"So this is it, huh?" Tanong ni Russell. I bitterly smiled, nandito sila pwera kay Joao. Hindi ko na din naman inaasahang magpapakita pa siya.
"Mag i-ingat ka don, Aly ha? Wag kang makakalimot na balitaan kami sa mga nangyayare sayo," bilin ni Ford.
"Saka Aly, ano size 8 ha? Tapos Medium o Small lang," bilin naman ni Niel, lahat kami natawa.
"Ikaw talaga, hindi ko alam kung nag pa-paalam ka ba talaga o nag papabili eh." Sabi ko sakanya, napakamot naman siya ng ulo.
"Pero seryoso, Aly, mag i-ingat ka don. Hihintayin namin ang pagbalik mo, kung babalik ka man." Mahina niyang sinabi yung huling part pero narinig ko pa din.
Then I turned to Tristan..
"Ano, 'Tan? Tatahimik nalang tayo?" Tanong ko kanina pa kase siya tahimik. Eh 30 minutes nalang kailangan na namin pumasok sa loob ni Donny.
"Baka pag nag salita ako, umiyak ako eh." mahina niyang sabi. "Aly, alam mo naman kung gano ka kaimportante samin. Lalo na sakanya , hindi ko alam kung masasanay ba ko na hindi ka namin nakikita sa hallway. Na hindi ka bigla-biglang susulpot sa rehearsals namin para lang bigyan kami ng pagkain o tubig, na hindi ka mag tetext saming lima na gusto mong pumunta kami sa bahay mo dahil nalulungkot ka. Hindi ko alam kung kaya ko bang maging matatag para samin, kase kapag lahat kami gusto nang sumuko, ikaw yung nandiyan." huminga siya nang malalim, ramdam kong paiyak na siya kase paiyak na ko.
Rinig ko ang paghikbi nung tatlo, si Tristan pilit paring pinipigilang maiyak.
"Al, hindi ko alam kung kaya ko mag function ng hindi ka namin kasama.. mag pakatotoo man ako na kaya ko, pero di ko kayang masanay na wala ka eh. Para ka nanaming kapatid, ikaw yung takbuhan namin pag may mga problema kami. Ikaw yung nag aayos samin pag nakakabwisitan na kami sa isa't isa. Ikaw yung unang makikipag away pag may nang ba-bash samin, ikaw yung nandyan para samin simula't simula palang. Walang makakapalit sa pwesto mo, Aly. Hihintayin ka namin, maging maayos man kayo ni Joao o hindi, nandito pa kami. Walang makakapag pabago ng pagmamahal namin sayo bilang mga Kuya at kapatid mo." Sabi niya, habang ako humahagulgol. Napayakap nalang ako sakanya.
"Tristan naman eh, kala ko ba walang iiyak? Bat mo ko pinapaiyak? Traydor ka, sabi niyo di niyo ko paalisin ng nagmumugto ang mata. Eh ano to?!" Narining kong natawa siya sa pag rereklamo ko.
"Ganon ka namin ka-mahal, Aly. Kaya mag iingat ka don ha? Balitaan mo kami, gumawa kami ng groupchat para dun ka mag a-update samin." Sabi niya at ramdam kong nag punas siya ng luha.
"Oo na, babalik naman ako, di ko pa nga lang alam kung kailan. Pero babalik ako, para sainyo. I found my home with you guys. Walang makakapag pabago non." Sabi ko at kumalas sa pagkakayakap kay Tristan.
"Nako, pasimple ka pa, pinunasan mo lang ng sipon tong damit ko!" Nag biro siya, ayaw niya kase talaga ng ganitong scenario.
"Siraulo ka talaga!" Sakto pagsabi ko non, tinawag na yung flight namin, ibig sabihin kailangan na talaga naming pumasok sa loob.
Niyakap ko ulit sila isa-isa. Nung makarating ako kay Russell...
"Take care, my angel." Hinalikan niya yung tuktok ng ulo ko.
"I will, keep in touch huh?" Sabi ko at tiningnan siya.
"You should say that to yourself, Angel." Ayan nanaman tayo sa tawag na yan, Russell, nakakarupok. charot.
Ano ba naman yan, Aly?? Aalis ka nalang humaharot ka pa dyan!
"No, it's for you talaga! You're soooo bad at responding kaya, pustahan tayo yung DM ko sayo 2 months ago hanggang ngayon di mo parin nababasa eh," sabi ko at natawa. Aminado naman siya don.
"Babasahin ko pag uwi, you silly angel." Sabi niya at natawa. I gave him one last hug.
"Thank you for everything, my best bud. Labyu!" Sabi ko at humiwalay na, nakita ko siyang umiiyak. MINSAN LANG TO UMIYAK PERO KAHIT ANG TAGAL KONG GINUSTONG MAKITA SIYANG UMIYAK, HINDI KO KERI MGA MAMSH.
Pinunasan ko yung luha niya, "Huy, wag ka umiyak! Babalik ako ha? Babalik ako. Wag kang umiyak, hindi ganyan si Russell!" Sabi ko. I'm trying my hardest to not cry dahil ayoko na din.
"Pumasok ka na nga! You're just prolonging the pain," sabi niya. Niyakap ko nga at hinalikan ang noo kahit nakatingkayad na ko.
Tinanguan ko na si Donny, kaya lumapit na ko at nag lakad na kami. I glanced again for the nth time, saka ako nag wave. Ang lulungkot ng ngiti nila which made me cry again. Di ko sila kayang iwan ng ganyan, pero kailangan.
Napabuntong hininga nalang ako nung pumasok kami sa loob, hindi talaga siya dumating. Hindi niya talaga ako pinigilan. Ganon talaga no? Pag masyadong mataas yung Ego, na akala mo wala lang... Lagi naman eh.
"Are you ready, Al?" Tanong ni Donny sakin.
"May choice ba ko kung hindi maging ready?" Biro ko at natawa naman siya. Inangkla ko yung braso ko sa braso niya, "Let's go, Singapore!!"
THIRD PERSON'S POV
Hindi talaga sumilip o sumaglit si Joao, hanggang sa pabalik na yung apat.
"Taas ng pride niya no?" sabi ni Niel, kasalukuyan silang nasa van pabalik sa bahay nila.
"Tarantadong yon! Humanda sakin yon pag balik natin," naiinis na sabi ni Tristan.
"Wag ka mag padala sa galit mo, 'Tan. Baka naman talaga ayaw niya ng LDR?" Sabi ni Ford na lalong nag painit sa ulo ni Russell at Tristan.
"If he's not willing to take the risk for her, is that even love? Ang selfish lang kase," sagot ni Russell habang nakatingin sa bintana.
"Inayawan niya na agad bago pa niya subukan! Tingin niya ba sakanya lang masakit to? Na siya lang mahihirapan dito?! Si Aly ba tinanong niya? Tayo ba tinanong niya?" Lumakas ang boses ni Tristan dahil sa galit at inis.
Maya-maya lang di ay nakauwi na sila. Naabutin nila si Joao na nakaupo sa sala at may hawak na beer at ilang mga bote na nakakalat.
"Bro, bat umiinom ka? Ang aga-aga eh," tama naman si Niel, alas dose palang ng tanghali para mag lasing.
"How is she? Is she okay? Did she left safely?" That took Tristan on the edge.
"Ang kapal din ng mukha mong mag tanong no? Eh bat hindi ka pumunta para nalaman mo?! Tapos ngayon mag mumukmok ka diyan na kala mo talaga si Aly ang nang iwan?!!" Sabi ni Tristan at kwinelyuhan si Joao.
"Tristan, tama na yan.." pigil ni Russell pero hindi parin nakinig ang binata.
"Wala kang narinig sakin pag nasasaktan mo si Aly, jusko! Pinagtatanggol pa nga kita kay Russell eh, pero Joao, sobra naman na atang pagka makasarili nito!" Sabi ni Tristan at si Joao naman ngumisi nalang..
"She's the one who left not me, kung nag stay ba siya, magkakaganito ba ka---" naputol ang sinabi ni Joao dahil nasapak na siya ni Tristan.
"Deserve mo yan, gago! Ikaw ang bumitaw sainyong dalawa! Kala mo ba gusto niyang umalis?! Kung gugustuhin niya man, sana matagal na! Para matagal ka na din niyang kinalimutan!" Sigaw ni Tristan na ngayon ay pinipigilan na ni Ford at Niel.
Nung kumalma na sila ay dumiretso na sa kwarto niya si Tristan, pati si Ford at Niel.
Si Russell, tinitigan lang si Joao na bumangon at nag patuloy sa pag inom.
"Actually, you really don't deserve her. Pero mahal ka niya eh at that's the most important thing. But then you're a jerk. Stop being so immature, Joao. Grow the fuck up."
Iniwan niyang maiyak-iyak si Joao don.
.
......
BINABASA MO ANG
We're Different (Slow Update)
FanfictionIsang writer slash producer at isang aspiring artist, pinagtagpo ng isang TV competition.. Pero pano pag natapos na ang kompetisyon? Magtutuloy-tuloy ba ang pag-ibig na nasimulan? O isa lang sila sa mga nabiktima ng "Pinagtagpo pero hindi itinadhana...