CHAPTER 4

993 16 1
                                    

CHAPTER FOUR:

-Belinda’s POV-

Makalipas ang 20 minutes na kabagalan ni kuya ay nakarating na rin kami sa school sa wakas. Kung makapisik naman ng pabango higit yata isang daan, daig pa ako!. Ang baho-baho naman. -______________-

Inilapag ko na yung bag ko sa upuan ko. Grabe, ilang weeks na pala ang nakalipas, ang tagal ko na palang high school. Nakakasurvive pa naman.

Maya-maya natanaw ko na si Bugoy na papasok ng classroom. Ahhhhhh, ang gwapo-gwapo niya talaga. Hayan na papaupo na siya. Take note, katabi ko yan! Odeba? Kotang-kota!

Ang bango-bango naman niya.

“Good morning Belle.” Bati niya. Ang boses na iyon, kahit mamalat mala tang gwapo-gwapo rin. Napawi nito ang kabadtripan ko. LET’S DO THE HARLEM SHAKE!

“Good morning din.”

“Naniniwala ka ba sa kwentong bayan?”

“Bakit mo naman natanong?”

“Kasi kung ang gubat may diwata at ang dagat ay may sirena.

Sa puso ko naman, ikaw ang prinsesa! *kindat*”

O.O Handaw? Waaaaaaaaah! Kinikilig ako, umagang-umaga! Muli kong narinig yung mga banat niya. WHOOPS KIRI WHOOPS KIRI WHOOPS!

Feeling ko daig ko pa ngayon ang isang bading na nakablush-on sa pula. Hindi na ako nakakibo afterwards. Ano pa ba sasabihin ko? Pinapakilig mo naman ako?

***canteen

“Andrea, ano uulamin mo?” Tanong ko sa bestfriend ko.

“Kung ano uulamin mo.”

“Hindi ko nga alam kung ano eh.” Ang sasarap kasi lahat eh! *O* Ang hirap magdesisyon.

“Ako na ang mago-order para sa iyo Belinda.” Nakangiting alok sa akin ni Harvey.

“Huwag na nang mag-abala, ako na lang.” Singit naman ni Bugoy. Tapos nagtinginan sila ng masama sa isa’t isa. Hmmmm, mukhang umiinit ang paligid.

Bumulong naman sa akin si Andrea. “Haba ng heyr! Nag-rejoice ka ba girl?”

“Ano bang pinagsasabi mo? Hayaan mo na nga lang yung dalawang iyan, ako na oorder para sa sarili ko. Sinigang ulam ko.”

“Akin na yung dala mo Andrea.” Alok naman ni Nathaniel. Sweeeeeeeeeeeeeeeeet :”>

-Jairus-

Pagpasok ko sa classroom ang maganda kong girlfriend ang buena mano ng aking paningin.

Oo nga pala! Next na uuwi si daddy, unang bilin pa naman niya sa akin ang mabilhan naming siya ni Shar ng regalo. Demanding noh? Tsk. At pagsundo sa kanya sa airport dapat kasama rin siya. Uusisain talaga. Sigurado naman akong pasado na si siya kay tatay. Sino ba ang tatanggi sa kanya?

“Shar, free ka ba bukas?”

“Oo. Saturday bukas di ba?”

“Yap! Malapit na kasing umuwi si papa. Ang parusa raw niya sa akin dahil maaga akong nag-girlfriend ay bilhan daw natin siya ng regalo. Naisip kong bukas na bumili kasi next week na rin uuwi si daddy, ano game? Excited na rin siyang makilala ka!”

Panaginip II (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon