Chapter 10

372 18 37
                                    


ALYSON'S POV

Simula nung sinundo ako ni Joao, ganun na yung naging routine namin pag gabi hanggang umaga ang shift ko. The guys, nakikita ko sila minsan pag nadadatnan ko silang nag pa-practice. Pero dahil busy din ako sa office works while sila busy sa pag pa-practice. Oo nga pala, tanggal na si Markus, Miko at Henz. Tatlong beses ko na din atang kinomfort si Joao, iyakin kase!

Binalita naman din sakin ni IA na dumating daw yung mommy ni Joao at Russell. Hindi ko sila na-meet, tulog kase ako nung dumating sila. Pero balita ko din, nandito pa daw sila. Or should I say, hindi pa nakakabalik sa Macau at Chicago. Nasa studio 3 ako ngayon, inaayos namin yung set up para sa live sa Linggo. I'm currently fixing the mics in the judges' table when someone covered my eyes.

Bumuntong hininga ako, "Sinasabi ko sayo, Charity, madami akong ginagawa ah." sabi ko, si Charity lang naman kase ang mahilig sa mga ganyang trip eh.

"Hindi ako si Charity," I know that voice too well. Tinggal ko yung kamay niya saka ko siya nilingon.

"Micael!" tuwang tuwa kong sabi. Nangiti naman siya sa excitement ko.

"I missed you!" bulong niya pero sapat lang na ako lang yung nakakarinig. Kinikilig ako na hindi ko mawari, automatic namang nahampas ko siya.

"Ganyan ka ba mag sabi ng 'I miss you too'?" hinimas niya yung braso niya.

"Tse! Epal ka!" natatawa kong sabi. Tiningnan niya ko simula ulo mukhang paa, este simula ulo hanggang paa.

"Himala at nag pantalon ka ngayon?" tanong niya sakin.

"Bawal ba ko mag pantalon, aber?" tinaasan ko siya ng kilay.

Nginitian niya ko, "I like it better when you're wearing jeans. Para natatago yang pata mo!" pang aasar niya. Aba bastos to ah!

"Kala ko ba miss mo ko? Miss mo lang ata ako asarin eh!" biro ko sakanya, natawa naman siya. "Bakit ka nga pala nandito? Wala naman kayong practice ngayon ah?" tanong ko sakanya at nag lakad papuntang backstage habang siya nakasunod sakin.

"I'm here to pick you up," simple niyang sabi habang nakasandal sa door frame. Buti nalang walang tao dito sa backstage. Mga nag lunch ata.

"Huh? Bakit? Anong meron?" tanong ko sakanya, wala talaga akong pasok ngayon nag patulong lang sila Patrick para nga sa pag aayos ng stage.

"Because someone I know wants to meet you," ano daw? Someone wants to meet me?

Nakakunot parin ang noo ko, nag iisip kung sino man yon. "Chill, she's nice. Tara na," lumapit siya sakin at inakbayan ako. She??

"Tell me this is not a prank," sabi ko sakanya habang palabas kami ng studio 3.

"This is not a prank, Jade. May bag ka bang dala?" tanong niya sakin, bumitaw na siya sa pag kaka-akbay sakin nung lumabas kami ng studio 3 dahil alam niyo naman.

"Meron, nasa office. Hintayin mo ko sa back entrance, doon nalang tayo mag kita." sabi ko sakanya, tumango lang siya saka ako tumakbo papuntang office.

Pag dating ko don, nandun sila IA, dumiretso ako sa table ko at kukunin na yung bag ko nung may bumulong sa gilid ko.

"Someone is going to meet someone today!"

"Ay kabayong bundat!" gulat kong sabi pag tingin ko si AI. Tawang-tawa pa ang loka.

"Susmaryosep, AI! Mamatay ako sayo ng maaga eh!" sabi ko gulat na gulat parin. Pero.. "Paano mo naman nalaman na may imi-meet ako ngayon?" tanong ko.

We're Different (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon