Chapter 28

573 21 0
                                        

Ara's POV

Nandito na ako ngayon sa hospital. Kakatapos ko lang mag pa check up. Sabi ng doctor normal sprain lang daw yung kanina pero dapat ko pa ring alagaan yung katawan ko dahil nga ang dami kong natamo na injury last year.

Sa totoo lang mas masakit yung puso ko kaysa sa ankle ko eh. Ang bigat sa pakiramdam, feeling ko walang nandyan para sakin. Sino ba naman ako para magreklamo diba? Nag offer naman si Mika na samahan ako, pero ako ang nag hindi. Nakakahiya naman kasi kay Jeron. Magmumukha pa akong epal.

Nag decide na lang ako na bumaba na. Nasa harap ako ng elevator at napansin ko na may papalabas sa katabing elevator na papasukan ko. Hindi ko na lang ito pinansin pero nung papasok ako narinig ko yung boses nung babae.

"Yes doc I'm here"

Shit. Kilala ko yung boses na yun. Boses yung ng babaeng minahal at kinamumuhian ko ngayon.

Naisip kong tignan yung babae at napansin kong napatingin rin siya sakin. Bigla siyang umiwas ng tingin pero sigurado ako, si Tin yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Gusto ko sana siyang balikan pero too late dahil nung paglabas ko ng elevator ay nawala na siya sa paningin ko. Siya ba talaga yun? Pero narinig ko talaga yung boses niya. Yung buhok at mata niya. Siya na siya talaga yun. Bakit siya nandito? At "doc"? Sino yung dadalawin niya dito? Si Enzo? Si tita? Sino?

Bakit ko ba kailangan problemahin? Ugh masyadong marami ang mga problema ko para isipin pa siya.

I decided to go to starbucks malapit sa hospital na pinuntahan ko. When suddenly, I saw Shiela.

Ara: Shie!

Shiela: Oh Ara! Why are you here?

Ara: Galing ako sa hospital malapit lang dito. Nag pa check up lang

Shiela: Hospital? St Luke's?

Ara: Oo why?

Shiela: Ah uhm wala lang. Bakit ka naman nandun?

Ara: Check up lang and nagpatingin na rin ako kasi medyo sumakit ankle ko kanina

Shiela: Oh! Okay ka na ba? Ano sabi ng doctor?

Ara: I'm fine. Normal sprain lang alam mo naman volleyball life hahaha

Shiela: Hmm ano naman ginagawa mo dito? May kasama ka ba?

Ara: Wala muni muni lang and I'm alone

Shiela: Wow, first time ah.

Ara: What do you mean?

Shiela: Normally kasi kasama mk daks mo.

Ara: May kasamang iba eh 'kaw ba, are you alone?

Shiela: Yes pero I'm planning to go to the hospital. St. Luke's rin.

Ara: Oh bakit? May sakit ka?

Shiela: I'm visiting a friend.

Ara: Oh okay

Shiela: Sige I have to go. Nice seeing you paki bati na lang ako kayla Kim and Mika.

Ara: Okay sure sabihin mo rin sa friend mo na pagaling na siya HAHAHA bye

Shiela: Hmmm okay bye

Sino kaya yung friend ni Shiela? Swerte niya knowing na laging busy si Shiela and malayo kaya yung condo ni Shiela dito. Pero para sa friend niya, dadayo pa siya dito. How nice of her.

After buying a coffee I decided to go home or should I say sa dorm. Mag eempake na rin ako kasi malapit na rin naman kami umalis ng dorm. Siguro pa konti konti damit muna yung ililipat ko sa condo para di masyado hassle. Habang nag aayos ako ng bag ko biglang nag ring yung phone ko when I look at it si Mika pala.

Ara:Yes daks?
Mika: Dakss I have kwento omg sobrang kinikilig ako ngayon di ko macontain kaya I'm telling it to you huhu grabe tal--
Ara: Wait Mika kalma ano bang nangyayari?
Mika: Kasi ito yan, nag lunch kami ni Je sa Jollibee lang kasi duh you know me Ara I love Jollibee more than anything else. Actually at first I thought he will not go with me kasi mcdo endorser siya pero pumayag siya!!! Syempre 1 pogi point na yun---
Ara: Teka gaano ba kahaba ng story mo?
Mika: Sobrang haba!!! Wala pa nga ako sa 1/8 ng kwento ko eh hehe
Ara: Let's talk later na lang sayang sa load eh HAHAH
Mika: Eh kasi baka mga 9 na ako makakauwi? Nagpaalam naman si Je kay Ate Cha kanina.
Ara: Hmm okay I'll wait for you later. Dun mo na lang ikwento sakin HAHAHA
Mika: Okay sige sige hehe kinikilig talaga ako daks!!
Ara: HAHAH halata nga sige na bye na mag aayos pa ako ng gamit ko
Mika: Huh? For what?
Ara: Aalis na tayo ng dorm soon diba?
Mika: Oh yeah I forgot! Daks pwede anooooo
Ara: Oo na ako na mag-aayos. Konti lang muna aayusin ko ah
Mika: Yey! Thanks daks kaya love kita eh
Ara: Sige bye na goodluck sa date niya
Mika: Thanks daks byeee love you!
Ara: HAHAHA oo na bye
Mika: Walang I love you too?
Ara: Love you too sige bye

Iniwan na nga. Inutusan pa. Ako yung nag-eeffort pero hindi ako yung napapansin. Hayyy pero ang tanga ko talaga. Personally siya magkkwento sakin? Edi mas masakit yun! Ang lupet ko talaga mag-isip!

Ay SHET! May class pa pala ako ng 4. Additional classes na lang yun kaya pwede namang hindi ako mag-attend pero nakakahiya naman kasi tapos na nga yung season tapos magaabsent pa rin ako? Abuso na yun!

Papunta na ako sa class ko ngayon. Medyo antok pa nga ako eh ewan ko ba parang wala akong gana pumasok ngayon. Ewan ko! Habang nagcclass, lutang lang ako. Wala nga akong ma notes or maintindihan man lang sa bwiset na subject na toh eh. Hinang hina ako ngayon tapos yung sakin sa ulo ko kakaiba. Pagkatapos ng class ko nakita ko si Thomas.

Thomas: Hi Ara!

Ara: Hi

Thomas: Okay ka lang? Bakit parang namumutla ka?

Ara: Huh?

Thomas: Gusto mo mag clinic?

Ara: No its okay gutom lang toh

Thomas: No eh you look like your sick

Totoo medyo masakit yung ulo ko. Baka migraine lang toh. Pero ang sakit talaga eh. Parang binibiyak yung utak ko tapos parang hinahangin yung tiyan ko. Ang bigat rin ng pakiramdam ko.

Thomas: Ara okay ka lang ba? Uy

Ara: Okay la...ng...a....ko

Thomas: Victonara!!

And everything went black.

______________________________________________________________________________

Sorry for the typos or pag may wrong grammar 😅

Thanks for reading 💕


What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon