A/N: ANG GWAPO-GWAPO NI JOAO DIBA GUYSSS???
ALYSON'S POV
Nag lalakad ako ngayon sa hallway ng ABS-CBN, aayusin na kasi namin ang final 12 ng Pinoy Boyband Superstar. Oo nga pala, ako si Alyson Dela Fuente, 19. Junior writer at producer agad ang trabaho ko dito at thankfully mabilis ang progress. Kailangan ko talaga mag werk, werk, werk, para sa ekonomiya! Minsan naman, parang all around na din trabaho ko dito. Pwede na nga din akong Janitor dito eh. Nga pala, hawak ko ang GGV at itong Boyband Superstar. I love my work, pero I needed to file a vacation leave for about 3 months. Binisita ko sa Macau ang mga tita ko, nag travel na din. Kaya hindi ako saksi sa auditions ng mga contestants.
I'm all about adventure and travel, hanggat may time go lang ng go! Bata pa naman ako eh. Dumiretso ako sa studio 3 kung saan nandon ang mga beshies ko, sila Viceral, ate Yeng, ate Sandy at Tito Aga. Close kaming lahat no, nung binubuo palang namin yung concept ng Pinoy Boyband, iba nayung bond namin.
"MANAAAAAAAANG!" Alam niyo kung sino? Si Viceral. Bakit manang? Hindi ako marunong mag ayos.
"Yes, Viceral?" pang aasar ko.
"Ano ba naman yan, Aly! Ang ganda-ganda ko tapos itatawag mo sakin Viceral?!" Dismayang sagot niya. Tinitigan ko lang siya maya-maya lang niyakap niya na ko.
"Na-miss kita, bruha!" bago niya ko bitawan sinabunutan niya muna ako ng very very light. salbahe diba?
"Siraulo! Halika na, magbobotohan pa kayo," Inaya ko siya backstage dahil nauna na yung tatlo dun.
"Hi, guys!" bungad ko sakanila pag pasok namin ni Viceral sa backstage.
Sinalubong ako ni ate Sandy ng yakap, pati narin si ate Yeng. While si Tito Aga, beso. Oha! Naka-beso ako kay Aga Muhlach.
"Hindi niyo naman ako namiss no?" natatawang tanong ko. "Hindi ako tatlong taon na nawala, tatlong buwan lang." dugtong ko pa.
"Baliw ka talaga, Aly. Akin na nga yung folder na dala mo." Sabi ni tito Aga. Binigay ko naman, kailangan ko din kaseng ilista eh.
"Dahil hindi mo naabutan ang auditions dahil gala ka, stand by ka muna." Sabi ni Vice sakin, tumango lang ako at nilabas yung notepad at ballpen ko.
"Gusto ko yung galing Macau. Malakas ang dating niya," suggest ni ate Sandy. Huh?? May galing Macau?
Ayan, Aly vacation leave pa ng tatlong buwan..
Nag hanap si ate Yeng yung picture ng kung sino man yung galing sa Macau na malakas daw ang dating.
"Found it!" tinaas ni ate Yeng yung picture ng lalaki na may lip piercing. Shems! Ka-gwapo naman ng batang ire. Penge ng ganyang genes.
"Laway mo, Aly." Kunwaring pinunasan ni Viceral yung "laway" ko daw.
Tinulak ko nga, "Never pang tumulo ang laway ko sa lalaki, huy!"
"Ahh, yabang ah? NBSB kasi!" pang aasar ni Tito Aga. Nagtawanan naman kaming lahat.
And the list goes on...
"So sure na tong top 12 niyo?" tanong ko sakanila. Tumango silang apat. "Balik na ko sa office, tambak ang gawain ko. Ayoko na mag vacation leave!" pag rereklamo ko sakanila.
"Baka pag tapos lang nitong Boyband superstar, lumayas ka nanaman eh!" sabi sakin ni Viceral. Mapang-asar talaga to!
"Tse! Babush na! Salamaaat! Mwa!" sabi ko at tumakbo palabas ng Studio 3.
Para lang mahatak ni AI at IA... Err, anong meron? Bat nakadamit sila ng pyjamas? Bat may Korona?
"Huy, anong trip niyong mag kapatid? Bat kayo nakaganyan?" tanong ko sakanila.. nang biglang...
BINABASA MO ANG
We're Different (Slow Update)
FanfictionIsang writer slash producer at isang aspiring artist, pinagtagpo ng isang TV competition.. Pero pano pag natapos na ang kompetisyon? Magtutuloy-tuloy ba ang pag-ibig na nasimulan? O isa lang sila sa mga nabiktima ng "Pinagtagpo pero hindi itinadhana...