"Ugh! Ayoko na ulit mag trabaho!" reklamo ko at binalibag yung isang folder sa table ko.
"Parang nung nakaraang buwan lang hindi ka mapakali sa bahay mo, ano ka ngayon?" sabi ni Charity sakin.
"Bakit kase nilipat ako sa Myx? Ayoko nga doon di naman ako musically creative," sabi ko.
Last month pa nila ako nilipat sa MYX pero hanggang ngayon di ko parin matanggap. Executive producer pa! Ano bang alam ko sa mga international artists bukod sa Coldplay, LANY at Paramore?
"Mamahalin mo din yan, gaya nang pagmamahal mo sa PBS noon," sabi niya sakin. "Saka at least, hindi ka sa current affairs or news nilipat diba?" dugtong niya.
"May point, pero kase ang PBS weekends lang. Itong MYX weekdays! Pambihira naman," sabi ko at nakasimangot na umupo sa sofa.
Biglang bumukas yung pinto sa office at limang lalaki ang pumasok, alam niyo na kung sino.
"Oh, anong nangyare sayo at nakabusangot ka diyan?" tanong ni Ford sakin. Umupo naman si Joao sa tabi ko.
"Nag mamaktol, gusto ng umuwi agad," sabi naman ni Charity, habang si Ford pinuntahan na siya.
"Bakit naman?" tanong ni Russell.
"Ayoko sa MYX," sabi ko at sumimangot ulit.
"Aysus! Bakit ikaw, gusto ka ba ng MYX?" sabi naman ni Tristan at umupo sa isang table.
Sinamaan ko nga ng tingin.
"Babe, at least, hindi ka sa news nalipat diba?" Sabi naman ni Joao sakin at umakbay.
"Bat ba lahat kayo yan ang sinasabi sakin," reklamo ko.
"Balita ko nga, may bagong VJ ah? Gwapo daw tapos matangkad," minsan nag tataka ako dito kay Niel eh, kalalaking tao, chismoso.
"You're too chismoso for a guy, Niel," Russell stated.
"Saan mo naman nakuha yan? May mas popogi pa ba sakin?" — Joao, bigla namang nag 'ehem' yung apat.
"Este sating lima," dag-dag niya agad.
"Kwestyonable pa yan, Joao. Hindi sa lahat ng tao gumagana ang appeal mo," sabi naman ni Charity.
"Kay Aly na nga lang ata gumagana charms niyan eh," nagulat ako sa kung saan sumulpot itong si Jax.
Oo nga pala, nag simula na siyang mag trabaho dito. Last month lang din, si Blake, hindi pa namin alam.
"May papaganahin ba? Saan?" Kunawari kong hinahanap sa mukha ni Joao yung 'appeal'.
"Ay, patay tayo dyan, pare. Mukhang hindi mahanap ni Aly," asar ni Ford.
Nag roll eyes naman tong si Joao. Alam niyo na, medyo pikon.
"Ah ganon? Hindi na gumagana appeal ko sayo?" Tanong niya sakin.
"Meron ka ba nun?" Pang aasar ko.
"Lakas ah," he said.
"Tingin ko nga," hinarap ko yung mukha niya sakin.
"Ito oh," nagulat ako nung hinalikan niya ko sa labi.
"Grabe naman, guys! Respeto naman sa mga single!" Reklamo ni Niel.
"My eyes are stinging," sabi ni Russell.
"Mga damoves mo, Joao. Lumang luma na yan eh," sabi ni Jax. Ako gulat pa rin.
"Gulat ka 'teh? Feeling firs time ma-kiss ng boyfriend?" tanong ni Charity. Nag sitawanan naman sila.
"See, my charms are still working." Joao smirked. Naka-score kaya nagmamayabang.
BINABASA MO ANG
We're Different (Slow Update)
FanficIsang writer slash producer at isang aspiring artist, pinagtagpo ng isang TV competition.. Pero pano pag natapos na ang kompetisyon? Magtutuloy-tuloy ba ang pag-ibig na nasimulan? O isa lang sila sa mga nabiktima ng "Pinagtagpo pero hindi itinadhana...