AGE: Chapter 10

10 0 0
                                    

Justine

Isang silip pa. Kailangan kong siguraduhin kung totoo nga.

Nakakatakot. Nakakabading. Nakakapang hina lahat ng nakikita at nababasa ko. Bakit kasi ngayon pa? Kung kelan okay na lahat. Kung kelan masaya na ako at unti unti ko ng nakakamit mga pangarap ko.

But time is a goddamn traitor. It really knows how ruin someone's life. And of all people, I was the unlucky man it chose.

"Ano? Hindi ka pa ba masaya?" Tanong ni Jazreel sa akin habang pinagmamasdan yung baby.

Baby ko. May anak na ako. Tatay na ako. Sa mura kong edad nakabuntis ako.

Nangyari yun nung nag away kami ni Trisha dahil sa olympics na yan. Isa siya na mga napili na sumali doon at desisyon na lang nila kung gusto ba nila o hindi. Nung nalaman ko yun sobrang proud at natutuwa ako. Biruin niyo yun, yung girlfriend ko sasali ng olympics. Ang swerte ko. Hindi lang maganda at matalino si Trisha kundi certified athlete pa.

But she rejected the offer. Everyone in her family was shocked and at the same time disappointed. No one knows her reason. Ayaw niyang sabihin sa amin. Pati sa akin. Pinilit ako ng pamilya niya na kumbinsihin siya pero matigas talaga siya. Kung ayaw niya, ayaw niya. Siya ang boss. Pati mga magulang niya minsan hirap siyang pasunurin. We just want what's best for her. And joining the olympics will be a great opportunity for her career and studies.

"I'm so excited!" Sabi niya pa nung una.

Alam ko yun. Kasama ako nung nag explain yung coach niya sa mga benefits na makukuha niya. Nakangiti kami pareho habang nakikinig pero ewan ko ba at bigla na lang nagbago expression niya at sumimangot. Ayaw niya na daw. Hindi ko maintindihan kung bakit. Everyone knows how much she's in love with taekwondo. No one and nothing can stop her. That's her. My Trisha.

Nagulat si coach lalo yung mama niya. Iniiwasan ko pa naman magalit mama niya dahil iba siya magalit. Trisha is also like her mother, pag sinumpong ng galit wala na. Kawawa ka. Sigaw ng sigaw at nagwawala. Hindi ko siya kayang pagsabihan kasi hindi siya magpapatalo sayo. Kaya tahimik na lang ako madalas. Pero sa pinakita niya ngayon iba. She just walked out leaving me and her coach shocked and confused.

Nung nag away kami linayasan ko siya dahil minumura at sinisigawan niya na ako. Hindi ko na kaya na makipag away sa kanya. Kailangan muna namin magpalamig bago mag usap ulit. Sakto naman na nag host yung bestfriend ko ng isang house party dahil nabenta niya na yung kotse niya. Bobo din eh. Ginamit na lang sana sa ibang mas importanteng bagay. Pero dahil pera niya yun at desisyon niya kaya bahala siya.

Pagpasok ko ng bahay ang ingay. Para kang nasa loob ng isang bar. Mas maganda pa nga ito sa bar eh. Mainit at naghahalong amoy ng alak, pawis at usok ng sigarilyo madadatnan mo. Madaming naghahalikan, nagsasayawan, nag iinuman at naglalaro ng mga pang malibog na games. They find it fun but I don't.

Hinanap ko si Ivan dahil ayoko makipag usap sa iba. Kumuha ako ng isang baso ng beer para uminom dahil sa init. Pero shet! Takte naman oh! Beer na may gin? Seryoso? Gusto ba nilang ma wasted agad? Alas onse pa lang para sa ganitong inumin.

Hinanap ko ulit si Ivan nung inubos ko na yung inumin pero nakita ko siya. Ang ganda niya parin. Pero malandi nga lang. Ibang iba siya sa Trisha ko. Kumuha ulit ako ng isang baso para inumin pero binawi niya yun. The fuck? Kelan pa siya nakapag lakad ng mabilis papunta sa akin? Binigay niya yung isang baso na may beer din pero sabi niya walang gin yun kay ininum ko. Shit meron parin at ang lakas! Gagong babae talaga toh. Walang pinagbago.

Naramdaman ko yung hilo at antok. Puta! Uuwi pa ako. Tiningnan ko ulit siya pero ngayon sa ulo hanggang paa. Trisha? Bakit siya nandito? Hinawakan ko pisngi niya. Ang ganda niya talaga.

"Sorry." Bulong ko.

She smiled. Amoy alcohol siya. Kelan pa siya natuto uminom at kelan pa siya pinayagan pumunta sa house party? Kinusot ko yung mata ko para luminaw yung paningin ko pero bigla niya akong hinalikan. I kissed my Trisha at paggising ko nakita ko na lang siya na nakahiga sa tabi ko at nakayakap pa. She looks like a demon kicked out from hell. A bitch from hell. And I don't find it sexy or entertaining at all. Fuck! Fuck! Fuck! Anong ginawa ko?!

Kinalimutan ko yung nangyari sa amin ni Sam. Na parang wala lang. Hindi ko kayang mawala si Trisha sa akin. Ayoko. Hindi. Pero ilang buwan lang ako nakaligtas nung sinabi sa akin ni Sam na buntis siya at ako ang tatay. Shit.

I fucked up. Hindi pa dapat. Si Trisha lang dapat.

Isa yun sa mga pangarap ko. To graduate and have a stable job, to make a one big happy family of my own and marry the most beautiful wife that any man would like to have. Pero naging mabilis ang lahat. Fourth year pa lang ako. Wala pa ito sa mga plano ko.

Si Trisha.

Yung ang pinakamasakit sa lahat eh. Kung alam ko lang na makakabuntis ako, sana sa babaeng minamahal at pinapangarap ko na lang. Hindi yung babaeng sinaktan at iniwan ako. Si Trisha na lang sana nabuntis ko. Masaya pa ako dahil siya ang ina ng mga magiging anghel sa buhay ko. Siya lang ang gusto ko. Siya lang ang pakakasalan ko. Siya lang ang mamahalin ko hanggang mamatay ako.

Pero gago ako. Hindi ko manlang nasabi sa kanya kung bakit kailangan ko siya hiwalayan. Alam ko magagalit yun, sobra sobrang magagalit. Pero ayokong itago sa kanya. Gusto kong sabihin yung totoo pero kakamuhian niya lang ako. Sana maintindihan niya rin ako someday, mapatawad at sana, sana bumalik siya sa akin.

Yung mga ngiti niya na ang nagpapawala ng problema ko napalitan ng lungkot, galit at sakit nung sinabi kong maghiwalay na lang kami. Stupid. Yun na lang sinabi ko sa sarili ko. Kasi nga gago ako. Ginto na nga lang tinapon ko pa.

Nung narinig ko pangalan niya kila Kuya Mike noon, gustong gusto ko siyang lapitan at yakapin ng mahigpit. Gusto kong sabihin sa kanya na "hintayin mo ako, aayusin ko lang yung kagaguhan na nagawa ko at babalik din ako sayo."

Pero hindi eh.

"Fuck you!"

Sigaw niya at tumakbo palabas ng shop. Hahahabulin ko sana siya pero may ibang humabol. Mukha siyang professional. Mukhang desenteng lalaki. Siya ba? Siya na ba papalit sakin? Pero ilang araw pa lang. Impossible. Hindi ganun si Trisha. She will never do something like that. Hindi siya mabilis mag move on.

Hindi ko na siya nahabol ng tuluyan dahil pinigilan ako ng mga kaibigan ko.

Sila lang nakakaalam ng nangyari. Mas mabuti pa lang daw muna na iwasan at hayaan ko siya.




"Sir pwede niyo na po mahawakan ang baby. Dadalhin na po siya sa kwarto." Sabi nung nurse habang naka ngiti sa amin ng kapatid ko.

Ito na yung bata. Yung bata na nanggaling mismo sa dugo at laman ko.

Pumasok ako ng kwarto nung nakita kong tuwang tuwa sila sa nakikita nila. Anak ko. My baby. My little girl.

"Justine. Meet Cleigh. Our daughter." Samantha said.

Wtf?! Pinangalanan niya na? Hindi niya manlang ako tinanong kung anong gusto ko? Ano ba gusto ko? Felicia. Magka rhyme kasi ang Trisha at Felicia kaya yun ang napili ko noon pa.

"Akin ba talaga yan?" Yun lang lumabas sa bibig ko. Ang bilis kasi talaga. Isang gabi lang yun. Impossible talaga eh.

Shit! Shit talaga!

I turn around. Alam kong walang kasalanan yung bata para gawin ko sa kanya ito pero hindi ko pa kaya. Hindi ko pa talaga matatanggap na hindi si Trisha ang ina ng anak ko.

******
Author's Note'

Hey guys! So starting from this chapter POV's will be out so stay put and enjoy reading my story!!

What can you say about Justine? Mahal niya ba talaga si Trisha? Nakakainis si Samantha. Pati ako hindi ko siya bet. Ano sa tingin niyo?

Have a good day my dear readers! Xoxo -Maria

A Great EscapeWhere stories live. Discover now