Napatingin sa amin yung mga tao sa carinderia sa lakas ng sigaw namin. Pati si Kuya Andrew at Rica ay nagulat.
"You careless brat!" Sigaw ni kuyang naka formal attire. "Alam mo bang nakakahiya ako kaninang report ko because of the coffee that was spilled on my attire?! Muntik na akong pagalitan ng professor ko dahil sayo!" Pagtuturo niya sa akin.
Tinapik ko yung kamay niyang nakaturo sakin. "Hoy ikaw kaya yung may hawak ng kape! I bumped into you because you're not looking on your way. And it's my fault? Oh please. At yang kape na yan mumurahin lang yan dyan sa 7/11 palitan ko pa gusto mo?"
Pinigilan kami ni Kuya Andrew na nakakahiya daw kami dahil nag aaway na kami sa loob ng carinderia. Kumalma na lang si kuyang naka formal attire at namili na lang ng kakainin. Aba aba hindi manlang nag sorry ang gago. Lalapitan ko sana nung humarang si Kuya sa harapan ko para sabihan na tama na at mag order na lang ako.
Nag order ako ng isang budget meal na 1 meat and 2 veggies. Isang order ng adobo, chopseuy at ginisang ampalaya. Si Rica naman ay Kare kare at sinigang na baboy ang kinuha. Sila kuya hindi ko alam kung anong tawag dun sa order nila.
Tinawag namin si Manang Selda para sabayan kami sa pagkain. Pinagitnaan namin siya at sabay namin siya yinakap ni Rica. "Nanay Selda! Namiss ka namin!"
"Ang mga anak ko talaga napaka lambing." Habang yinakap niya rin kami. "Pero Trisha naman anak, nakipag away ka nanaman. Ikaw talagang bata ka."
Bigla kong tinitigan yung lalaki na kumakain lang. Hindi niya na ako pinapansin. Hinanap ko yung stain sa polo niya. Malaki pala, hindi ko yun napansin kanina. Oo nga, nakakahiya mag report kapag ganyan yung suot. Should I apologize? Hayaan na nga, mukhang nakalimutan niya naman na.
Iniwan na kami ni Nanay Selda para mag usap usap. Sinabihan niya kami na magpakabait lalo na daw ako, wag na daw ako makikipag away.
Napatingin ako dun sa lalaki. Kung magiging mabait siya, maybe I'll be good to him as well.
"Trisha." Sabi ni Kuya Andrew. "This is Anthony Villamor. I believe you already know him. He is also an IT student, a dean's lister."
Ah siya nga yung nerd na pinakamatalino na famous sa batch namin. No wonder kung bakit galit na galit siya sa mantsa sa polo niya, baka bumagsak siya dahil sa itsura niya.
Pwede naman kasi siya magdala ng extra formal attire in case of emergency like what happened a while ago. Ganun kasi lagi kong ginagawa. Ang talino niya hindi niya naiisip yung ganung bagay.
Sa course kasi namin required ang corporate attire. Isa yun sa mga binibigyan ng grades ng mga professors namin. Ang arte nga nila, gusto nila sobrang presentable kami kapag may reporting, kahit quiz or exams gusto nila naka corporate attire kami. Meron pa yung ibang professors na may kailangan na height ng heels, dapat slacks at proper haircut sa boys, color code ng damit, gusto pa nila pencil cut na skirt na color black, nagagalit sila kapag may naka dress. Sobrang arte nila.
"Anong gagawin ko sa kanya kuya?" Habang tinaasan ko ng kilay yung lalaking kumakain parin na para bang hindi ako naririnig. Napaka yabang. Hinding hindi ako mag sosorry sa kanya. Never ever.
Tinitigan ako ng masama ni Kuya Andrew. Ayan nanaman siya sa pagiging seryoso niya eh. Sinubukan niyang kalmahan sarili niya.
"He will be your tutor for this finals. Mag aaral ka sa bakasyon para sa upcoming OJT mo at siya din ang magtuturo sayo." Napanganga ako.
"I don't think I can handle that kind of girl Sir Vergara." Napatigil si Anthony kumain habang humarap kay kuya. "Ayokong makasama ang katulad niya."
Aba mayabang ka talaga ah. "Sa tingin mo gusto din kitang makasama? I'd rather review on my own instead of being with some nerd slash jerk like you." I pointed at him.
"See? She can do it on her own Sir. Why do you need to find her a tutor if she can be that boastful." He said to kuya.
Ako mayabang? Kilala niya ba ako para sabihan niya ng ganun? Akala niya kung sino siyang matalino.
Magsasalita na sana ako nang biglang tumayo si Kuya Andrew. Sinabi niya na mag uusap daw muna sila ni Anthony sa labas. Hinayaan na namin sila. Bahala sila sa buhay nila. Naiwan kami ni Rica habang nag order kami ng dessert. Lumipas ang ilang minuto nung bumalik silang dalawa habang naka simangot si Anthony.
"It's settled then. Mr. Villamor will be your tutor. I hope you'll be good to him Trisha. He's a great guy"
Yeah right.
Nagbayad na si Kuya Andrew at pumunta na sa sasakyan.

YOU ARE READING
A Great Escape
Roman d'amourSometimes, the world doesn't give you the life you've always wanted. Instead, it will give you a life full of adventure or even a thrill just to show how exciting it can be. How love changed her. She wants everything about him. He wants everything a...