chapter 22: Catching up

325 24 9
                                    

A/N: Ang hirap kase talaga ng drama kaya pahinga muna tayo don. Baka pakidnap nyo nalang ako dahil mapanakit ako. Hehe. Labyu!!

P.S: mag comment naman kayo, sainyo nalang ako kumakapit. Besides, I enjoy reading your comments.

*******

ALYSON'S POV

"Doc, okay na nga po ako. Gusto niyo tumakbo pa ko ng pabalik-balik dito sa hospital eh," sabi ko sa doctor dahil ayaw pa nila ako i-discharge ngayon.

"Aly, under observation ka pa nga," sagot ni Sungjae sakin.

Alam kase nila na ayokong nasa hospital lang, pakiramdam ko lalo akong mag kakasakit.

"Oppa, alam mo naman diba?" Sinubukan ko siyang kumbinsihin, inilingan niya lang ako.

"Ms. Kim, dalawang araw ka lang naman under observation. Makakauwi ka din agad pag tapos ng laboratory tests and results mo," sabi ng doctor sakin. (A/N: I changed Aly's surname ah. Half korean naman siya.)

Nag pout lang ako tapos nag paalam na yung doctor at lumabas.

"Aly, anak, tiis-tiis lang muna tayo ah? Makakauwi ka din," sabi ni tita Myrna at hinawakan ang kamay ko.

"Opo, tita. Pasensya na po sa inasal ko," nahihiya kong sabi.

"Nako, hija. Mabuti na yung nag sasalita ka, tatlong buwan din kitang binantayan ano," sabi niya sakin kaya napatingin ako sakanya.

"Po? Kayo po nag bantay sakin?"

"Oo, nung malaman kong naaksidente ka, nag madali agad akong umuwi dito. Mas madali kaseng mag process ng papel sa Macau kesa kila Mama mo. Alam mo naman ang sitwasyon dun diba?" She said, kaya lalo akong na-touch. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi makauwi agad-agad sila mama. I'm just thankful na nandito naman si tita Myrna.

"Thank you po, tita ah. Naabala ko pa po kayo," sabi ko.

"Ano ka ba, wala yun. Manugang naman na ang tingin ko sayo," I feel myself blushing sa mga sinabi ni tita sakin.

"Hoy, Aly, wag kang masyadong kiligin dyan. Mamaya pagkamalan kang nilalagnat, tumagal ka pa nyan dito," sabi naman ni IA. Inirapan ko nga.

"Ang salbahe nyo sakin, diba dapat mabait kayo kase kakagaling ko lang sa comatose?" Tanong ko.

"Mukha ka bang galing sa comatose? Gusto mo pa ngang tumakbo takbo eh," sagot naman ni Niel.

Bigla namang umupo sa tabi ko si Joao, may dalang isang platong orange at apple.

"Ayo--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko. Pasakan ba naman ako ng kalahating mansanas sa bibig eh.

"Kumain ka ng kumain. Dextrose lang laman ng katawan mo pero ang dami mong energy," sabi sakin ni Joao. Nag tawanan naman sila.

Tinanggal ko yung kalahati para makapag salita ako.

"Kwentuhan niyo naman ako. Ang alam ko palang nag tatagalog na tong si Russell," sabi ko at sinubo ulit yung apple.

"Simulan natin sa pag balik natin dito sa Manila," sabi ni Tristan at kumuha ng upuan saka umupo sa harap ng kama ko.

Ako naman, parang bata na naghihintay ng kwento.

We're Different (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon