Truth Or Dare

209 7 0
                                    

Maine's P.O.V
Nagulat na lang kami nang biglang prumeno 'tong si Jerald. "Hoy, Jerald magdahan-dahan ka naman!!" Sigaw ni Val. Kapag na-badtrip talaga 'to maninigaw eh! "Oo na," Ayun lang ang sinagot ni Je. Ang sarap kaya ng feeling na ganito yung mga kasama mo sa buhay. Yung laging asaran, pikunan, harutan, tawanan, barahan, hampasan, iyakan. Ayun yung mga mami-miss mong kasamang tropa eh. Yung kahit anong mangyari papatawanin at papatawanin ka pa rin. Kahit mapagalitan ka, o di kaya sila, tawa pa rin kayo ng tawa. Malapit na rin ang pagtatapos ng school year namin. Mami-miss ko doon si Jake. Hindi naman ako inlove doon. Magkaibigan lang talaga kami. "Okay! Nandito na tayo!" Sigaw bigla ni Sam. "Uy, Sammypoo nakakagulat ka naman." Sabi ko. "Sorry," Sabi niya at binuksan yung pintuan namin. "Gentleman rin naman pala eh," Sabi ni Pat. "Chuma-chansing lang yan noh!" Sabi ko naman. "Sige, Maine, mambara ka pa." Sabi ni Sam. Inalalayan sila ng kaniya-kaniya nilang jowa, maliban sa'kin. Si Alden kasi nagpipicture-picture pang nalalaman. Hay napaka-GENTLEMAN niya talaga! "Napaka-GENTLEMAN talaga nang isa diyan!!!!" Sabi ko. Tumawa naman sila ng malakas. Bumaba na ako sa Van ni Sam at naglakad na kami. "Hindi mo man lang ba tatawagin yung jowa mo? Sobrang busy kakapicture oh!" Sabi ni Val. "Ako? Tatawagin ko pa yan? Psh! Eh, kung ako nga hindi niya tinulungan bumaba, muntikan pa ako mahulog, tapos tatawagin ko pa siya. Ano siya? Sinu-suwerte? Bahala siya!" Sabi ko. Totoo naman eh. Muntikan pa nga ako mahulog dahil madulas yung rubber shoes ko eh. "Uy, bakit hindi niyo 'ko tinawag?" Tanong niya. "Busy ka kasi kakapicture, naging bulag ka pa tuloy," Napatawa naman sila nang malakas sa sinabi ko. "At paano naman ako naging bulag?" Pambabasag niya sa'kin. "Oohh!! Burn!" Sigaw nina Sam. "Naging bulag ka kasi hindi mo kami nakitang papa-alis na," Sabi ko naman. Napa-oohh na naman sila. "Hindi porket nagpipicture bulag na agad," Aba't lumalaban ka pa ha! "Bulag ka kasi humihingi ka ng tulong dun sa mga ibon para i-guide ka. Nakita nga namin kapag kumakaliwa sila kumakaliwa ka rin," Sabi ko. Lalo na man silang napa-oohhh!! "Kasi nakita ko," Sabi niya. Akala mo mababasag mo 'ko ha. "Nakita mo ba? O baka naman sinusundan mo lang yung ingay nila?" And then BOOM BASAG!! Wala na siyang nasagot pa. "Hahahahaha!! Basag ang trip ng pambansang bae natin! Si Maine lang pala katapat mo eh!" Tama ka diyan sa sinabi mo Sam! "Kawawa ka naman Alden kay Meng!" Sabi ni Val at umalis na kami.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"Ito na daw yung room natin," Sabi ni Jerald. "Natin o niyo?" Pambabara ni Val. Siya na talaga ang Reyna ng Pambabara. "N-namin pala," Na-uutal na sabi ni Jerald. "Saan nga pala yung kuwarto namin?" Tanong ko. "Nandi--" Hindi na na-ituloy ni Alden yung banat niya. Alam ko kasing babanat siya eh! "Kung babanat ka Alden, puwes! You're too late! Hindi ako magpapadala sa banat mo noh! At kung sasabihin mong nandiyan sa puso mo, edi kasama sina Val. Think twice before you say a word Alden!" Pambabara ko na naman. "Grabe siya!" Ayun na lang yung nasabi ni Alden. "Hahahaha!!" Tawa na naman nila. "Bye na!" Sabi namin.

"Ikaw, Meng ha! Mahilig ka na rin mambasag ng trip," Sabi ni Val. "Asus! Matagal na!" Sabi ko. "Pat, kanina ko pa napapansin na tahimik kayo nina Sam." Sabi ko sa kaniya. "Wala lang, trip-trip ko lang manahimik eh." Sagot naman niya. Pumasok na kami sa kuwarto namin at nilagay na yung mga maleta at bag namin sa cabinet. "You know Meng, i wonder if Jake's suffering because he left someone like you. I mean ang suwerte kaya ni Alden na nagka-gf siya na tulad mo. Sayang naman kung iiwan ka lang din niya." Pat said. Okay! English mode on! "Jake's not suffering," I calmly said. "What!? So, he never loved you!?" They shockly said. "No, its not like he never loved me. We're friends now." I said. "Pero Meng," Sabi ko. "Friends lang kami, he needs a second chance. Convo ends here." Sabi ko.

Alden's P.O.V
Pumunta ako sa kuwarto ng mga babae at pinapasok naman nila ako. "Anong kailangan mo?" Tanong ni Maine. "Laro daw tayo," Maikli kong sagot. "Ano lalaruin natin?" Tanong ni Pat. "Truth or Dare," Sagot ko. Pumayag naman sila at sumama sa'kin.

[Sorry po kung medyo maikli ang Point Of View ni Alden. Babawi ako sa next chapter!]

Third Person's P.O.V
Pumunta si Alden sa room nila nina Sam kasama sina Maine. "Oh, Pat my Love---" Hindi na na-ituloy ni Sam yung sasahihin niya nang biglang sumabat si Patricia. "Sam, huwag mo 'kong ma-love love diyan ha!? Diba maglalaro tayo? Ano gagawin natin maglalaro o maglalandian?" Sabi ni Patricia. Natawa naman sila. "Wow! Gumagaya na sa pambabara!" Sabi ni Alden. Hinampas naman siya ni Maine. "Aray! Ito naman!" Reklamo ni Alden. "Eh, kung manahimik ka na lang kaya diyan para hindi kita masaktan!" Sigaw ni Maine. "Saan? Sa puso ko? O sa katawan?" Pang-aasar ni Alden. Kinurot at hinampas siya ni Maine kaya napa-aray na naman siya. "Ayun yung sagot ko sa tanong mo." Sabi ni Maine. "Grabe talaga siya!!" Reklamo ni Alden.

Perfect LoveWhere stories live. Discover now