Huling Sandali

10 1 0
                                    

Tula mula sa paalam ni Maria Clara

Nang kumagat ang pait ng dilim
Sa bayan na puno ng awit ng kulimlim
Isang binibining lunod sa kasawian
Isang binatang tagtag na sa kamuhian
Nagtagpo sa pagitan ng putukan ng damdamin
Giyera ng katotohanang hindi napa-ilalim
Binatang nagparaya upang manahimik
Ang binibining walang kupas umiimik
Kapatawaran ang hiling, pagmamahal ang alay
Tanggap ng binata sapagkat pag-ibig ang kaaway
Sa huling sandali iniwanan na ang lahat
Tahanan, pag-ibig, kasiyahang nauwi sa salat

With My WordsWhere stories live. Discover now