At the cafeteria..................
Ruru's P.O.V
Nasa cafeteria kami ngayon. At nag-order na ako ng pagkain namin. "Ruru," Tawag sa akin ni kuya Alden "Bakit?" Tanong ko naman "Tignan mo yung babaeng yun," Sabay turo sa babaeng hindi naman kagandahan (A/N hindi po yun sina Gabbi at Maine.) "Kanina pa nakatitig sa atin. Halos matunaw na tayo dito." Sabi ni kuya Alden "Kaya nge eh." Sabi ko "Lipat tayo ng puwesto." Sabi ni kuya Alden "Ha?, sige, ikaw ang bahala." Sabi ko at lumipat na kami ng puwesto.Gabbi's P.O.V
"Ate Meng," Sabay tapik ko sa balikat niya "B-bakit Gabs?" Na-uutal niyang tanong "Kanina ka pa tulala kay Jake. Move on na Ateng!" Sabi ko sa kaniya "Eh ang hirap eh." Sabi naman niya "Hay nako. Sa bagay, kung ako nasa sitwasyon mo ngayon hindi ko na lang titignan yan. Lalo ka lang mahihirapan mag-move on." Sabi ko "Oo na ikaw na the best." Sabi niya at kumain na lang "Hay nami-miss ko na sila ate Kylie pati si ate Sanya." Sabi ko "Kaya nga eh. Kung parehas lang tayo ng school, ang saya-saya natin ngayon." Sabi niya. Kumain na lang kami hanggang sa may napansin kaming dalawang lalaki na naghahanap ng puwesto "Sa tingin mo Meng saan sila uupo?" Tanong ko sa kaniya pero nakatingin sa dalawang lalaki "Bakit mo naman naitanong?" Tanong naman niya pabalik "Hindi naman yun ang sagot sa tanong ko." Sabi ko "Edi sorry. Ito na sasagutin ko na. Ang sagot ko ewan ko." Sabi niya "Tssss." Ayun na lang ang nasagot ko "Uh..... excuse me, puwede ba kami umupo rito? Ito na lang kasi ang merong space eh." Sabi nung lalaking long hair "Uh.... sure!" Sabi ni Meng "Thank you." Sabi nung isang lalaking guwapo rin.To be continued............
Ano kaya ang mangyayari pagnagkasama na sila? Abangan yan sa susunod na Chapter! Thank you for the votes and enjoy!!!
YOU ARE READING
Perfect Love
FanfictionDate Created: January 4 2017 Alden Richards is a playboy. He hated girls because of their heartbreak and he keep making girls falling in love with him and making them believe that he love them. His family is away and always on a business trip. Maine...