CHAPTER 6

940 19 2
                                    

CHAPTER SIX:

-Sharlene-

Ang lungkot naman ng araw na ito. Wala kasi si Jairus ngayon, sinundo yung papa nila sa airport. Hayyyyy.

Habang naghihintay akong mag-flag ceremony, ginawa ko muna yung mga assignment na hindi ko pa ginagawa.

“Good morning Sharlene!” Bati sa akin ni… Mika? “O? Bakit ganyan mukha mo? Gulat na gulat ka nanaman. Sabi ko nga sa iyo, maputi ako pero hindi ako multo.” Tumawa siya ng saglit.

Sanay na naman akong nakikita siya. Pero ito ang ikinagulat ko, yung clip sa buhok na suot niya. Hindi ako pwedeng magkamali, kamukhang kamukha nung binigay ni Carl kay Shirley! Oo, malay mo naulit lang ulit yung design sa panahon na ito pero iba na talaga ang kutob ko sa babaeng ito.

Oo, matagal ko na siyang pinaghihinalaan na baka may kinalaman siya kay Carl. Hindi ko na dapat paniniwalaan ang kutob ko kaso, una, yung tattoo niya sa braso, at ngayon yung ipit sa buhok niya.

Ano ba talaga kinalaman mo kay Carl ha Mika?

“Ang ganda ng hair clip mo.” Pinuri ko na lang siya.

Umupo na siya sa upuan niya. “Salamat. Nasaan nga pala si Jairus?”

“Sinundo yung papa nila. Balikbayan.”

“Ow. Ihingi mo na lang ako ng chocolate ha. HAHAHA. JK.”

Nagfake smile na lang ako.

Hindi kaya ginagamit lang ni Carl si Mika para maganti kina Drake at Shirley? Shirley, paramdam ka naman.

-Jairus-

NAIA Terminal 3

2 am palang nandito na kami sa NAIA. Pero 4:03 na matiyaga pa rin kaming naghihintay ni Belinda sa pagsalubong kay daddy. Si mommy naman nasa loob ng kotse naghihintay. Hindi ko rin alam yung ginagawa niya eh.

“Ang tagal naman ni daddy. Sabi ang arrival time daw niya ay 3:50? Anong oras na?” Reklamo ni Belle. Kahit kailan talaga napakareklamadora nitong batang ito.

“Konting hintay lang darating na iyon.” Kalmado ko namang sabi.

“Excited na excited na talaga akong makita si daddy, dalawang taon din natin siyang hindi nakasama.”

“Ako nga rin eh.” Hinimas ko yung ulo niya. “Konting tiis na lang makaksama na natin siya ulit.” Nginitian ko siya.

“Sa wakas, kuya.” Ngumiti rin siya sa akin.

Ang ginawa namin, naglaro na lang kami ng pustahan. Huhulaan naming yung suot na t-shirt or polo ni daddy. Ang bet ko blue or black. Siya naman white or red.

“Manlilibre ang matatalo.” Sabi niya.

“Prepare mo na lang yung panlibre mo.”

“Yabang neto. Tignan na lang natin.”

Seryoso naming inabangan si daddy at ang kulay ng damit niya.

Biglang lumabas ang isang pamilyar na lalaki. SI DAD NA IYOOOOOOOOOONNNN! Teka, Naka-whiteshirt siya? :’(

“DAAAAAAADDDDDDDDYYYY!” Hiyaw ni Belle. Ako naman tinext si mommy na nandito na si daddy at sumalubong na rin.

“Kamusta na mga anak ko?” At niyakap niya kami. Hinalikan niya ang mga ulo namin. “Na-miss ko kayo.”

“Na-miss din po naming kayo.” Sagot naman naming dalawa.

“Sweetheart!” Narinig namin si mommy. Humalik naman si daddy sa labi ni mommy. Nag sweet naman. Ganyan din kaya kami ni Sharlene balang araw? HAHA CAN’T WAIT!

Panaginip II (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon