Chapter 5

540 16 11
                                    

A/N: dahil sila ang halos nakasalamuha ni Aly sa chapter na 'to, wala muna si bunso. HAHAHAHAHAHA ENJOY GUYS!

ALYSON'S POV

Dadating talaga tayo sa punto ng buhay natin na gusto nalang natin na lamunin tayo ng lupa. Nakakainis naman kase si Joao eh, ang daming pauso. Edi siya na charming! Wait, what?

Tapos na yung Kiligity Challenge, isa pa tong si Ford at Tristan, mga pa-fall! Nakakainis, 'di na sila naawa sa marupok kong puso! Pag ako hindi pinanindigan ng mga 'to, yari sila sakin. Okay, ang OA ko na! Anyway, break namin, kasama ko si AI nasa loop kami. Nagutom kase ako bigla, nakakagutom kaya yung pakiligin, kala niyo ba madali yung dinadanas ko sakanila? Though, para naman akong ate nila Niel at Russell, pero iba din eh.

Habang namimili kami ng kakainan, biglang nag salita si AI, "Buhay ka pa ba?" Nakakalokong tanong niya.

Tiningnan ko siya, "Sa susunod talaga hindi na ko sasama sa mga kiligity-kiligity niyong yan. Maaga akong mamamatay dyan!" Reklamo ko.

Tumingin ako ng mga stalls sa loop, master siomai, frutas, zagu, infinitea, gong cha, Nachos, pizza hut, rice in a box... Gusto ko ng malamig at matamis. Nilibot ko ulit yung mata ko, ayun! Belgian Waffle saka Zagu nalang din.

Bigla akong tinulak ni AI na kinagulat ko naman, "Aray ko naman, girl! Ano ba yun?" Sabi ko.

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko? O busy ka sa pagtitingin ng pagkain?" Tanong niya sakin at inirapan ako.

Ang tanging nasagot ko nalang sakanya ay, "Food is life, my dear."

Inirapan niya lang ako, hinatak ko naman siya papunta sa stall ng Belgian Waffles. "Gusto mo din ba?" Tanong ko sakanya.

"Ano ba namang klaseng tanong yan, Aly! Syempre, oo! ...basta libre mo." At nag paawa effect pa siya.

Napabuntong hininga ako at tumango. Blueberry cream cheese waffle at Choco caramel ang in-order ko. Pinag order ko na din si Ai ng drinks sa Zagu. Chocolate sakin syempre ewan ko kung ano kanya.

Nung naluto yung waffles namin, nag hanap na ko ng mauupuan, may nahanap naman ako na good for four people, keribels na to kahit sobra. Konti lang din tao dito sa loop, dahil nga anong oras na, busy ang lahat dahil malapit na mag on air ang PBS.

Maya-maya lang dumating na si Ai na may dalang dalawang zagu. "Oh," inabot niya sakin yung Chocolate flavored, saka siya umupo.

Inabot ko naman sakanya yung blueberry cream cheese niyang waffles. "Pag ikaw inubo sa kaka-chocolate mo, tatawanan kita." Babala niya sakin.

"Grabe ka naman! Pero okay lang mag ka-ubo ako, para di ako nadadawit sa mga pakulo niyo sa show." Sabi ko at kumagat sa waffles ko.

Tahimik akong kumakain nung biglang nabitawan ni Ai yung waffles niya, kaya napatingin ako sakanya.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko sakanya, sayang kasi yung waffles. hehe. Habang siya gulat na gulat parang may nakitang multo.

"Look," sabi ni Ai sabay turo sa dalawang tao na papasok sa loop. Tumingin ako sa direksyon na tinuturo niya..

Si Joao.. kasama si... Chie? Close sila? Di ko alam to ah. Pero teka, ano nga namang pake ko at kailangan ko pang alamin? Papasok sila ng loop ng nagtatawanan, tuwang-tuwa ang lolo niyo.

I kept my emotionless face and decided not to be bothered by them. Iintindihin ko nalang tong waffle na kinakain ko. Kakagat na sana ako nung tumingin sakin si Ai.

"What?" I asked her.

"Ano? Di ka man lang ba mag re-react?" Tanong niya sakin. Mag re-react saan?

We're Different (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon