ALYSON'S POV
{December 11, 10:00am}The day has finally come, Grand Reveal na. Everyone is so busy sa mga arrangements and stuffs. I'm currently on my car, driving to the airport. Bakit? Pinapasundo sakin ni Joao sila Tita Myrna. Since mamayang gabi pa naman yung Grand Reveal, kaya madami pang oras. Hindi din nila ako pinapapunta ng dressing room, surprise daw ang mga performance nila. Kaya I'm stuck in my office, buti nalang inutusan ako ni Joao.
Sabi ni Joao sakin, makakarating daw sila tita ng 10:30 or 11:00 buti nalang din at hindi gaanong traffic dahil weekends naman. Nang makarating ako, dumiretso na ko sa parking lot at nag hanap ng malapit-lapit sa imigration. When I found the perfect spot, saka ko pinark. Then lumabas na ko, kinuha ko yung phone ko at susi. I stand near where the exit is. Para mas madali ko silang makita. Hindi naman din tumagal yung pag hihintay ko dahil tumawag na si Tita Myrna.
"Hello po, Tita? Nakababa na po kayo?" magalang kong bati medyo maingay sa kabilang linya.
"Oo, 'nak. Palabas na kami, actually. Saan ka banda?" tanong niya sakin, naririnig ko yung boses ni Hannah at Joshua sa background.
"Sa tapat po mismo ng pag lalabas niyo, tita." sagot ko.
"Nakikita ka na namin, 'nak. Sige na dyan na tayo mag usap," natawa ako at binaba na. Actually, first time kong mame-meet sila Hannah at yung papa ni Joao. Kase nga, si Tita pa lang yung name-meet ko.
Nakita kong kumaway si Tita, nasa tabi niya si Hannah at Josh, si Tito naman nasa likod, tulak-tulak yung trolley na may laman ng gamit nila. Nag lakad na ko para lumapit sakanila.
"Welcome back po, Tita!" masigla kong sabi. Niyakap niya naman ako agad.
"Maraming salamat, Aly. Namiss kita," sagot niya at hinamas yung likod ko.
"Oo nga pala, ito si Hannah at Joshua," turo niya sa kapatid ni Joao. Hannah squealed and hugged me in excitement.
"Hi, ate Aly! It's so nice to finally meet you!" sabi niya sakin, I hugged her back.
"That's so sweet of you, Hannah. The pleasure is mine," I said and we both pulled away.
"Hi, ate!" sabi ni Joshua at nakipag high five sakin.
"Hey there, buddy. Wanna play some games?" kinindatan ko siya, siya naman nanlaki yung mata sa gulat.
"Nag lalaro ka?" tanong niya sakin. Tumango ako.
"Yep, NBA. Laro tayo ah?" he excitedly nodded in return.
"Oh, bago niyo ko makalimutan." nag salita yung papa ni Joao. "Hi, Aly! Tito nalang itawag mo sakin ha? Pwede ding papa, kung dun ka komportable." natawa ako. I nodded my head.
"Nice meeting you po, Tito." I said. "So, tara na po? Gusto niyo po bang kumain na muna? May malapit na kainan dito," dag-dag ko pa.
"Nako, Aly wala pa kaming peso hindi pa namin napapapalit," alalang sabi ni Tita habang nag lalakad kami papunta sa kotse ko. Hannah linked her arms with mine.
"No, tita. Ako na po, panigurado at gutom na din kayo. Kakain tayo ah, bawal po tumanggi," bawal ko sakanila. Binuksan ko muna yung trunk at tinulungan si Tito ilagay yung mga bagahe nila doon.
Tapos sumakay na kaming lahat sa kotse. "Ano po bang gusto niyong kainin?" tanong ko sakanila. Si Hannah yung nasa passenger seat tapos sila tita yung nasa likod.
"Ate Aly, I'm craving for some chicken," sabi ni Joshua.
"Talagang nag request ka, Josh ah," saway ni Hannah sa bunso.
BINABASA MO ANG
We're Different (Slow Update)
FanfictionIsang writer slash producer at isang aspiring artist, pinagtagpo ng isang TV competition.. Pero pano pag natapos na ang kompetisyon? Magtutuloy-tuloy ba ang pag-ibig na nasimulan? O isa lang sila sa mga nabiktima ng "Pinagtagpo pero hindi itinadhana...