AGE: Chapter 16

7 0 0
                                        

It's been what? A week. A week of hell. Ang daming assignments, ang daming projects and ang daming quizzes!!

Masisiraan na ako ng bait. This sem really sucks! No. Every semester sucks. Sukong suko na ako.

Pero thanks to Theo. He's really nice at sobrang layo as in malayo yung ugali niya kay Anthony. He's gentle and careful. He treats me well. Ang haba ng pasensya niya saakin. Kapag tutulugan ko siya, gigisingin niya ako pag sobra na. Ang chill lang. Payapa buhay ko pag kasama siya.

Nakapag review ako ng maayos at nagawa ko on time lahat ng kailangan ko nang hindi nakikipag sigawan or away. Thanks to Theo, again.






Finally! Last day!! Gustong gusto ko na lumabas. Tapos na ako mag sagot ng exam. This is my last exam for this sem. Three hell days din yun. Buti na lang tapos na. Konti na lang malapit na mag time.

I was the first one who went out. Ako din yata unang natapos. Actually madali lang yung ginawa namin kanina. Part one is the identification and fill in the blanks and the other part is to do a scripting. Ang basic! Parang pang second year lang namin ito. Why?

Pagkalabas ko si Theo agad ang sumalubong sakin. He's smiling like he won a jackpot.

"Hi!" I greeted him. "Tapos na last mong exam?"

"Yup. Ang dali Trish." Pagyayabang niya.

Yup matalino si Theo. He ranks second in our department. Silang dalawa ni Anthony ang nasa itaas na nagpapaligsahan. Nerds be like.

"Ikaw? Kamusta exam?" He asks.

Nawala yung ngiti ko. I need to do this.

"Nag blanko isip ko. Wala ako masagot. Konti lang. Yung scripting ang hirap. Nakalimutan ko yung codes. Sorry Theo."

Alam kong nag effort din siya para turuan ako.

"Anong nangyari? Bakit naging ganun?" Tanong niya sa akin.

Halata yung disappointment at panghihinayang sa mukha niya.

Ang sama ko talaga.

"Nakalimutan ko ngay kasi. Ang dami ko din kaya inaral. Nag halo halo na sila. Sorry naman." Palusot lang Trisha.

"Halos memorize mo na nga lahat diba? Inisa isa natin yun lahat. Imposible talaga Trisha. Lahat yun alam mo talaga. At ang dali ng exam. How come na bagsak yun?"

"Surepass naman ako. Okay na yun Theo. Ang importante naman makatapos ako diba?" I smiled bitterly.

Thank God hindi niya nakita.

But he doesn't seem to be convinced. I'm so sorry Theo. I really don't want expectations from everyone, also from you.

"Hey. Alam ko na nakakapagod yung pag aaral natin this past week and I understand. Hayaan mo na. Basta makapasa okay na." He said in assurance kahit na nag iba na yung mood niya. "Kaya next time dapat mahaba yung araw na pag rereview okay? Para walang makakalimutan."

Tumango ako.

He smiled.

Nahagip ng mata ko yung lalaki na lumabas ng kabilang room. He's a fuck shit. Matalino pero gago.

A Great EscapeWhere stories live. Discover now