"Kuya kahit ibang tutor na lang please. Kahit sino wag lang siya." I pleaded him. Umiiling lang siya. Ang hirap niya naman pakiusapan eh.
"We will begin reviewing tonight at exactly 5 pm." Sabi nung lalaking nasa likod. Inunahan ko siya na umupo sa harapan para katabi ko si Kuya. Well, wala siyang magagawa sasakyan namin to.
"Saan ba?" Tanong ko. Hindi ko na mapipilit si kuya. "Ayoko sa library ng ganung oras."
Ang creepy kaya sa library pag pagabi na. Mamaya makakita pa ako ng wala sa oras. Takot ko lang sa multo.
"There's an ice cream store near our school. I'll see you at 5 pm sharp." Sabi niya at bumaba na sa sasakyan.
Sa dinami dami ba naman ng ice cream store dun pa talaga. Linoloko niya ba ako? Pero hindi niya alam yung tungkol samin ni Justine. Ayoko kasi bumalik dun. Napahiya ako nung huling punta ko dun.
It's almost 5 but I'm still waiting for my topic. Napaka bagal naman mag isip ng prof namin. I looked at my watch again to check the time for the nth time. Bahala nga yung lalaking yun na maghintay. I'll text him na lang na malelate ako because of this stupid project pero naalala ko hindi ko pala alam number niya. Kapag minamalas ka nga naman oh.
4:50 ako na next. Inabot sa akin ni Ma'am Cast ang isang coupon bond so that I can check all the details about the project so that I can ask any questions before leaving. Ok naman siya sa isip isip ko. Sige aalis na ako.
"Uhm ma'am individual po ito diba?" I came back to ask her because I read something about the project.
"Yes Miss Medina. But we will combine my class to my other classes. I'll just announce that next meeting." She said in a sweet and lovely voice. Bakit kaya hindi ako nabiyayaan ng ganung boses?
Tumatakbo na ako papunta dun sa careless Anthony na yun. Shems bakit kasi puro stairs ang school namin eh. Eight fucking floors pero walang elevator!! Kaya mga strong ang mga students ng university na to dahil sa mahiwagang stairs nila eh. Hingal na hingal na ako. Sige Trisha 100 more steps at makakaakyat ka na sa stairs na yan.
Finally! Nakalabas na ako ng gate ng school. Pero hindi pa nagtatapos ang paghihirap ko. Patakbo parin ako papunta sa ice cream parlor dahil isang university pa ang kailangan kong lagpasan bago makarating dun.
Sa university na ito nag aaral si Justine. Magkalapit lang school namin kaya lagi kami nagkikita noon. Oo noon. Nung mga panahon na sweet pa kami sa isa't isa at mahal pa namin ang isa't isa. Pero ngayon wala na. Shit! Naalala ko nanaman yung kumag na yun.
Hinihingal na ako nung natanaw ko yung lugar. I stopped. Naghanap ako ng mga sasakyan para mag salamin kasi kahit ibang lalaki yung imimeet ko dun kilala parin ako ng mga tao dun. Ayan konting suklay at punas lang ng pawis okay na to. Maayos na ulit akong tingnan. Ready na akong pumasok.
Bago ako pumasok nakita ko si Anthony sa may dulo ng shop. He's sitting like a professional businessman. Naka suot siya ng purple na long sleeve na polo at naka unbutton yung unang button sa polo sya. Favorite color ko yung purple kaya na admire ko yung suot niya. He checked his watch at biglang sumimangot. Linibot niya mga mata niya sa loob ng shop na parang may hinahanap. Nakita niya ako. Sinamaan niya ako ng tingin at inirapan ko siya habang pumasok sa shop.
Dumeretso ako sakanya at umupo sa harap niya. He checked again his watch and crossed his legs.
"You're late." Sabi niya habang tinitigan ako ng masama.
"Ten minutes lang naman eh. May inasikaso lang. Parang hindi mo naman alam ang buhay 3rd year." Bato ko sa kanya.
"Kaya nga tayo nandito para ayusin schedule natin for this finals. I need to know ALL of your vacants. I don't care if that's a 30 minutes vacant or less."
"Hello! Nanay ba kita. Even my mom doesn't know my schedule ikaw pa kaya na stranger or just my schoolmate." Pagtataray ko sa kanya.
"I'm your tutor. Don't forget that." He said in a bossy tone.
Ay napaka! Sisigawan ko sana pero napunta sa iba yung atensyon ko. Napunta dun sa bagong pasok na mga lalaki. Maiingay kasi sila at kilala ko mga boses nila. Hindi ako lumingon dahil baka tama yung hula ko. Ayokong magkita kami. Not now.
"Justine!" Sigaw ni Kuya Mike. Hindi ako napansin ni kuya kanina kasi mahaba yung pila at sobrang busy siya.
Nagulat ako sa pangalan na tinawag niya at narinig yung mababa pero nakakatunaw na boses.
"Kuya Mike!" Bati niya.
Naluha ako at biglang yumuko para mas lalong hindi nila ako mapansin. Dun ako umiyak at hindi ko na napigilan sarili ko.
I'm so stupid for crying over a guy that doesn't deserve even a single drop of tear.

YOU ARE READING
A Great Escape
RomanceSometimes, the world doesn't give you the life you've always wanted. Instead, it will give you a life full of adventure or even a thrill just to show how exciting it can be. How love changed her. She wants everything about him. He wants everything a...