AGE: Chapter 15

8 0 0
                                    

Matheo

It's really her. Trisha Medina. The tough girl. The star athlete in our department. She's our very own department beauty. She has been chosen for that title because of her character.

Siya yung athlete na hindi mayabang. Hindi siya ganun katalino pero masipag sa mga projects. Helpful siya sa mga nangangailangan na classmates niya. Siya yung nagtatanggol sa mga binubully. She's like a superhero. Our own superhero. And most of all, she's beautiful inside and out. A perfect definition of beauty.

Hindi ko akalain na ako ang magtuturo sakanya. Konti lang ang mga kaibigan niya but everyone admires her. She doesn't have an idea about that because she doesn't care about her surroundings. Pag may kailangan lang ng atensyon niya dun lang niya pinapansin.

She doesn't know that it's an honor to be her friend or kahit makausap manlang siya. Swerte ng mga kaibigan niya dahil meron silang isang Trisha. A true and good friend.

Kaya nung nalaman ko kay Sir Andrew na si Trisha ang tuturuan ko ay hindi na agad ako nag dalawang isip. Pumayag agad ako para makilala ko pa siya ng mabuti. Para sa mga susunod na araw at taon close na kami.

Kanina ko pa siya sinisilip dahil mukhang bothered siya. Ito na yung last day ng pag tutor ko sakanya dahil exams na bukas at sa isang linggo na nakasama ko siya ang dami kong nalaman at na obserbahan tungkol sakanya.

She's pretending to be dumb. Ayaw niya ng expectations. Chill lang siya lagi.

Meron yung time na muntik na akong sumuko dahil tulog siya ng tulog. Nasasayang yung oras namin sa kakatulog niya. Sabi niya masakit daw ulo niya. Minsan hindi ko alam kung maniniwala ako pero buti na lang sabi ni Sir Andrew na may migraine daw siya and constantly daw nangyayari yun.

Yes, migraine is a very hard enemy. Parang pinipiga yung ulo mo at gusto mo nang iuntog yung ulo mo sa pader. Nakakahilo. Nakakasuka. I know that kasi meron din ako nun. Ang difference lang namin ni Trisha is hindi siya umiinom ng gamot. Ako naman basta sobrang sakit na, iinom na kaagad ako.

I learned how strong she is. She's allergic in pain relievers at pag malala na yung migraine niya nakakayanan niya parin. Babae pa naman siya. But she's strong in everything.

"Game na? Last shot na natin to. Exams na bukas." Sabi ko.

She frowned. Ayaw niya na mag review. Ako, kailangan ko pa.

"Ayoko na. Nabasa ko na kaya yan. Nandito na silang lahat!" Reklamo niya habang tinuturo yung ulo niya at nag pout.

Ang cute niya talaga.

"Ako kailangan ko pa." Nag pout din ako. 

Ang bading naman ng ginagawa ko.

Tumawa siya sa ginawa ko. Okay lang pala magmukhang bading mapasaya at mapatawa mo lang yung babaeng gusto mo.

Hindi naman pala siya mahirap maka close. She's very intimidating  at first, that's why takot silang kausapin si Trisha. Pero hindi naman pala.

Laging naka ngiti. Tumatawa na parang baliw. Ang kulit at kwela. Malayo sa Trisha na kilala ko.

"Edi mag review ka. Hindi kita pinipigilan. Hihintayin kita kaya patulugin mo na ako. Please?" She said then yawns. "Wake me up pag tapos ka na then maglalaro na tayo okay? Kung sino matalo treat niya dinner mamaya." Sabi niya.

Dinner. Magkasama kami mag didinner mamaya.

"Uhm okay." Sabi ko dahil baka mahalata niya na excited ako para sa dinner namin.

A Great EscapeWhere stories live. Discover now