AGE: Chapter 4

9 0 0
                                        

Maaga akong pumasok kinabukasan dahil kailangan kong mag report ng maaga kay Kuya Andrew at may nakalimutan din daw siyang sabihin sa akin kahapon.

8:00  a.m when I arrived in school. Damn. Ang aga ko talaga pumasok ngayon. Pero kahit ganitong oras madami ng estudyante na papasok sa kani kanilang subjects. Tumayo muna ako sa may harapan ng main gate ng school namin para abangan yung bestfriend ko.

Ang yayaman ng mga pumapasok dito, mga naka sasakyan. Student athlete ako ng university na pinapasukan ko kaya ang mga subjects ko ay pang international maliban na lang sa mga major ko. Mayaman sila mama at sila papa naman ay nasa middle class. Pero si Mama never siyang humingi ng pera kila Mommy lalo pag nagigipid kami dahil sabi niya kailangan daw kayanin ni Papa ang hirap ng buhay. That's her way of punishing Papa. Hindi alam ni Papa na scholar ako ng school at hindi rin sinasabi ni Kuya Andrew dahil minsan hindi sapat ang pinapadala niya sa amin kaya naiintindihan ito ni kuya.

Si Papa kasi may ibang babae sa abroad. Nung nalaman ni Mama na ganun, halos isang linggo siyang nakakulong sa kwarto niya na umiiyak at minsan umiinom. Noon ko lang nakita si Mama na ganun. Kaya pinangako ko sa sarili ko hindi ko gagawin yung ginawa ni Mama.

"Hoy Miss Tardy!" Sigaw nung babae sa kabilang pedestrian lane habang kumakaway ito sa akin.

Sinimangutan ko siya habang pinapanood siya na maglakad papunta sa akin. Mas matangkad ang bestfriend ko sa akin at student athlete din siya gaya ko. Volleyball naman ang laro niya.

"Ang tagal mo. Nangawit na paa ko dahil sayo. Kapag ako hindi nakapag training ng maayos mamaya ikaw ang isusumbong ko kay coach." Sabi ko habang hinihimas paa ko.

"Hoy minsan ka lang naging maaga kaya wag ka nagrereklamo diyan. Ako nga tong madalas maghintay ng ilang oras sayo dahil sa pagiging late mo. Kaloka." Sabay flip ng buhok niya.

"Lika na at hinihintay na ako ni Kuya/Sir sa faculty. Mamaya pagalitan niya nanaman ako." Habang hinila siya papasok ng gate.

"Ay si Kuya/Sir Crush?! Omg dapat sinabi mo kagabi na pupuntahan natin siya ngayon para naman ginandahan ko yung suot ko. Kaasar ka." Habang inaayos yung suot niyang maong high waisted pants and black off shoulders.

Nagulat ako sa suot niya. Eto nanaman kami sa dress code eh. I was wearing the same thing! Except for the colors. I'm wearing faded tattered high waisted pants tucked with white off shoulders and a pair of all white converse. Ganun din sapatos niya. Tatawanan nanaman kami ni kuya niyan.

"Daan muna tayo C.R." Sabi ko kay Rica.

"Tama. Kailangan ko din magpaganda bago ko makaharap si Kuya/Sir Crush."

Tumakbo kami papuntang C.R nung mabangga ko yung isang estudyante. Shit. Bad timing. Nakarating na si Rica sa C.R habang ako naman ay napatigil nung matapon sa damit namin yung hawak nung lalaki na kape. Pusang binasa naman oh! Brad puti yung suot ko.

"What the fu..." Sabi ni kuyang naka formal attire.

"Hoy brad puti tong suot ko nakikita mo ba?! Alam mo ba kung gaano kahirap maglaba ng puti lalo pag may mantsa!?" Sigaw ko sa kanya.

"Hoy babaeng nadapa sa kung saan man." Sabay tingin sa pants ko. Pati ako napatingin. "I have a meeting to attend and a presentation later! And you spilled coffee on my attire! Tapos magrereklamo ka pa sa suot mo eh halatang wala kang importanteng gagawin!" Sigaw niya sa akin na halos mapatingin ang mga taong nasa hallway.

Wag papatalo. Itaas ang bandera ni Trisha! Matalino yan kaya kailangan mo mag isip ng maayos. Magsasalita na sana ako nang biglang lumabas si Kuya/Sir sa faculty. Tumakbo agad ako papunta sa restroom bago niya pa ako makita. Iniwan ko na lang yung lalaking natapunan ng kape sa hallway.

"Hoy tardy ang aga aga nakipag away ka nanaman. Nakakahiya naman beshie." Sabi ni Rica habang naglalagay ng powder sa mukha.

Ako naman pilit na tinatanggal yung mantsa sa damit ko kahit alam kong wala ng pag asang matanggal. Kawawa naman si mama at mahihirapang maglaba ng damit ko.

Bago lumabas ng restroom ay sumilip muna ako baka nandun pa yung lalaki. Rica made a go signal.

Tumakbo ulit kami papunta sa faculty habang linagpasan yung mga estudyante. Napailing na lang yung iba sa amin.

"Dito ka na lang. Hintayin mo ako." Sabi ko kay Rica.

"Ayaw sama ako sa loob. Gusto ko makita si Kuya/Sir Crush." Pamimilit niya.

Kaya eto kami ngayon sa loob ng faculty room nakatayo at nagulat ako sa nakita ko. Shit.

Napamura pa tuloy ako ng wala sa oras.

A Great EscapeWhere stories live. Discover now