Bwiset na lalaking to. Hindi siya gentleman. Unang tingin ko pa lang sa kanya noon sumasama na pakiramdam ko. Napaka hmp! Kainis!
"Maglalakad tayo?!" Sigaw ko sakanya.
Ok lang naman kasi na maglakad. Pero may bitbit kasi ako. Bag na may mga libro, laptop at yung take out. Bwiset talaga. Nakakairita!
"Mag taxi na lang tayo? Or jeep?" Sabi ko ng mabait. Mabait ha! Hindi ako basta mabait sa kung sino! "Ako na magbabayad. Sige na taxi na lang." sabi ko ulit.
"My house is only a walking distance from here woman. Stop complaining."
Matirik na yung araw dahil past 9 na at maaraw na talaga. It's not good for my skin. Bakit nga ba kasi ako nandito? Bakit nga ba kasi ako pumayag na pati weekend may tutor shit kami. Oo pala kasi ayoko marinig yung bunganga ni mama. At kailangan ko din dahil baka malaglag ako ngayong sem sa isang major ko.
One week na lang exams na and after that bakasyon. No. Saaming IT students walang bakasyon. Dahil after finals kailangan mag present ng project. Unti unti kaming pinapatay ng paaralan na ito.
Sa lower years naman na wala pang project kaya masaya ng konti. Konti lang. Bakit? Kasi two weeks break lang and back to class na kaagad. May short term kasi kami. Parang summer class siya pero may required na subjects na para sa short term lang. Hindi ka makaka graduate pag hindi mo kinuha. Bwiset diba? Kaya kami ngayon after ng finals and project namin, may OJT na kami. Pero hindi pa sa company.
Yung school namin parang may mini program na papasukan ng mga students na malapit na mag OJT. Isa ito sa pinaka importanteng subject at work ng third year. Kapag bumagsak kami dito, malaki ang chance na hindi kami makakapag OJT sa totoong company at sa dream company namin. Nakakaiyak pero kailangan.
"We're here." Sabi ni bwiset.
Langya naman oh. Pagod na pagod na ako. Kahit sa training talaga tamad ako tumakbo or mag lakad ng malayo. Ewan ko ba sa endurance ko.
"Di-to kk-a nakatira?" Hingal kong sabi.
He nodded and opened the door. Kinuha niya na rin yung take out at pumasok sa loob. Buti naalala mo na babae parin ako at kailangan ng tulong.
"Are you coming in or not? If you prefer studying there then fine with me. Mas ok pa." Sabi niya.
Wow nag tagalog siya? Wow ah. Pero wait, dito talaga siya nakatira? Kasing laki lang ng sala namin ito ah. Ganito pala itsura ng studio room. Now I know.
"Mag isa mo lang ba dito?" Tanong ko.
No comment.
"Kaya mo tumira dito? Ang liit naman ng space tapos yun oh yung kama mo nasa may gilid lang and yung may pinto lang ay cr at entrance lang ng bahay?!" Tanong ko ulit.
Still no comment.
Ano to kausap ko pader niya? Sapatos ko? Sarili ko? Hindi, may multo talaga dito at yun kausap ko. Bwiset napaka isnabero ah.
"Kelan tayo mag start mag review?" Tanong ko ulit hoping that this time he'll answer my question.
"Give me a second." Sabi niya.
YOU ARE READING
A Great Escape
RomanceSometimes, the world doesn't give you the life you've always wanted. Instead, it will give you a life full of adventure or even a thrill just to show how exciting it can be. How love changed her. She wants everything about him. He wants everything a...
