CHAPTER 13

461 27 12
                                    

CHAPTER 13:

-Daniel's POV-

"Oh? Tapos na ang holy week pero Biyernes Santo pa rin iyang mukha mo." Bati sa akin ni Ate Carmela habang kumakain ng Piattos at nagmo-movie marathon. "Gusto mo?" Alok pa niya. Nagbuntong hininga lang ako at ibinato ang bag ko sa sofa at umupo.

"Palpak tayo Ate." Maikling sabi ko. Nag-lean forward ako at inilagay ang mukha ko sa mga kamay ko.

"What do you mean palpak?"

"Nagalit si Sharlene sa akin eh. Akala niya fake friend ako. Nagets niya yung objective natin eh."

"WHAAATTT?!" Humarap siya sa akin.

"Anong gagawin ko ate? Ngayon ko na nga lang siya nakausap sa loob ng four years tas wala na naman akong chance na makausap siya."

"Baka naman kasi mali ang timing mo. Paano mo ba sinabi?"

Nahihiya ako kay Ate. Hahanap na lang ako ng tamang oras para magkwento. "ANG TANGA-TANGA MO MAGUNDAYAO!"

"Magundayao talaga? Nandadamay ka ba?"

"Hindi naman ate."

"Ganto na lang, siguro maghanap na lang ng tyempo para makapag-sorry. Wala eh."

Hayyyy Buhay. Ang hirap palang umibig.

-Mika's POV-

Bigla akong nagising mula sa mahimbing kong pagkakatulog dahil may narinig akong nabasag sa loob ng kwarto ko. Bumangon ako at binuksan ang ilaw. May picture frame na yung nabasag. Kinuha ko iyon.

Hindi maari.

Picture ni Jairus ang nakalagay doon. Sabi nila ang nababasag na picture frame ay may masamang paintain.

Chineck ko rin yung sketch pad ko.

Shit.

Nabura yung mga drinowing kong plano para sa mga susunod na araw. Isa lang ang ibig sabihin nito, wala na ang bisa ng gayuma. Lahat ng pinaghirapan ko ng ilang araw, mawawala lang sa isang iglap?! What the hell!

Pumunta ako sa table ko sa loob ng kwarto kung saan nakalagay yung kandila na ginagawan ko ng ritual.

CONFIRMED!

"HIIIIIINNNNDDDDDEEEEEEEE! HINDI MAARI ITO!"

"Anong nangyari Mika?" Biglang pasok ni Angelica sa kwarto at binuksan ang ilaw. Paepal na naman.

"Akala ko ba magkalimutan na tayo bilang magpinsan? Bakit lalapit-lapit ka pa sa akin ngayon?"

"Nabigla lang ako non Mika, sana patawarin mo ako. Tayo na lang ang magkasama at natirang magkamag-anak dito, tayo lang ang magtutulungan."

"Blood is thicker than water, ganon? Kung napipilitan ka lang na gawin yan, pinapalaya na kita."

"Mika naman..."

"TUMAHIMIK KA NA! LEAVE ME ALONE!"

"MIKA..."

"AKO NA LANG ANG AALIS KUNG AYAW MO."

"Mika!" Tumakbo ako palabas ng bahay. Kung saan na lang mapunta! I need space.

---School

Agad akong dumiretso sa classroom at hinanap si Jairus. Ha? Bakit wala pa siya? Dapat nandito na iyon ng gantong oras ah.

Umupo ako sa upuan ko at naghintay ng tahimik.

Nagbell na for flag ceremony pero wala pa si Jairus. Saan ba nagsuot iyon? Napansin ko rin na wala si Sharlene. Hindi kaya... magkasama yung dalawang iyon ngayon? HINDI HINDI HINDI! HINDI MAARI! Baka late lang sila. Nagkataon lang. Tama. Tama.

Panaginip II (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon