chapter 34: Burnout

169 11 1
                                    

2 years later...

It's good to be back, Manila.. Thanks to Singapore who taught me a lot of things. 1. Being alone is not that bad. 2. Living alone is comfortable. 3. Philippines still has the best food!!

Oo, 2 years, mga bes. Nag decide akong mag extend, feeling ko kase di sapat yung one year para masanay. Masanay na mag isa nalang ako, masanay na wala na siya sa tabi ko. The first four months is really hard, as in masakit sa puso! May times na magigising si Donny - na nasa kabilang kwarto dahil umiiyak ako. Or in the middle of the night, tatawagan ko si Russell para may makausap ako or mag video call kami nila Tristan. I'd see him pass by, pero wala lang. Hindi siya lilingon or hihinto para lang tingnan ako.. wala nalang...

Baka nga siguro naka-move on na siya? Sabagay, dalawang taon na din naman ang nakalipas... Baka nga okay na siya? Baka ako nalang talaga yung hindi pa?

Nag landing na yung eroplano at sakto namang tumunog yung phone ko. Si Tristan.

"Oh hello?" Sagot ko at kinuha yung bag ko.

"Nakalapag na kayo?" Tanong niya agad.

"Hello din sayo ha," I rolled my eyes. Natawa naman siya sa kabilang linya.

"We can't wait to see you, Aly!" Rinig kong sigaw ni Russell.

"Eto na bababa na nga, tatawag ako pag palabas na ko ng immigration!" Sabi ko at nag end call na.

I patiently waited for my things and went out, that's when I decided to call Tristan ulit.

"Oh, ano na? Nadaganan ka na ba ng maleta dyan?" asar niya, I rolled my eyes.

"Sira ka talaga, eto na palabas na ko! Nasan na ba kayo?" tanong ko habang tinutulak yung cart na may mga maleta ko.

"Kanina pa kami dito sa labas, ikaw ang nasan na?" tanong niya pabalik, sakto naman at nakalabas na ko. Nakita ko na sila, mahaba na yung buhok ni Tristan. Russell, wala namang nag bago masyado sakanya except pumayat. si Ford.. ANONG KLASENG HAIRSTYLE YAN?? si Niel, ganon pa din, di naman tumangkad. and... why is he here? anong ginagawa niya dito? bakit siya kasama? kala ko ba apat lang silang susundo sakin?

"bakit siya nandito, tan?" mahina kong bulong sa taong nasa kabilang linya.

"Gusto niya daw sumama eh, sinama namin." simple niyang sagot, my smile fade..

"Wow, thanks for asking kung gusto ko bang kasama siya," sarkastiko kong sabi. Lumapit ako sakanila.. dali-dali akong niyakap ni Russell.

"I swear, I tried telling them about this. hindi sila nakinig," bulong niya sakin. Russell has always been so loyal, he knows what's right and what's wrong. Ewan ko ba kung anong pumasok sa kukote ng mga to.

"I miss you, Angel! A lot!" he excitingly said. para mawala yung atensyon ko sa inis ko.

"Missed you too, best bud. Payat mo nanaman," concern kong tanong.

He shrugged, "Hindi ka pa ba nasanay sa katawan ko? I've always been like this naman," sagot niya and pulled away.

humarap ako kay Tristan na medyo sinamaan ko nang tingin. Nag peace sign lang siya kala niya naman may magagawa yan. He rolled his eyes and hugged me.

"Pasensya ka na, akala kase namin okay nalang din sayo dahil dalawang taon na din ang nakalipas," bulong niya sakin. tumango lang ako.

"para namang mababago ng sorry mo yung fact na nandito siya," sabi ko at bahagyang natawa. "You owe me some ramen, though." dag-dag ko. tumango lang din siya.

"Ramen talaga? Eh parang lagi mo atang kinakain dun sa Singapore, ramen o noodles eh. Di ka pa nag sasawa?" sabi niya at kumalas na sa pagkakayakap.

"Eh gusto ko ramen, walang basagan ng trip!" sagot ko at tumingin kay Ford.

"Buhay pa ba gumupit ng buhok mo?" tanong ko, umiling lang siya at niyakap ako.

"Pati ba naman ikaw, Aly? di na nga ako tinigilan ng mga bugok na to eh!" sagot niya.

"Ikaw kaya yung bugok dito, itlog ka eh!" sagot ni Niel, kaya natawa kaming lahat.

"Ano ba naman kaseng pumasok sa utak mo at nag paganyan ka ng buhok?" Tanong ko habang nag pipigil ako ng tawa.

"Walang basagan ng trip, pwede? Kutusan kita eh!" Sagot niya, gwapo naman siya, bagay naman din, wag niya lang itaas ng bongga.

Then I turned to Niel, "Give ate Aly a hug, bunso!" Sabi ko and opened my arms. Then he did.

Then him, anong akala niya? Yayakapin ko din siya? Wow lang ha. Humarap ako ulit kila Tristan..

"Saan yung sasakyan? Gutom na ko, gusto ko na nang ramen!" Reklamo ko. Umiling naman si Tristan, si Russell naman tumabi sakin at inakbayan ako. He knows what to do, kahit ang awkward ng sitwasyon namin.

Kinuha naman ni Ford at Niel yung gamit ko. "Halika na, nandun sa parking yung van," sagot ni Tristan. Sumabay naman sakanya si Joao.

"It's been two years ha?" sabi ni Russell sakin.

"Hmm, bilis ng panahon no?" balik tanong ko. He just nodded as we continue to walk papuntang van.

"Sa gitna ako with Russell and Ford!" Sigaw ko at hinatak ko yung dalawa at tumakbo.

"Huy, kumalma ka nga! Walang aagaw ng upuan mo!" Sabi ni Ford.

"Nako, Ford, ayaw mo lang tumakbo kase matanda ka na!" asar ni Niel.

"Tito ka na kasi," dugtong ni Tristan. What's with all these tito jokes? Kanina pa to eh.

So umupo kami, then when we're all settled, nag drive na si Joao. Mabuti yan nang may magawa syang tama.

"Uy, ate Aly, yung pasalubong ko?" Tanong ni Niel sakin.

"Nasa maleta! Mamaya pagdating sa unit ko, bibigay ko." Sabi ko.

It's good to be back, but is it really a good decision to come back... for good?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We're Different (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon