Alden's P.O.V
Nasaan ka na ba Maine? Ayun lang ang tanong sa isipan ko.Lumabas ako at nagbaka-sakaling nandito si Maine. At sa wakas nakita ko na si Maine. Nakaupo siya sa isang bench. "Maine!" Sigaw ko. "Oh, ano? Tapos na ba yung moment niyong dalawa ni Julie? Kung hindi pa, puwede na akong umalis. Okay lang naman eh." Sabi niya. Nagulat naman ako. Nagseselos ba si Maine? Ang cute naman niya. Anyways, back to reality! "Nagseselos ka noh?" Pang-aasar ko. "Pa'no kung sabihin kong oo? Anong magagawa mo?" Nagulat naman ako sa sinagot niya. Grabe ang seryoso niya ngayon ha! "Uy, grabe ka naman. Umuwi na tayo!" Sabi at hinila siya papuntang kotse ko. Nagseselos si ABER!Maine's P.O.V
Nakakabuwisit yung Julie na yun. Ang sarap sampalin ng kung anong matigas na bagay. Kulang na lang i-untog sa pader ng sampung beses para bumalik sa realidad! Nakasinghot ata yun ng rugby. Drug pusher ata yun eh! Pa-tokhang kita kay Dela Rosa ngayon din! Kung makabeso parang hindi sila nagkita ng 10 years. Eh, tatlong taon lang naman silang nagkahiwalay. Kala mo glue eh! Dikit ng dikit kay Alden. Parang walang tao doon sa kinauupuan ko eh. Ano ba ako? Anino? Multo? Invisible? Haist! Ang layo tuloy ng iniisip ko! "Hoy, parang amg lalim ng iniisip mo diyan ha?" Sabi ni Alden na nagmamaneho. "Wala ka na dun!" Irita kong sagot. "Hoy! Fyi boyfriend mo 'ko noh!" Bulaslas niya. "Boyfriend lang! Hindi kita nanay o tatay o kapatid o bestfriend para malaman mo noh! At isa pa hindi naman kita asawa ah!" Sagot ko naman. "Eh soon to be husband mo naman!" Nagulat naman ako sa sinabi niya. At nagawa pa niyang bumanat ah! "Soon to be pa lang naman eh! Tsaka it depends kung magtatagal tayo!" Sabi ko. Natahimik tuloy siya. Hahahaha!! Speechles si kuya!! "Kala mo ikaw lang marunong bumanat ah!" Bulong ko. "Anong sabi mo?" Tanong ni Alden. Patay! "Wala...." Sagot ko naman. "Mag-drive ka na!" Sabi ko. Nakatingin kasi siya sa 'kin kanina eh.Sa Bahay................
Nandito na kami sa bahay ni Alden. 6:33 pa lang naman ng gabi. Pagkapasok ko bumungad sa akin ang naglalambingang Ruru at Gabbi. "Hoy! Mamaya na yang lambingan niyo. Tulungan niyo muna kami ilagay 'tong mga 'to sa tamang lagayan." Bulyaw ko sa kanila. Tumango naman silang dalawa. Maka-akyat na nga! "Maine!" Tawag sa 'kin ni Alden. "Ano?" Tanong ko at nag-cross arms. "Walang good night kiss?" Tanong niya. "Good night kiss mo mukha mo!" Sabi ko at tumakbo na sa kuwarto ko. Bahala ka sa buhay mo Richards! Kasalanan mo rin naman kung bakit ako nagkakaganito eh! Makatulog na nga! Goodnight guys! Maliban kay Alden!
Hi guys! Hehehe. Short ud lang po. Malo-low batt na po cp ko eh. Pero bukas babawi po ako. Kung may time para mag-update! Thank you for supporting! Please vote mga bregs! Goodnight!
YOU ARE READING
Perfect Love
FanfictionDate Created: January 4 2017 Alden Richards is a playboy. He hated girls because of their heartbreak and he keep making girls falling in love with him and making them believe that he love them. His family is away and always on a business trip. Maine...