AGE: Chapter 3

7 0 0
                                        

We need to take a break.

Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko yang mga sinabi ni Justine. Napaka gago talaga nung lalaking yun. Nakipag break ba naman ang hayop. Sinayang niya yung 3 and a half years namin. Hinayupak yun.

"Do you understand Trisha?" Asked the one in front of me.

Nakakaasar talaga yung ginawa niya kanina. Pagkatapos niya pang sabihin yun sabay iniwan niya ako mag isa naka nganga sa upuan ko. Siraulong lalaki yun. Kanina lang kung maka sabi ng 'i love you' akala mo wala ng bukas. Kaya pala kung makayakap at makaakbay akala mo may kasalanang ginawa yun pala makikipag hiwalay na.

"Trisha!" Kuya Andrew called.

Nagbalik ang diwa ko. Kaharap ko si Kuya and we're having lunch together malapit sa school campus. Kung hindi niya pa ako tinawagan kanina nandun parin ako naka upo, naka nganga sa nangyari at ginawa ng hayop na Justine na yun. Iiyak na sana ako pero ang tagal nag process nung sinabi niya kaya hindi ko na nagawang umiyak.

"Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Ulit niya.

"Sorry Kuya. My mind was preoccupied. I didn't hear what you just said." Malamyang sabi ko.

Napatigil siya sa pagkain at sumandal sa upuan niya habang naka taas isang kilay niya. 

"Preoccupied? Ano naman yang iniisip mo? I hope it's about your studies." He said.

"Yes Kuya. It's about the reports to my other subjects. Especially when the exam is already near." Sabi ko habang kinakabahan kung accepted yung palusot ko. "Ano po pala yung sinasabi niyo kanina?"

"Sa dinami dami ng sinabi ko sa tingin mo uulitin ko lahat yun?" Omg galit na ba siya? "I'll just point out the important ones." He continued.

We talked about my report this morning, the mistake that I made and the important terms that I missed. He keeps on telling me that all reports are the most important one. It will be one of the basis for my upcoming OJT and for my work in the future. Sinabi niya rin ang importance ng punctuality ko sa lahat ng bagay. May binigay din siyang mga libro para basahin ko for the upcoming exams. Hahanapan niya din daw ako ng tutor para sa preparation ko sa OJT at final reports namin.

Pagka uwi ko ng bahay dumeretso na ako sa kwarto ko para humiga. Grabe itong araw na to. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Ngayon ko lang nailabas yung mga iyak ko dahil dyan sa hinayupak na Justine na yan. Pinakilala ko na sa pamilya ko at lahat lahat tapos ganun lang pala gagawin niya sa akin. Hindi manlang niya sinabi kung bakit ayaw niya na. Buti na lang sa ibang school siya nag aaral kung hindi masasapak ko siya pag nakasalubong ko sa school.

"Anak kumain ka na." Sabi ni mama. "Umiiyak ka ba? Nanonood ka nanaman ba ng drama? Tigil tigilan mo yan. Malapit na finals nyo. Mag focus ka."

Mas lalo akong naiyak. Ang laki ng expectation nilang lahat sa akin. Dahil ba 3rd year na ako? Ganito ba talaga kahirap pag malapit ka ng mag graduate? Gusto ko na ulit mag chill. Ayoko na mag aral.

Lumapit si mama sa akin nang makitang humagulgul ako. Nakita ko yung concern sa mga mata niya.  Bigla ko siyang yinakap.

"Ma bakit ngayon pa? Kung kelan sobrang pressured na ako sa finals at kung saan ako mag OJT. Bakit ngayon pa siya sumabay. Napaka gago niya Mama." Mas lalo kong hinigpitan yakap kay mama.

"Tumawag si Justine sa akin kanina." Natahimik ako at tinitigan si Mama. She looks so down. Parang nanghihinayang sa aming dalawa. "Sinabi niya lahat ng nangyari at nag sorry lang siya. Hindi niya na sinabi kung bakit pero sana daw maintindihan natin desisyon niya."

Aba ang gago talaga pati nanay ko dinamay niya.  Mas lalo akong naiyak. 

"Mama ang unfair naman. Kahit isang paliwanag lang. Isa lang Ma."

"May mga bagay talaga na kailangan na lang nating intindihin. Hindi man nila tayo mabibigyan ng explanasyon ngayon pero sa tamang oras at panahon malalaman din natin. Kahit na sila ang nang iwan, nasasaktan din sila. Ang kailangan lang natin gawin ay maging matatag. Walang magagawa kung iiyak na lang tayo. Pwede kang umiyak pero hindi na lang habangbuhay tayong iiyak. Kailangan din natin bumangon ulit para sa mga taong umaasa at dumedpende sa atin."

Yinakap ako ni Mama ng mahigpit at bahagyang naluha.

"Sa ngayon, kailangan mong maging matatag para sa sarili mo. Hindi para sa amin ng kapatid mo, kundi para sa sarili mo."

A Great EscapeWhere stories live. Discover now