5 years ago
Ktin's POV
Papunta ako ngayon sa Taft. Nag-aaral kasi si Ara doon,girlfriend ko. Naglalaro rin siya bilang volleyball player. Magsisimula na yung season nila in just few months. Kaya sobra ang training nila ngayon. Tinawagan ko siya at sinabing niyang nasa dorm siya. Kaya sinabi kong lumabas muna siya ng school.
Ara: Babe!! Namiss kita *hugs* sabi ko naman sayo na huwag mo na ako dalawin dito diba?
Ktin: Ayaw mo ba? *pouts*
Ara: Syempre gusto ko! Pero ayoko namang mapagod ang babe ko.
Ktin: Okay lang ako. Basta makita kita nawawala pagod ko. Kasama ko naman yung driver namin. Siya yung naghatid sakin papunta dito. Tulog nga lang ako buong biyahe eh!
Ara: Gusto mo ministop tayo?
Ktin: Hindi ka ba pagod sa training niyo, babe?
Ara: Hindi. Nakita na rin kasi kita.
Ktin: Baliw ka----ah
Ara: Okay ka lang? May masakit ba sayo?
Biglang bumigat yung puso ko. Parang may nakadagan sakin. Ang bigat, hindi ako makahinga. Dahan dahan namang nawala yung naramdaman kong yun.
Ktin: Wala lang yun nahilo lang ako kasi kakagising ko lang. Halika alis na tayo.
********
Present
Ktin: That was my first symptom. Maybe, you can't remember that already because I always visit you back then.
Ara: I can still remember it pero not clearly. Ang naaalala ko is, you held my hands that time. Am I right?
Ktin: Oh yes. You're right. The second symptom was...
*******
5 years ago
Ktin's POV
Gabi na ngayon. Sa pagkakaalam ko, kakauwi lang ni Ara galing sa klase niya. Binigay niya kasi sakin yung schedule niya. May naramdaman akong nagvvibrate sa pocket ko. Si Ara! Tumatawag siya.
Ktin: Hello babe?
Ara: Hi babe! Miss na kita
Ktin: I miss you too po. Kakagaling *cough* mo lang sa class?
Ara: May ubo ka? Kailan ka pa nagkasakit? Diba sabi ko sayo alagaan mo yung sarili mo diyan kasi wala ako diyan ngayon. Gusto mo puntahan kita bukas pa---
Ktin: Okay lang ako. Medyo napakain lang ng malamig kanina, babe. Wag ka na mag-alala.Nag-usap pa kami ng matagal. Nung napansin namin na malapit na mag madaling araw ay nagpaalam na ako. May klase pa siya bukas. Hapon na kasi yung klase ko bukas kaya okay lang. Sa totoo lang kanina pa ako nagpipigil ng ubo ko. Ewan ko ba, wala naman talaga akong kinain o ginawa para magka ubo ako ng ganito. Pumasok ako sa banyo at nagsimula na ako umubo ng umubo ng mapansin ko na pink yung lumalabas na plema sakin. Hindi ko na lang pinansin yun, baka may nakain lang akong pink.
BINABASA MO ANG
What Is Love?
Storie d'amore.......'s POV Wala namang special sa buhay ko. Normal na babae naman ako. Walang problema. Walang iniisip pero may isang tanong sa puso't isipan ko ang hindi ko masagot....................mahal ko na ba siya?