AGE: Chapter 5

8 0 0
                                    

Aalis na sana ako sa hiya nung biglang pumasok si Kuya Andrew. Okay retreat. Natawa yung isang professor namin na nakita kung paano reaction namin. Nandun kasi lahat ng professors na naka upo sa meeting table nila. Nakatitig sila sa amin dahil sa pagpasok namin habang nagtutulakan. Sumenyas si Sir Revilla na maupo na kami sa sofa.

Kuya Andrew cleared his throat while standing behind us. Napalingon kami at bahagya akong ngumiti sa kanya. Si Rica naman tumayo at nakipag shake hands sa pinsan ko. Tinamaan talaga tong bestfriend ko. This is the second year of my cousin teaching in the university. After he graduated magna cum laude, many job opportunities are waiting for him, but he decided to teach here in his alma mater.

"We'll leave in 10 minutes." Sabi niya at pumunta sa meeting.

Wala daw pasok ngayon sabi ng dean ng department namin due to the professors meeting for the upcoming finals. Nainis ako dahil kung kelan maaga akong pumasok tsaka naman nawalan ng pasok. Nandito lang kami sa faculty pinapanood kung paano mag meeting yung mga boring naming prof.

I saw Rica yawned. Kung ako tardy siya naman si sleepy. Ten minutes has already passed and they're not yet done. Bored na ako. Ayoko na dito. Tatayo na sana kami ni Rica nang biglang magsalita ang dean.

"We'll resume our meeting after lunch break. You may now go." Sabi ni dean.

Finally. Kuya Andrew looked at his wrist watch when he told us to wait a little bit. Ano pa bang kailangan naming gawin? Nagrereklamo na si Rica na gutom na daw siya. Naramdaman ko na din yung gutom ko. Hindi kasi ako nag breakfast kakamadali umalis ng bahay. Akala ko naman kasi sobrang importante ng sasabihin ni Kuya at hindi na makapag hintay.

"Sorry I'm late sir Vergara." Sabi ng lalaki na pumasok ng door.

"Nope. You're just on time Mr. Villamor." Said Kuya Andrew.

Villamor? Yun yung pinaka matalino sa batch namin? Naramdaman ko na nanatili lang siyang naka tayo sa likod namin na para bang may sinasabi sa sarili.

Naglakad si Kuya papunta sa door at sinabing alis na kami. Saktong tumayo kami ni Rica at sumunod sakanya.

"Buti naman aalis na tayo." She whispered. Natawa ako.

Naglakad kami sa hallway habang nauna si Kuya Andrew kasabay yung lalaking matangkad. Kami naman ni Rica nasa likod nilang dalawa, nakasunod lang. Tinanong ni Rica kung siya ba yung matalinong batch mate namin. I shrugged because I'm not sure.

Nung nakasakay na kami sa SUV ni Kuya Andrew pilit ko parin sinisilip yung kasama namin. Sino ba kasi yun? Wala naman ako naaalala na invited sa lunch namin. Ito namang si Rica todo ang ngiti dahil chance niya na daw na mai-date pinsan ko. Sa sobrang pagka excited ng gaga hindi mapakali sa upuan niya. Katapat niya kasi si Kuya na nakikita daw yung muscles niya at batok. Ang 'sexy' daw sa back view. Halos mabatukan ko siya sa sobrang kulit niya.

"Trish, what do you want for lunch? You decide." Tanong ni Kuya.

Itong Rica tinuturo na gusto niya daw lunch pinsan ko. Anak ng kung ano mang lamang lupa. Napaka harot talaga ng best friend ko.

"Anything Kuya. I don't mind." I answered.

"Ikaw Rica anong gusto mo?" Tanong ni Kuya habang nagmamameho.

"Ikaw po." Mumbled Rica. Siniko ko sya. Mukhang hindi naman siya narinig ni Kuya. Umiling lang yung lalaki sa harap. "Kahit ano po sir." She answered.

Kuya Andrew took a deep breath. "Kayo talaga. Alam ko naman kung paano kayo lumamon. Sige sa usual place na lang." Sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Rica nung sinabi ni kuya yung 'usual place' sabay kaming napangiti na parang nag uusap kami habang nagtititigan lang. Nag 'yes' si Rica dahil mapapadami nanaman ang kain namin.

Pagkababa namin ng car ay nag unahan na kami ni Rica na pumasok sa loob. Iniwan na namin yung mga kasama namin. Isang maliit na bahay lang ang carinderia ni Manang Selda pero dalawa ang palapag nito sa dami ng customers niya. Unli rice kasi ang carinderia niya at purong lutong ulam lang ang nandito. Laging bago ang pagkain at malinis ang paligid kaya puntahan ito ng nakakarami.

Dumeretso kami sa mga pagkain at isa isang namili ng kakainin namin. Grabe ang babango at ang sasarap tingnan ng pagkain. Parang gusto ko kainin lahat. Lumingon ako kila Kuya Andrew na nasa likuran na pala namin.

"Ikaw?!" Sabay naming sigaw nung lalaking kasama ni Kuya Andrew.

A Great EscapeWhere stories live. Discover now