Chapter 42

496 24 0
                                    

Almost 4 years ago

Ktin's POV

Nandito na ako ngayon sa gate ng La Salle. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ba yung dapat ko sabihin. Isa lang ang nasa isip ko, para ito kay Ara.

Ara: Babe! Sorry medyo na late ako. Late kami na dismiss. Gusto mo 7/11 tayo? Para malamig!!

Ktin: Babe, pwede sa park na lang? Yung malapit lang dito.

Ara: Sige halika na, babe.

Biglang hinawakan ni Ara ang kamay ko. Mula sa mga hawak niya naisip ko na mahal niya talaga ako. Pakiramdam ko ligtas ako pag nandyan siya. Mamimiss ko toh, sobra. Hindi ko namalayan na nasa park na pala kami.

Ara: Babe? Bakit ang tahimik mo?

Ktin: Namiss lang kita.

Ara: Mas namiss kita. Ano nga pala yung dapat mong sabihin sakin?

Ktin: Ara intindihin mo sana ako ah

Ara: Ano ba yun?

Ktin: Promise me first.

Ara: Sige promise basta alam kong makabubuti sayo, iintindihin ko.

Ktin: Yung magulang ko kasi, gusto nila akong mag-aral sa US.

Ara: Ano? US?

Ktin:Ara, I'm sorry. Wala akong magagawa, yun yung gusto ng parents ko. Alam mo naman na minsan lang humiling yung parents ko sakin diba?

Ara: Bakit sa US pa? Ang layo layo nun sa Pilipinas babe. Kailan na lang tayo magkikita? Thrice a year? O baka naman once a year?

Ktin: Babe, para sa future natin yun. Diba nung pumunta ka sa La Salle hindi naman ako nagalit sayo? Kahit alam ko na mapapalayo ka sakin. Kasi alam ko na para sa future mo yun. Sa future natin yun.

Ara: So sinusumbatan mo ako sa ginawa ko? Diba ikaw pa nga nagsabi sakin na opportunity ko na yun para maging magaling na player. Gusto mo rin na mag La Salle ako. Eh yang desisyon mo. Ginusto ko ba yan?

Ktin: Alam mo, walang napupuntahan tong pinaguusapan natin. Masyado nang mainit yang ulo mo.

Ara: Bakit parang hindi mahirap sayo na lumayo sakin ha? Ganun mo na ba kagusto na mapalayo sakin?

Ktin: Ara,babe, please diba may trust ka naman sakin? Pagsubok lang naman toh eh. Alam naman natin na kakayanin natin diba? Kasi mahal natin ang isa't isa? Trust. Please ibigay mo naman sakin yun.

Ara:Ktin, lumayo ka muna please. Kailan ko ng oras para makapag isip isip.

**********

Present

Ktin: You won't understand that time. Ang alam mo lang, I'll go to US for school but truth is, I need to go there for my health. Kailangan ko gumaling.

Ara: Anong nangyari sa US? Planado ba na hiwalayan mo ako?

Ktin: It was a very very long story but it all started when....

**********

4 years ago

Ktin's POV

I'm here in America for 2 months already. I had my heart transplant a month ago. Sabi ng doctor okay daw yung puso sakin. Wala naman daw naging problema. Pero nung mga nakaraang linggo, nahihirapan na naman akong huminga. Nahihilo ako paminsan minsan. Kaya naisipan ko ulit na mag pa check-up.

What Is Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon