Date Night Of GabRu

146 10 0
                                    

[Hi guys!! Bago ko umpisahan tong chapter na to, i just want to thank you for getting 280 reads!!]

Ruru's P.O.V
Nandito ako ngayon sa labas hinihintay ko si Gabbi. Well, sabi ko sa kaniya na magde-date kami. Sa Mall kami manonood. "Ruru," May biglang tumawag sa 'kin kaya napatingin ako sa direksyon nun. Then, nakita ko si Gabbi. "Ay Gabs!" Sigaw ko "Puwede na ba tayo?" Tanong niya "Tayong ano?" Pabalik kong tanong na may halong pang-aasar. Pinalo naman niya ako sa dib-dib ko. "I mean, puwede na ba tayong umalis?!" Galit niyang tanong. Tumango na lang ako.

Sa Mall...............

"So, ano gagawin natin dito?" Tanong niya "Movie, gusto mo?" Tanong ko. Tumango siya. "Then next, kakain tayo. And then bibilhin ko lahat ng gusto mo." Pagpapaliwanag ko. "Ah, ok."  Sabi niya "Pero bago yun, kiss muna." Request ko. "Kapal naman ng face mo!!" Bulaslas niya. At pinalo ako sa braso. Hay!! Bakit ba ako nagkagusto dito sa sadistang 'to. Halos parehas lang sila ni ate Malunggay(Maine). Alam niyo kung bakit malunggay tawag ko dun? Kasi Menggay, kasingtunog ng Malunggay. Habang siya, tawag sa 'kin Mr.Tarantado. Naghahanap na kami ni Gabbi ng papanoorin. "Ano gusto mong panoorin?" Tanong ko "Horror Movie sana, kaso baka matakot ka pa." Pang-aasar niya. "Ito!! Minsan na nga lang dine-date nang-aasar pa." Bulyaw ko sa kaniya "Eh, diba manliligaw ka? Kaya magtiyaga ka diyan." Sabi niya. "Ano ngang papanoorin?" Tanong ko ulit "Uh, siguro," Pamimili niya "Ito!" Sabay turo sa Movie'ng 'Pitch Perfect 2'. Tumango na rin ako. Napanood ko yung 'Pitch Perfect 1' nung 2012. Bakit? Puwede rin naman yun sa lalaki diba? Puro kanta lang naman yun. Maliban na pang sa scene nina Beca at Chloe sa loob ng banyo. Hay! Ano ka ba Ruru?! Hindi ka MANIAC!! Pumasok na kami sa sinehan at pinanood na yung gustong panoorin ni Gabbi.

After The Movie..................

Lumabas na kami sa sinehan pagkatapos ng Movie. Ang ganda nga eh. Kaso mas maganda si Gabbi. "Ang ganda noh!" Masayang saad ni Gabbi "Oo, pero mas maganda ka pa dun." Binulong ko na lang yun kasi baka kung ano pa magawa sa 'kin ni Gabbi. "Ano?" Tanong niya. "Wala!" Sabi ko. Kakain na kami. Siyempre request niya Chowking. Nag-order na kami ng makakain. Well, same yung food namin. Chicken and rice then may chitcharon pa. Sapat na yun! Tsaka nagutom rin ako noh! Pagkatapos kumain, dumiretso kami sa ice cream shop. Gusto niya daw eh! Haist! Ang childish!! Kumakain kami ng ice cream ng mag-vibrate phone ko.

I message from The Beauties and The Baes.

Group Chat: The Beauties and The Baes

Maine: Hoy!! Mr. Tarantado! Ingatan mo si Gabs ha! Pagmay nangyaring masama diyan, mananagot ka sa 'kin!!

Me: Don't worry ate Meng, iingatan ko si Gabbi.

Taki: Sana nga!

Alden: Baka, nakakaabala tayo sa date nila, guys! Kaya mag-date na kayo!

Me: Oo na lang kuya Alden

Ayun na yung huli kong sinabi. Umalis na kami ni Gabbi sa ice cream shop. Bibilhan ko na siya ng gusto niya. Pumunta kami sa bilihan ng damit ng mga babae. Siyempre ano pa ba binili niya? Malamang yung mga dress at bla bla bla!! Uuwi na kaming dalawa ni Gabbi.

Sa biyahe walang umiimik pero pag sa bahay, aba! Ayaw ko nang ikuwento. Nasa bahay na kami ni Gabbi. Well, medyo natagalan kami sa Mall. 6:35 PM na kaya. Dumiretso ako sa kuwarto ko. Pero bago yun nag-goodnight ako kay Gabbi. Hay, ang saya-saya ko today. Anyways! Makatulog na nga! Goodnight everyone! ZzzzzzZ ZzzzzZzzz

Okay! Tapos na ang date ng GabRu!! Request po kayo kung gusto niyo mag-date ang RyKi!! Ano kaya ang mangyayari sa susunod na kabanata? Well, hintay lang po! Dahil baka dalawang chapter i-update ko! Pero depende po yun kung may time pa ako. Pero thank ypu for reading! Happy Valentine's Day Everyone! Wala ba kayong Valentine's? Kung ganon, Same Tayo!! HAHAHAHA!!

Perfect LoveWhere stories live. Discover now