa lalaki. Yes, Sharlene is pretty but I'm prettier." Nagsmirk ako.

"Mika! Ano na naman ba itong ginagawa mo?" Sabi ng epal kong pinsan. Galit na naman siya. Ano ba problema nito? Lagi siyang kontra sa lahat ng ginagawa ko!
"Ano bang pakielam mo, Angelica?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Yung ugaling pinapakita mo. Bakit mo ba pinaparusahan yung mga taong wala namang kinalaman? Maging ikaw nga dapat labas sa issue nina Carl pero nakikisawsaw ka. HINDI NA ITO TAMA MIKA! Tumigil ka na!" Galit na galit niyang sabi.
"Hindi ka ba nagsasawang manaway? Kasi ako sawang-sawa na sa mga sermon mo! How many times do you want me to explain my mission? Hayaan mo na lang ako."
Napansin ko namang namumuo na ang mga kamao niya. Galit much ah!
"Simula ngayon, kalimutan mo nang magpinsan tayo!"
"Edi sige! I don't need an epal and pakilamerang pinsan anyway. Shoo!" Pinilantik ko yung fingers ko sa kanya papalayo. Pakilamera! Echosera! Walang kwenta!
Bakas sa kanyang mukha na naiinis talaga siya sa akin at nag-walk-out. So what? I can live without her.
Tumingin naman ako muli sa friend ko. Nakangiti niyang sinabi... "One down friend! Congratulations!" Tagalog na tagalong niyang binanggit ang word na "congratulations" (Kong-gra-tu-ley-shons). Nakipag-apir ako na lang ako.
"Thanks friend!"
"Ah Mika, eto na yung French fries mo." Biglang dating ni Jairus. Ang swerte ko talaga, nakabingwit ako ng gwapo at uto-uto.
"Thank you." Sabi ko at hinalikan siya sa pisnge. Lambot! Pero mas masarap pa rin yung labi niya. Ang tamis kaya! JACKPOT!

-Sharlene's POV-
"GRRRRR NAKAKAINIS NA YUNG MIKANG IYAN AH!" Pinalo ni Jamaiza yung table na kinakainan namin. Akmang tatayo na siya pero pinigilan ko. Baka makagawa pa ito ng scandalo.
"Hayaan mo sila." Malamig kong sinabi. Inaamin ko masakit. Pero ano pa ba ang magagawa ko? Hindi rin naman ako papakinggan ni Jairus. IPAGTATANGGOL PA NIYA YUNG LINTANG AHAS NA YUN!
"Hayaan? Sharlene naman! MATUTO KANG LUMABAN! HINDI TAMA ANG GINAGAWA NIYA!"
"Sis, alam ko namang nag-aalala ka sa akin. Promise, ayos lang ako." Para na lang hindi humaba yung usapan.
Kumalma naman siya at pinagpatuloy ang pagkain.
"PAGSASABIHAN MO YUNG KINAKAPATID MO HA, NASH!" At sinubo niyang buo yung burger na kinakain niya. Mas affected pa siya sa akin ah! Iyan ang tunay na bestfriend!
"Sinubukan ko nang kausapin si Jairus pero... hindi niya ako sinasagot. Wino-walkoutan niya nga rin ako eh. Hindi na rin kami nakakapag-usap ngayon kasi lagi niyang kasama si Mika." Paliwanag ni Nash. Ano bang nangyayari kay Jairus? May hindi tama.
Magsasalita pa dapat si Jamaiza kaya inunahan ko na. "Salamat Nash ha."
Tumingin ako sa table nina Jairus. Nagsusubuan sila ng French fries ngayon. Hindi pa niya ginagawa sa akin iyon ah. Gusto ko nang sumugod doon ngayon. Iparamdam kay Mika na mali ang taong kinakalaban niya. Pero kung gustuhin ko man, isipin natin yung mga magiging violations ko at baka masuspend pa ako, matuwa pa ang demonyitang lintang ahas. Honestly, gusto ko na talagang awayin si Mika ngayon. Pagsisisihan niyang nareincarnate at nabuhay pa siya! Hmmm, hindi kaya reincarnation siya ni Carl? Feeling ko hanggang ngayon, pinagbabayad niya pa rin sina Drake at Shirley. Ano bang kasalanan nila doon?!
"Alam niyo, Sis, Nash, parang may hindi tamang nagyayari eh." Naisip ko lang.
"TALAGANG MALING-MALI ANG NANGYAYARI SIS! TIGNAN MO NAMAN---"
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin... BASTA! Hindi ko pa ma-figure out eh." Kailangan ko nang matanong si Shirley. Bakit hanggang ngayon hindi pa siya nagpaparamdam sa akin?

Panaginip II (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon