Chapter 33

552 21 2
                                    

Mika's POV

Kakagising ko lang. Medyo inaantok pa nga ako pero 8 am pa class ko kaya I need to be ready by 7:30. It's actually 6 am right now. Maliligo na nga ako.

While I'm sleeping, I can't stop myself from thinking about the picture, of Ara with Thomas. I can see their chemistry. Sa totoo lang I'm shipper, sino ba namang hindi diba? Parehong magaling na athlete,charming,mabait, maliit and gwapo lalo na si Ara--Ay Thomas pala.

Pagkatapos ko maligo, pumunta agad ako sa baba, gutom na kasi ako. Pagpunta ko sa dining table nakita ko na kulang ata kami?

Carol: Umalis. May pupuntahan pa raw kasi siyang importante

Mika: Sino kausap mo?

Katapat ko kasi si Carol sa table tapos katabi ko si Kianna at Kim.

Carol: Sino pa ba? Edi ikaw! Kanina ka pa kasi tingin ng tingin sa paligid. Pwede mo naman kasing tanungin kung nasan siya.

Mika: Huh? Ano pinagsasabi mo diyan.

Kianna: Ate kung namimiss mo na si Ate A aminin mo na!

Mika: Hay pati ba naman ikaw Kianna? Tingin ako ng tingin kasi gusto ko sana ng juice! Medyo bored na ako sa tubig eh

Kim: Meron sa loob nung fridge. Iced tea lang nandun ah

Mika: Okay thanks Kim!

Dumeretso agad ako sa kitchen. Hayyy ganun ba ako kahalata? Siguro di naman masamang aminin sa sarili ko na hinahanap ko si daks diba? Pano ba naman kasi, may atraso na nga siya sakin, di pa nagpakita ngayong umaga.

Bago ako makabalik sa upuan, rinig na rinig ko ang sigawan ng mga teammates ko. Hayy lalakas talaga ng boses. Mamimiss ko talaga toh paglipat ko. Nung makalapit na ako sa kanila, bigla silang tumahimik.

Mika: Oh anyare?

Kim: Wala ang ganda mo kasi napapatahimik tuloy kami

Mika: As usual.

Bigla namang umarteng nahulog sa upuan si Cyd.

Cyd: WHOAHHH hinangin ako bigla yan tuloy nahulog ako

Kianna: Bakit mo kasing hinayaang mahulog ka?

Cyd: Akala ko kasi sasaluhin niya ako yun pala pinaasa lang pala ako.

Kianna: Lesson learned?

Cyd&Carol&Kim: Huwag umasa! Pero mas huwag magpaasa!!

Mika: Wow ah sabay pa talaga?

Carol: Syempre kailangan sumabay para hindi mapagiwanan!

Kim: Eh bakit hindi mo na lang unahan?

Carol: Baka kasi paglingon ko.....wala na siya.

Mika: Anong meron sa inyo?

Kianna: Hindi mo ba nahahalata ate? Nasasaktan na ako ate! Ang sakit sakit lang kasi. Bakit hindi niya ako makita? Ako naman yung nasa harap niya? Yung best friend niya! Pero bakit iba pa rin yung hinahanap niya?

Kim: Uy mukhang may pinaghuhugutan yiehhh

Kianna: Che!

Mika: Yung totoo? Hugot breakfast ba ngayon? Dami niyong baong hugot ah

Cyd: Wala lang trip trip lang Mika walang basagan ng trip!

Mika: Puro kayo trip trip diyan! Kaya kayo yung napagtripan at napaglaruan niya eh.

Kim: WOOOWWWWW

Kianna: Humuhugot na si Ate Mika ah

Cyd: Pano ba naman LQ sila ng daks niya 

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon