Chapter 48

490 23 1
                                    

Kim's POV

3 am na at dahil masipag ako, nakaligo,kain at bihis na ako! 4:30 am kasi talaga yung call time. Buti nga pumayag si Ate Cha na maging kasabwat namin. Pati kasi siya medyo naguguluhan sa hindi pag papansinan nang dalawa. Ang hirap kaya nung ginawa namin! Gumawa pa kami ng separate group chat para sa plano namin sa dalawang yun!

Nandito ako ngayon sa mcdo, I'm with Ate Aby and Cyd. Kami kasi ang pasimuno nito.



Aby: Paano kung agahan ni Mika at Ara?

Cyd: Si Mika? Imposible! Baka nga 5:30 pa yun makarating eh!

Kim: Si Ara? Laging sakto yun sa oras kaya for sure, malalate pa rin siya!

Cyd: Eh ano ba kasi yung consequence? Baka mapagsabihan pa tayo ni coach ah!

Kim: Hindi yan! Nakausap ko na si coach.

Aby: Wow best setter kasi kaya favorite ni coach!

Kim: Sino kaya best blocker dito?

Cyd: Edi kayo na! Ako pa rin ang dakilang Gatorade girl ng team!

Kim: Baliw! Ito kasi yung plano....


Sinabi ko na sa dalawa ang buong detalye ng consequence ni Mika at Ara pag nalate sila. Joke lang na si coach yung magiisip nung consequence. Ang totoo niyan, sabi ni Ate Cha, hindi daw kami sasabayan ni coach at ng management sa pagiikot ng buong lugar. Kaya naman pwede kami mag inuman! JOKE GOOD GIRL AKO NOH!



Aby: Uy seryoso? Kaya ba nila yun?

Kim: Kaya nila yan! For sure, after nun, magiging maginhawa na ang lahat.

Cyd: Ay Kimtot pag hindi talaga yan gumana, susunugin ko lahat ng natitirang hindi maitim sa katawan mo!

Kim: Oo na trust me!



Nandito na kami sa meeting place namin. Isang lugar lang dito sa dlsu. Medyo kinakabahan nga ako dahil baka agahan nila Ara. 4:59 am na, malapit na siguro si Ara.


Aby: Kimmy! Nandyan na.



Nakita ko na papalapit samin si Ara. May dala siyang isang maliit na luggage at backpack. Mukhang kakagising lang niya dahil medyo maga yung mata at basa yung buhok niya.


Ara: Good morning mother F.

Aby: Good morning baby. Mukhang antok ka pa ah

Ara: Late nga po ako nagising eh mga 4:30. Akala ko nga malalate na ako para sa call time.

Aby: Daughter F, sa totoo lang, late ka talaga eh

Ara: HUH?!?

Kim: Yung dalawang pinaka late na dumating ang may consequence.

Ara: HUH?! PANONG AKO?! 5 AM SHARP NANDITO AKO AH!

Kim: Eh sa nandito na halos lahat ng teammates natin eh

Ara: ANO BA YAN! Sino kasama ko?

Kim: Isa na lang naman yung kulang. Siya na sigurado yung makakasama mo.

Ara: Sino?




Pagkatapos sabihin ni Ara yun, as if on cue biglang dumating ang love of her life. CHAROT! Ang tangkad talaga ng babaeng toh. Kung hindi ko lang toh kaibigan sure na sure ako na magkakacrush ako dito. Fresh na fresh palagi. Mukha nga lang siyang tanga dahil naka pajamas at tshirt pa rin siya. Parang bagong gising lang. Ang mas nakakatawa pa, dalawang malaking maleta, backpack at sling bag and dala niya.




What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon