CHAPTER 11

713 28 6
                                    

CHAPTER 11:

-Sharlene-

I NEED TO WIN MY JAIRUS BACK!

RIGHT!

PERO PAANO NGA BA?

Wala naman akong powers para baliin yung epekto ng gayuma ni Mika. Di basta-basta ang kalaban ko. May black magic ang lintang iyon! Kapag lumaban ako, siguradong may panlaban siya. Madi-disgrasya ako.

Nakaka-stress naman ito!

Kakaiba ang nangyayari sa buhay ko. Bakit ba kailangan naming pagdaanan ni Jairus ito? Naging mabait naman ako sa pananatili sa lupa di ba?

Bahala na nga lang! Basta, kailangan na lang maging matapang! ANG PUSO, IALAY SA LABAN! SA LABAN! KAPALIT AY TAGUMPAY! GO SHARLENE! KAYA MO IYAN BEBE! ALANG-ALANG SA PRINCE JAIRONMAN KO! I LOVE YOU!

Pumasok na ako sa school. Nakita ko agad si Mika. Sign na ba ito na kailangan ko na siyang konprontahin? Bahala na si Ironman!

Hinablot ko ang braso niya.
"Aray! Ano ba Sharlene? Nasasaktan ako!" Nagpumiglas siya sa hawak ko, pero mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko sa braso niya at tinignan siya ng matalim. "Ano Sharlene? Aawayin mo naman ako? Hindi ka pa ba kuntento sa ginawa mo kahapon?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Masanay ka na Mika na sa bawat encounter natin, ganito na ang mangyayari. Giyera." Pinandilatan ko siya ng mata.

Tinawanan niya ako. Nakakainsulto, anong nakakatawa? "Nakakatakot! Akala ko ba suko ka na kay Jairus?"

"Wala akong sinabing sumuko na ako."

"E di ba yung ang ipinapahatid mo sa madrama mong speech kahapon sa TLE room? Ayaw mo na rin akong makita di ba? E ikaw pa nga itong unang lumalapit sa akin eh!"

"Dahil alam kong pakulo mo ang lahat ng ito." Hinigpitan ko pa lalo ang hawak sa braso nito. Napapangiwi naman siya sa sakit. "CARL".

Nanlaki ang mga mata niya.
"Who's Carl? Ex mo?" Ang galing pala umarte ni Mika!

"Huwag ka na nga magdeny pa! Alam mo ang mga sinasabi ko. Bakit ba pilit mo pa rin kami ginu-gulo?"

"Nasisiraan ka ng bait." Nagpumiglas siya ulit sa mahigpit kong hawak sa braso niya.

"Babawiin ko ang kung ano ang akin. Hindi ako natatakot sa iyo Mika."

"Walang iyo Nicole! Akin lang ang asawa ko!"

"Ano?" Asawa agad? Nicole?

Tumawa naman siya ng parang baliw. Natanggal na rin niya ang hawak at hinimas iyo.
"Masyado yata akong nadala sa commercial ng The Legal Wife. Aalis na ako. Walang patutunguhan ang usapang ito." Nag-smirk siya pagkatapos "Huwag ka na ring umasa na babalik pa si Jairus sa iyo. He's mine! Bye!" Tinalikuran na niya ako at naglakad ng mabilis palayo. Wala siyang kwentang kausap.

-Mika's POV-

HINDIIIIIIIIII!

PAANO NALAMAN NG SHARLENE NA IYON ANG TUNGKOL SA AMIN NI CARL?!

HINDI ITO PWEDENG MANGYARI! Anytime, maagaw na niya si Jairus sa akin. MAWAWALA NA SI JAIRUS SA AKIN!

Hindi ako papayag! HINDI AKO PAPAYAG! AKIN LANG SI JAIRUS! AKIN LANG!

Kailangan kong makagawa ng paraan at maunahan si Sharlene sa kung anong plano niya.

Paano?

Eh kung burahin ko na lang kaya lahat ng nalalaman niya tungkol sa akin at kay Carl? Kagaya ng ginawa ko kay Jairus nung first day. Tama! Ganon na lang. Kailangan ko munang makalapit sa kanya.

Panaginip II (JaiLene Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon