chapter 23: meeting the college buddies

319 18 9
                                    

A/N: thank you guys so much! 4K reads na! Grabe, hindi ko inexpect to. I mean, hindi naman ako mabilis mag update. Hindi din naman ako ganun kagaling na author but damn! Thank you, thank you so much!

*******

Ilang araw lang din at na discharge na ko. Kulang nalang luhuran ko sila para pauwiin na nila ako.

"Hay, miss ko na office." Buntong hininga ko.

Nasa bahay na ko, nandito parin si tita Myrna pati yung pinsan ko. Hindi din nakuntento yung lima at halos every other day dito natutulog, kagaya ngayon. Nandito silang lahat, not that I'm complaining ah.

"May babalikan pa ba akong trabaho?" Tanong ko at humarap kay Russell na nasa tabi ko.

"Meron pa naman pero siguro they'll give you light works for now," sagot niya.

Si Niel nag lalaro lang ng GTA sa T.V. ko.

"Light works? Gusto ko prod agad! Busy agad ganon," sabi ko. Namimiss ko na mag prod eh!

"Hoy, Alyson, tumigil ka diyan! Kakagaling mo lang sa hospital ah," narinig kong sigaw ni Tristan galing sa kusina.

"Sa lagay kong to, mukha ba kong galing hospital ha?!" Balik sigaw ko.

"Alam niyo ang ingay niyo. Respeto naman sa mga natutulog pa," Sabi naman ni Ford na galing sa isa sa mga kwarto.

"Anong oras na, Ford. Himala?" Syempre, kadalasan si Ford ang laging nauunang magising.

"Katext niya kase si Charity magdamag," sabat ni Niel na hindi parin inaalis yung tingin sa TV.

Huh? Charity?? Yung bestfriend ko?

Nagulat nalang ako nung may lumipad na throw pillow papunta kay Niel.

"Kahit kailan, walang preno yang bibig mo!" Sabi ni Ford.

"Sinong Charity?! Yung bestfriend ko?!" Tanong ko.

"Do you know other Charity than your best friend?" Sarkastikong tanong ni Russell kaya nag roll eyes lang ako.

Tumayo ako at pinuntahan si Ford na nag titimpla ng kape.

"Hoy! Ano na? Kailan mo balak sabihin sakin? Best friend ako ni Charity baka nakakalimutan mo," sabi ko sakanya.

"Alam mo na nga eh, bat ko pa sasabihin ulit?" Ay wow.

"So, kung hindi pa sasabihin ni Niel, di mo pa din sasabihin?" Tanong ko.

"Gusto kong sa best friend mo mag mula yung kung ano man tong nangyayare samin," sagot niya.

"May nangyare sainyo?! Bilis mo, Fordykels ah!" Si Joao yan.

Nabatukan ko ng di oras.

"Minsan, akala ko matalino ka pero madalas hindi talaga eh," simangot ko sakanya.

"Nag jo-joke lang naman ako, love." Sabi niya at niyakap ako from behind.

"Joke pala yun," sabi ni Tristan at umupo sa tabi ni Ford.

*****

Mag hapon na kaming nakatunganga dito (well, ang OA lang ng description ko) puro laro lang sila. Sa sobrang bored ko, inaya ko si tita Myrna at si Sungjae mamalengke. As in sa palengke talaga.

Tapos nakaluto na kami, nakakain na balik din kami sa dati.

"Bored na bored na ko, gusto ko ng mag trabaho!" sabi ko.

We're Different (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon