CHAPTER 19

251 13 5
                                    

(HALLOWEEN SPECIAL) 🎃

-Jairus' POV-

Nararamdaman ko na talaga ang Christmas Spirit! Ang lamig na ng simoy ng hangin. Tapos nanalo pa kami sa game kanina. Umaayon talaga sa akin ang season na ito!

Kaya lang, medyo naninibago ako sa mga kilos ni Sharlene kanina. Para siyang wala sa sarili na ewan. Kapag tinatanong ko naman siya kung may problema, sasabihin niya "okay" lang siya. Saka ko na lang siya ulit tatanungin kapag ready na siyang sagutin ang mga tanong ko.

"Kuya, anong oras daw darating si mommy?" Tanong ni Belle habang hinihimas-himas yung trophy namin.

"Walang sinabi si mommy eh. Text ko na lang." Tetext ko na dapat si mommy kaso walang signal. Siguro dahil malakas ang hangin sa labas. "Maya-maya na lang, wala pang signal eh."

"Sige. Nagugutom na ako."

"Tamang-tama, may tinuro na recipe ang ate Shar mo, gusto mong magluto ako?" Masaya kong alok sa kanya.

"Ikaw kuya magluluto?!" Parang gulat na gulat niyang tanong.

"Ano bang tingin mo sa akin? Magaling na teacher kaya ang ate mo."

"I don't want to take risks. Papadeliver na lang ako sa McDonald's ng food." -_- wala talagang tiwala sa akin eh no?

"Arte. Magutom ka!" Nakakapikon. Pumunta na lang ako sa kusina at tinignan ang cabinet. Kakagrocery lang ni mommy nung isang araw, tamang-tama! Makapagluto ng spaghetti. Gagastos pa yung isang bata don, kasora.

Pinapakuluan ko na yung pasta. Kukuha na ako ng spaghetti sauce sa cabinet ng may naramdaman akong malamig na hangin na humaplos sa kanang pisnge ko. Chineck ko yung bintana sa kusina. Sarado naman. Nevermind.

Habang naghahalo naman ako ng sauce, may narinig ako na kumakalampag na pinggan sa lababo. Sa likuran ko lang. Nilingon ko at nakita ko si Belinda na naghuhugas.

"Ano? Dumating na ba yung McDonald's happy meal mo?" Medyo tawa tawa kong tanong. Hindi naman niya ako pinapansin. Suplada. "Ah famous na si ateng, ayaw nang mamansin. Palibhasa may Happy Meal ka lang ah!"

"Sino bang kausap mo kuya? Nababaliw ka na ba?" Huh? Si Belle yun ah. At... nanggagaling yung boses niya sa... likuran ko? Tumalikod ako at... NAKATAYO NGA SA MAY PINTUAN NG KUSINA SI BELINDA.

"WHAT THE?!" Nanlaki ang mga mata ko at nanikip ang dibdib ko. "Diba... naghuhugas ka ng..." Lumingon ako ulit sa lababo at... WALANG TAO?!

Napakunot naman yung noo niya. "Ano bang sinasabi mo? Gutom lang yan!"

"Hindi Belle, seryoso, di ba naghuhugas ka ng pinggan kanina?"

Tinawanan niya lang ako. "Eh mula ning layasan mo ako nasa sala lang ako."

😨

"Oh? Anong mukha yan?" Dugtong pa niya. Kinuskos ko na lang ang mga mata ko.

"Baka gutom nga lang ito. Ano, dumating ba yung pina-deliver mo?"

"Hindi ko nga ma-contact eh. Baka pagtiisan ko yang niluluto mo. Gutom na talaga ako eh."

Nangisi na lang ako. Aayaw-ayaw pa, sa Spaghetti ko rin naman pala ang bagsak!

"Infairness kuya, ang sarap ng soaghetti mo!" Puri niya sa akin. Aba, mukhang mas marami pang makakain sa akin to ah!

"Edi napamangha pa kita!" Wala siyang pakialam sa sinabi ko, basta kumakain siya.

Tapos na kami kumain. Mga 11 pm na. Wala pa rin si mommy. Si Daddy naman, nakalimutan kong ikwento, bumalik na sa ibang bansa para magtrabaho.

"Kuya, hindi pa ba uuwi si mommy? Inaantok na ako eh." Reklamo ng mahal na prinsesa.

Panaginip II (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon