No Time For Maine

196 11 0
                                    

Alden's P.O.V
Kakagising ko pa lang kaya bumaba agad ako. 6:37 pa lang ng umaga kaya mahaba pa ang oras namin para maghanda. Gigisingin ko sana si Maine nang bigla siyamg bumaba siya. "Uy gising ka na pala." Sabi ko. "Goodmorning," Sabi niya, sabay kiss sa cheeks ko. "Yown!!!" Sigaw ko. "Grabe siya!" Sabi naman niya. "Gising na ba yung dalawa?" Tanong ko. "Yep! Nag-aayos na." Sagot naman niya. Ay! Tatanongin ko na pala siya kung bakit hindi niya ako pinapansin kahapon. Well, slight lang naman ang pagpansin niya sa'kin. "Maine," Sabi ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Bakit hindi mo 'ko pinapansin kahapon?" Ura-urada kong tanong. "Gusto mo ba talagang malaman?' Tanong niya. "Oo naman," Sabi ko. Umupo ako sa harapan niya. "Nagseselos ako sa inyo ni Julie." Agad niyang sagot. Nanlaki naman mata ko. "Hahahahaha!!" Hindi ko na napigilang tumawa. "Kaya ayokong sabihin eh!!" Sabi niya at pinalo ng malakas yung lamesa. Hindi man lang umaray. "Uy, sorry na! Bakit ka naman nagseselos?" Tanong ko. Medyo natatawa pa rin ako. "Kasi kala mo glue kung makadikit sa'yo! Tapos, nagbe-beso agad-agad! Hindi muna bumabati!! Ang sarap niya ipapatay! Pa-tokhang ko siya kay Dela Rosa eh!" Sabi niya. Natawa naman ako ng mahina. "Sus! Ang girlfriend ko nagseselos. Huwag kang mag-alala hindi kita ipagpapalit kay Julie." Sabi ko. "Hindi mo naman yan masasabi eh!" Sabi niya at kumain na. Hay, ganyan talaga ang lovelife hindi mo maiiwasang magselos.

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Maine's P.O.V
Nandito na kami sa school nila Alden. Kanina nag-usap kami kung bakit hindi ko siya pinapansin. Ang awkward nga eh! Pero at least nai-push ko yung sarili kong magsalita, kesa naman kulitin ako ni Alden buong magdamag. "Tissy!" Ayan na naman si GG. Oy! Hindi yun mura ah! Baka sabihin niyo ogag ibig sabihin nun. Baliktarin niyo yung ogag kung hindi niyo alam. Si Glue Girl papansin kay Alden. "Tissy, kala ko hindi na ako makakapasok eh." Sabi ni Julie. Psh! "Paano nakapasok?" Tanong ni Alden. "Pinayagan ako ni Mr. Martinez. Pero 'pag na-late daw ulit ako, hindi na ako masu-suspend. Pero.maghihintay ako sa labas hanggang matapos yung klase. Hindi lang ako, lahat tayo." Sabi niya at hinimas ang mukha ni Alden. Napatingin sa'kin si Alden. Sinamaan ko siya ng tingin. Agad naman siyang umiwas. "Sabay tayo mamaya sa lunch?" Anyaya ni Julie sa kaniya. Putspa! Magmumura talaga ako! Buwisit lang Julie ka! Maka-alis na nga. Baka ma-iyak pa ako dito eh.

Alden's P.O.V
"Sabay tayo mamaya sa lunch?" Tanong ni Jappy. "Uh........ Maine, okay lang ba----" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita kong wala na si Maine sa kinatatayuan niya kanina. Urgh! Nagseselos talaga siya! "Yes.... or no?" Tanong ulit ni Julie. "Tatanongin ko lang si Maine." Sabi ko pero bigla niyang hinawakan yung kamay ko. "Ano mo ba siya?" Tanong niya. Alam kong nagagalit siya kay Maine. Pero magagalit ako sa kaniya kapag may ginawa siyang masama kay Maine. Pero hindi naman yung sasaktan. "Japs, she's my girlfriend remember?" Sabi ko at lumakad na papalayo. Nasaan na ba si Maine? Tapos nakita ko siya naka-upo sa classroom. [A/N: Tapos na po yung class nila.] "Maine," Sabi ko at hinawakan yung kamay niya. "Okay lang. Sumama ka na." Sabi niya. "Sure?" Tanong ko. Tumango naman siya. "Thank you, Maine." Sabi ko at hinalikan ko siya sa labi ng mabilisan.

Third Person's P.O.V
Nasa classroom si Maine. Bago umalis si Alden tinignan siya sa mata nito. Nakita niya sa mata nito na nasasaktan siya. "Bakit naman nasasaktan si Alden?" Diba, dapat masaya siya? Kasi kasama na niya si Julie." Naguguluhang tanong ni Maine sa sarili.

Sa kabilang banda, sobrang saya ni Julie dahil kasama niya ang taong pinakamamahal at ayaw niyang mawala sa buhay niya. "Soon you'll be mine again, Alden. Ako lang ang dapat mong mahalin, hindi si Maine! Ako lang ang nararapat sa'yo! Wala nang iba! Ano man ang sabihin ng iba, ipaglalaban pa rin kita." Sabi ni Julie sa isip niya. Habang si Alden, kaya kanina sa mata niya halatang nasasaktan siya, dahil gusto niyang makasama si Maine. Pero ayaw niyang maramdaman ni Julie na hindi siya mahalaga sa buhay niya. "I'm sorry, Maine. Babawi ako sa'yo promise." Sabi ni Alden sa sarili niya.


A

ng layo pa rin ng iniisip ni Alden kahit kasama niya si Julie. "Hindi pa rin sapat si Julie para maging maligaya ako." Sabi ulit ni Alden sa sarili niya. "Alden, okay ka lang ba?" Tanong ni Julie. Tumango naman si Alden.

Si Maine naman, bumili na lang ng ice cream. "Hay, kailan kaya babalik si Alden? Halos wala na siyang oras para sa'kin. Ipaglalaban ko pa ba siya? O susuko na 'ko? Hay nako, nicomaine, pa'no na yan?" Sabi ni Maine at ginulo-gulo yung buhok niya.

Sa kabilang banda, ayun si Alden. Nabo-bored pa rin. Gusto na niya kasi makasama si Maine. Lalo na't alam niyang nagseselos siya. Kinakabahan nga siya eh. Baka mamaya sumuko na si Maine. Malapit na monthsary nila. Nag-iisip siya ng surprise para kay Maine. "Alden, free ka ba sa Monday?" Tanong ni Julie. "Uh, sorry Juls pero hindi eh." Sagot naman ni Alden. "Bakit?" Tanong ulit ni Julie. "Well, may ocation tungkol sa'min ni Maine." Sagot ni Alden. "Monthsary?" Sabi ni Julie. Tumango si Alden. "That's fine." Sabi ni Julie na nakangiti (pekeng ngiti). Sa totoo lang naiinis talaga si Julie kay Maine. Siya kasi ang humahadlang sa feelings ni Alden para sa kaniya. Wala siyang pakielam kahit tawagin siyang 'selfish'. Ang gusto niya mapasakanya si Alden. Ayun lang, wala nang iba. Pagmamay-ari niya si Alden. [A/N: Uh, Julie FYI lang ha! Hindi gamit si Alden para angkinin mo, tao siya! Nangaano ka eh!] Nagkuwentuhan sila buong magdamag kung ano'ng nangyari sa kanila the past 3 years. Pero hindi pinapahalata ni Alden na nabo-bored na talaga siya. Hanggang dumating na ang oras na pinakahihintay ni Alden. "Uhm, Julie, i have to go na eh." Sabi ni Alden. "Ah, that's ok. At least nakasama kita." Sabi ni Julie. "I'll guess, see at school then." Sabi ni Alden. "Yeah, see 'ya," Sabi ni Julie at umalis na si Alden. Hindi na niya ihahatid si Julie. Magta-taxi na lang daw siya. [A/N: Nahiya siguro kay Maine.]

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

Nasa bahay na si Alden ng nakita niya si Maine. "Maine, hindi ka pa natutulog?" Tanong ni Alden. "Hindi ako.makatulog eh. Pero medyo inaantok na ako." Sagot ni Maine. "Ah, okay. Sige matulog ka na. Goodnight." Sabi ni Alden. And she gave Maine a smack in the lips. "Goodnight din." Sabi ni Maine at humarurot na papuntang kuwarto niya. "Kyaaaa!!" Narinig pa ni Alden ang tili ni Maine. Natawa naman siya.

Official hashtag for today: #GetReadyForAlden'sSurprise

Hello mga bregs!! Yes! Ayan po ang Official Hastag for the day! Pero ano kaya ang surprise ni Alden kay Maine sa monthsary nila? Malalaman niyo ang sagot sa mga susunod na chapter. And thank you po dahil malapit na tayong mag-1k reads!! At salamat po for 60+ votes at ayoko na pong maikli masyado ang update ko. So yung mga ud ko around 1k+ or maybe more. Pero thank you po!! Goodnight mga breggys!!!

1,211 words for this chappy. ;)

Perfect LoveWhere stories live. Discover now