Asan na ba yung mokong na yun? Sabi niya 9 daw. Maghihintay daw siya. Or baka naman pinag tritripan ako?! Bakit?! Linggong linggo inaasar niya ako ah.
5 minutes..
Wala parin.
10 minutes..
Still none.
Sige five more minutes at pag hindi siya dumating kakalbuhin ko siya pag nakita ko siya bukas. Papahiyain ko siya na parang ginawa ko nung first year kami.
"Bakit ba ang yabang mo?!" Sigaw ko sa kanya.
"Because she's wrong. I'm just correcting her mistake."
"Edi ikaw na matalino! Bakit lahat ba tayo pantay pantay dito?! Kaya nga tayo nag aaral sa iisang school eh because not all of us ARE.LIKE.YOU! So stop with your arrogant comments and suggestions and hell answer the questions by yourself! Go and be the teacher's pet. You son of a bitch!" Sabi ko.
At dun nga nagsimula na pagtripan at ibully siya ng mga classmates namin. Hindi ko intention na sabihan siya ng ganun pero napahiya yung classmate namin. Babae siya for pete's sake! And I feel her. She's not that smart, and I know the feeling. Matalino ako pero ayokong ilabas yun because of expectations. Ayoko ng mataas ang expectation sakin ng mga tao lalo sila mama. Ayoko ng pressure.
"Trisha!" Sigaw ni Anthony habang tumatakbo papunta sakin.
Sasapakin ko na sana kaso naka formal siya. Yung parang suot niya nung natapunan ko siya ng kape. White nga lang yung sleeves niya.
Bagay talaga sakanya ang formal kung makikisama lang talaga yung braces niya! Yung sobrang laking eyeglasses at baduy niyang haircut!
Yung pinsan ko naman naka glasses din pero bagay niya. Messy hair naman siya pero gwapo parin? Bakit si Anthony? Pangit niya. Ang pangit pangit niya.
"Uhm bakit ka naka formal ngayong sunday? Don't tell me pati pagsuot ng corporate attire pag aaralan natin! Hindi na kailangan dahil alam ko na kung paano. Ikaw na lang kaya mag aral?" Tingin sa ulo hanggang paa. "Mukhang ikaw ang may kailangan eh."
Tumawa ako pero hindi siya natawa saakin. Tinitigan niya lang ako. Shet na offend ko yata siya.
"I'm sorry but you need to go home. You can rest for today." Sabi niya at tinalikuran ako.
"Hoy gago ka pala eh! Pwede mo naman itext sa akin na walang tutor ngayon! Bakit mo pa ako pinapunta dito! Bumabawi ka ba ha! Gago ka ah!"
Humarap at lumapit siya sa akin. Namumula yung mata niya. Naiiyak ba siya? Napikon siya sa joke ko? Grabe ang babaw ah.
Lumapit ulit siya and this time sobrang lapit na konti na lang mahahalikan ko na siya.
Ang bango. Ang bango niya. Ang bango niya para sa isang panget. Nakakainis.
"Are you really like that? Commenting about others on how they look? From the very start right? You see me as an ugly nerd. That's why you keep on bullying me. Because I'm smart? Because I dress up like a nerd freak? Is that what you are thinking? Like I'm some kind of a joke in our department? Trisha, I tried so hard to understand you since the first day you looked at me. You think I didn't noticed that look?" He laughed sarcastically.
Oo naalala ko sobrang judgemental ako noon. At malas niya isa siya sa mga biktima ko. Hindi ko kasalanan kung bakit ako ganun.
"You looked at me like you're so disgusted. Like you saw some crap on the floor. I am not a shit Trish. I just want to achieve my dream. I know you also have one. Just admit it and tell them everything!!"
Ano bang sinasabi niya? Admit? Ano naman aaminin ko? Na bobo ako or mapanlait?
Napansin niya yata na nalito at hindi ko siya nagets.
Umiling siya. "Nevermind. I'm already late. Just go. Bye."
And there. Iniwan niya na ako. Tulala. Ganun ba siya kaapektado sa mga sinabi ko? Sa mga ginawa ko? Pero past is past. Joke lang. Inasar ko ulit siya. Pero joke kasi yun eh. Masyado syang seryoso. Akala mo ikamamatay niya yung mga sinabi ko sakanya.
Pag uwi ko dumertso ako sa kwarto ko at nag lock ng pinto. Ayoko ng istorbo ngayon. Bahala sila kumatok ng kumatok. Mag sawa sila. Basta ako dito lang ako.
Hinanap ko yung phone ko sa bag para tawagan siya. Oo alam kong ubod at saksakan ang pagka pride ko at bihira lang mag sorry. Pero siguro sumobra talaga ako ngayon. Tama naman siya eh. Ganun nga tingin ko sakanya pero hindi na gaano ngayon.
Mabait siya at nagkakamali rin. May mga time na mali yung code na linalagay niya kaya hindi nag run yung program. Meron din yung nakita ko yung isang quiz paper niya na may mali kasi wrong spelling. Natawa nga ako dahil akala ko ang perfect niya. Hindi siya yung nerd na akala ko. May pagka bobo din pala minsan. Hindi nga lang halata.
Dream. May dream siya. At ako wala. Ako? Oo ako. Hindi naman kasi ito yung pangarap ko. Iba yung gusto ko. Oo magaling ako mag program at magkalikot ng CPU at kung ano mang related sa computer pero hindi ibig sabihin gusto ko na mag IT. Ayoko. Hindi ako masaya sa course ko. Kaya nga pinaglalaruan ko na lang eh.
Sinasadya kong ibagsak yung iba kong subjects. Natry ko ulitin yung iba. Pero in the end minsan nahahabol ko parin talaga. Ang tanga nga eh. Ang hirap magpanggap na maging bobo. Ang hirap magpanggap na gustong gusto at masaya ako sa course ko na kahit minsan hindi ko na appreciate.
Oo masaya yung ibang subjects pero may kulang. Kulang yung puso.
Sabi nga nila dapat balance. Everything comes with a pair. Hindi laging puro utak at hindi rin laging puro puso. Pantay lang dapat. Utak with puso. Ganun. Para masaya. Para lahat successful. Pero wala eh. Sa sitwasyon ko kailangan ng matinding utak dito. It's a matter of life and future ito para sa akin.
Hinihintay ko na nga lang na sila na mismo magsabi at magbigay ng permiso na mag shift ako pero wala. Umabot ako ng third year na hindi manlang nila naisip na baka iba yung gusto ko.
Buti pa si Anthony may pangarap. And I'm so proud of him. Konti na lang maaabot niya na pangarap niya. Ako? Ang layo ko sa pangarap ko. Ang hirap abutin.
"Sorry. The number you have dialed is not available. Please try again later."
Isang sorry lang naman sasabihin ko. Isa lang talaga. Pero kung ayaw niya bahala siya. Sino ba siya para hingan ko ng sorry? Tutor at schoolmate lang. Yun lang. Kaya wag syang pachicks. Hindi siya gwapo. Pangit siya.
Isang dial pa. Isa pa.
"Sorry. The number you have dialed is not available. Please try again later."
Bitch naman neto. Bahala siya. Bukas na lang siguro. Kailangan niya rin ng space eh.
--
Nakatulog na ako kakaisip kay Anthony nung biglang nag ring yung phone ko."Hello?"
"Trisha." Sabi niya.
Dahil dun tumigil yung mundo ko.
"Justine."
******
Author's noteQuestion of the day:
Do you have a dream? May mga pangarap ba kayo? Naabot niyo na ba? Or malapit na?
I know yung iba sainyo naabot niyo na pangarap niyo. Yung iba naman todo ang pagsisikap para dun. Yung iba chill lang pero malapit na din. At yung iba kagaya ni Trisha. Nasa malayo yung pangarap.
Sadnu? Hindi natin maabot pangarap natin dahil ibang pangarap inaabot natin. Yung pangarap ng iba.
So hey guys! If you love this chapter feel free to vote! And don't be shy to comment anything! As anything! Thank you! Xoxo
-Maria
YOU ARE READING
A Great Escape
RomanceSometimes, the world doesn't give you the life you've always wanted. Instead, it will give you a life full of adventure or even a thrill just to show how exciting it can be. How love changed her. She wants everything about him. He wants everything a...