CHAPTER TWO:
-Jairus' POV-
Ang dilim ng paligid.
Naglakad ako papunta sa kawalan.
Habang naglalakad ako, may nakita akong signage na "CAUTION."
Natigil ako sa paglalakad at tinitigan ang signage. Biglang nabago ang nakasulat dito sa sketch pad at lapis. Ano daw? Anong nangyayari?
Napalingon ako sa kaliwa. May nakita akong taong na nakatayo sa may liwanag.
Nilingon rin niya ako. Pamilyar yung mukha niya. Eh ako yun eh!
"Jairus..."
Ay hindi pala.
"Drake, ikaw pala."
"Mag-iingat ka sa paligid. Huwag kang magpapadala sa mga pangyayari. Huwag kang basta-bastang magtitiwala. Nagbalik na siya!"
"Ha? Hindi kita maintindihan... Sinong nagbalik?"
------------------------------------------------------------------------------------
"Jairus? Prince Charming! Gising na please!" Ang sweet na boses na iyon. Kilala ko iyon. Wala nang iba kundi ang prinsesa kong si Sharlene.
Dinilat ko ang mga mata ko. "S-Shir... Sharlene?".
"Salamat sa Diyos!" Tapos niyakap niya ako.
"Ano bang... nangyari?" Sinubukan kong bumangon kaso bigla akong nahilo. Tumingin ako sa paligid. Nasa clinic ako? "Bakit ako nasa clinic?".
"Nakita ka namin nina Nash na nakahiga sa may school garden. Si Nash nga nagdala sa'yo dito eh. Ikaw nga ang dapat kong tanungin eh, ano bang nangyari sa'yo?" Kitang-kita mo talaga ang pag-aalala sa mga mata niya.
Ano nga ba ang nangyari? Hmmm, ang alam ko lang galing ako sa CR at... bigla akong hinimatay.
"Ang pagkakaalala ko, galing ako ng CR tapos bigla na lang akong hinimatay."
"May sakit ka ba?" Nilagay niya ang kamay niya sa noo ko. Chine-check kung may lagnat ako. Nako, lalo ko pa yata siya napag-alala.
Hinawakan ko yung kamay niyang nasa noo ko, kinuha iyon at itinapat sa dibdib ko. "Ayos lang ako, wala akong sakit." Inilagay ko yung buhok niya sa likod ng tainga niya. "Kaya, huwag ka nang mag-alala. Ako kaya si Jaironman!" tapos ipinakita ko yung biceps ko. AHAHAHA.
"Baliw!" Pinalo niya ako ng mahina sa balikat. "Sige, doon na muna ako sa classroom. Tapos na kasi yung lunch eh. Dito ka muna ha! Babalik na lang ako dito kapag dismissal na. Susunduin kita."
"Okay na nga ako!"
"Huwag matigas ang ulo!" Tapos tumayo na siya at umalis.
Masunod na nga lang. Tumingin ako sa kisame ng school clinic. Maalala ko, nanaginip nga pala muna ako. Ang ikinasasakit lang naman ng ulo ko ay yung mga sinabi sa akin ni Drake. Sinong nagbalik? Naputol pa! Hindi ko tuloy nalaman. Nakakakaba ha.
Napakaboring naman dito! Oo, 15 minutes pa lang ang nakaklipas mula nung umalis si Sharlene. Sorry Shar pero babalik na ako sa classroom. Okay na naman ako eh.
Naabutan ko pa yung klase ni Mr. Santiago. Buti na lang at orientation palang at first day! Ang bilis kaya magturo nito. First lesson palang hindi ko na maiintindihan.
"Mr. Aquino? I thought nasa clinic ka? Okay ka na ba?"
"Yes Mr. Santiago."
"Okay, come in." At pumasok na ako. Si Sharlene naman, pinalalakihan ako ng mata.
BINABASA MO ANG
Panaginip II (JaiLene Fan Fiction)
Romance"You're the only one, these chains of love remain unbroken. You're the only one, you know my heart's already spoken. 'Cause there's no other, other, other. 'Cause there's no other, other, other." --Lyrics from You're the Only One by Reed Deming