Hi guys!! Sorry po kung walang update for the past few days. Hindi po kasi nagcha-charge yung cp ko. Kaya slow update po. Pero gagawin ko po ang lahat para makapag-update. Sana maintindihan niyo po!!!
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Third Person's P.O.V
Kakagising pa lang ni Maine ng mapansin niyang wala sina Ruru at Gabbi. Nakita niya lang doon ay si Alden. "Uy, Den nasa'n sila Ruru at Gabbi?" Tanong ni Maine. "Pumunta sa bahay ni Ru," Sagot naman ni Alden. "Tsss, pumuporma lang yan kay Gabbi!"Sabi ni Maine sa isip niya. Totoo naman eh! "Uy, ano iniisip mo?" Tanong ni Alden. "Sila Gabbi," Matipid na sagot ni Maine. "Uh, Mainw aalis muna ako." Sabi ni Alden at tumayo sa kinauupuan niya. "Bakit? Kasama mo na naman ba si Julie?" Tanong ni Maine habang kumakain. "Hindi ah! May pupuntahan lang! Ang selosa mo naman!" Sabi ni Alden. "Eh, bakit ikaw? Parang hindi ka nagseselos kapag may kasama akong lalaki ah!" Depensa ni Maine. Nagulat naman si Alden sa sinabi ni Maine at na-alala niya yung nangyari dati.¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
*Flashback*
Nasa loob pa ng classroom si Maine dahil ina-ayos pa niya ang mga gamit niya. "Uy, Maine!" May biglang tumawag sa kanya kaya napalingon siya. "Ikaw pala Kenneth! Nasa'n yung mga trops mo?" Tanong ni Maine. "Ah, sila ba? Nasa labas sila. Bumili ng kakainin namin." Sagot ni Kenneth. "Wow! Foodtrip kayo? So, sa labas kayo kakain?" Tanong ulit ni Maine. "Yep! Para maiba naman." Sagot ni Kenneth. Natawa naman si Maine ng mahina. "Tsaka iba na ngayon noh! Wala na tayo sa 90's! At isa pa, mga millennials tayo noh!" Sabi ni Kenneth. "Sa bagay," Sabi ni Maine. "Mauna na ako. Baka hinihintay na 'ko nila Jon." Sabi ni Kenneth at nagpaalam na. "Hoy, Maine sino yun?" May biglang nagsalita kaya napalingon bigla si Maine. "Si Kenneth," Maikling sagot ni Maine kay Alden. "So, boyfriend mo?" Seryosong tanong ni Alden. Pero sa kaloob-looban niya, kumukulo yung tiyan niya sa Kenneth na yun. "Oo," Nagulat naman si Alden sa sagot ni Maine. "Boy as a Friend. Gets?" Sabi ni Maine at lumabas na. Tumawa si Maine ng nakalabas na siya. "Boom basag!" Bulong niya.*End Of Flashback*
"Eh, ano naman?" Iritang tanong ni Alden. "Wala. Nakakatawa kasi yung ekspresyon ng mukha mo nun. Hahahahaha!!" Pang-aasar ni Maine. "Sige, tawa pa! Sana mabulunan ka niyan!" Binulong na lang ni Alden yung huli niyang sinabi. Narinig naman ni Maine yun. Kaya binato niya si Alden ng plastic na baso sa ulo. At, sapul! Natamaan si Alden sa ulo. "Aray!" Sabi ni Alden at napahawak sa ulo niya. "Kala mo hindi ko narinig yun ah!" Sabi ni Maine at binato ulit siya. Pero hindi na baso, unan na yung ginamit niya. "Pasalamat ka at hindi yan baso. Buti nga naawa ako sa'yo eh. Kung hindi baka hindi na plastic na baso yung ibabato ko sa'yo." Sabi ni Maine. "Maka-alis na nga!" Sabi ni Maine at umalis na. "Aba't na-unahan niya pa talaga ako." Sabi ni Alden at napakamot na lang sa batok niya.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Maine's P.O.V
Nakakabuwisit talaga yun si Alden. Pero infairness ha! Nabuwisit ko siya! ~For the first time in forever!~ By Frozen. Si Anna kumanta nun. Siguro naman alam niyo yung frozen. Anyways! Back to reality. Nasa park ako ngayon. Well, sabado today! So, walang pasok! Pero saan kaya pupunta si Alden? Ano ba kasing meron? Hay! Ang daming tanong na naglalaro sa isip ko. Hindi ko nga rin alam kung kasama ni Alden si Julie eh. Pero masama naman yung magduda ng walang ebidensiya. Kaya hindi ko na masyado pagdududahan si Alden. Baka kung ano pa mangyari sa relasyon namin niyan eh. Yung iba kasi kapag nagdududa yung isa sa isang relashionship, sinusuyo ng isa. Pero sa iba, inaamin na. Pero sa iba rin, mag-aaway pa. Hay! Ano kayang magandang gawin? Wala kasi si Gabbi at Taki eh! Kung nandiyan sila, edi sana walang boring ngayon. Kaso may mga lovelife eh! Ako rin. Pero ang boring talaga!!!!!
YOU ARE READING
Perfect Love
FanfictionDate Created: January 4 2017 Alden Richards is a playboy. He hated girls because of their heartbreak and he keep making girls falling in love with him and making them believe that he love them. His family is away and always on a business trip. Maine...