CHAPTER SEVEN:
-Mika-
Nandito ako ngayon sa kwarto ko nagmemeditate.
Oo nga pala, ako si unknown sa chapter 6.
Ide-describe ko yung itsura ng kwarto ko, sa gitna ay may carpet na bilog na kulay pula at napalilibutan ng mga kandila. Nasa gitna ako naka-indian sit at kaharap ang sketch pad at lapis ko.
Siguro’y nagtataka na kayo kung sino talaga ako. Maybe some of you will not believe me of who I am….
I am….
A reincarnation
Of Carl!
Oo tama kayo, ako si “-C” which means Carl. Galing noh?
Yes, you read it right. Nakakapagtaka noh? Past life ko lalaki. Marami RAW kasi akong kasalanan kaya ginawa akong babae. Para raw maramdaman ko ang nararamdaman ni Shirley sa pinaggagawa ko noon. Like, duh! Paano ko naman mararamdaman si Shirley eh magkaiba kami ng destiny. PWE!
Aba, nag-aral pa ako ng black arts para lang maipaghiganti si Carl noh. Aba, kung sa inyo kaya gawin iyong ginawa nina Drake at Shirley matutuwa ba kayo? Hindi di ba? Kailangan nating lumaban!
It’s our time to shine, Carl! To break Jairus’ and Sharlene’s perfect relationship! *evil laugh*
“Mika? Gabing-gabi na gising ka pa rin?” panira naman ng meditation! Biglang pumasok si Angelica , pinsan ko sa kwarto ko.
“Uso kumatok.” Naiinis kong sinabi.
“Ilang beses ba kitang paalalahanan na tigilan mo na ang REINCARNATION nina Drake at Shirley? Talagang hindi ka pa rin titigil dyan? Paano kung may masama na mangyari sa iyo? Ano? Iiyak na naman sa akin katulad nung----”
“Pwede bang maki-ride ka na lang ha, Angelica? Di ba nagpromise na tayo sa isa’t isa na tutulungan at susuportahan natin ang isa’t isa. Tayo na lang ang meron tayong dalawa! Wala na tayong ibang aasahan dahil wala na tayong pamilya!” Nakakasura, kokontra na naman.
“Di ba nga sabi sa lyrics ng Let it go ‘I’m never going back, the past is in the past. Let it go, let it go!’. The title speaks itself.”
“Naiintindihan mo naman yung misyon ko di ba? Kailangan nating ipaghiganti si Carl, hingan ng hustisya.” At umirap ako.
“Bahala ka nga.” Hay salamat, lumabas na rin. Nahiya naman ako, padabog pa talaga.
And now, kailangan nang gawin ang bagay na magpapabagsak sa JaiLene BWAHAHAHA. This is for you, Carl!
Sweet dreams…. Drake.
-Jairus-
“Jairus!”
“Jairus!”
“TULONG!”
Teka, boses ni Sharlene iyon di ba?
“Jairus, tulong!” Hinanap ko ang boses ni Sharlene. Bakit parang naiba yung place? Nasa may playground lang ako ng village naming ngayon… nasa bundok? What?
“Sharlene? Nasaan ka?” Sigaw ko.
“Nandito ako, Jairus.” Pilit ko pa ring hinanap kung saan nanggagaling ang boses ni Sharlene.
![](https://img.wattpad.com/cover/11613838-288-k275039.jpg)
BINABASA MO ANG
Panaginip II (JaiLene Fan Fiction)
Romance"You're the only one, these chains of love remain unbroken. You're the only one, you know my heart's already spoken. 'Cause there's no other, other, other. 'Cause there's no other, other, other." --Lyrics from You're the Only One by Reed Deming