Ara's POV
It has been 2 weeks since that food trip thingy had happen. Wala namang nagbago. Actually, meron pero baka ako lang yun. I think Mika got distant, not literally, but I just think she changed. I mean yung treatment niya sakin ganun pa rin pero I can see in her face na whenever I try to be clingy sa kanya, parang napapatulala siya or worse sasabihin niyang 'eww' then lalayo siya sakin. Baka it's just me? Oo nga baka ako lang yun.
Gumagaling naman na yung Chronic Stress ko sabi ng doctor. Maintain ko lang daw kung ano yung ginawa ako. Mag-ingat lang daw ako kasi pwede daw bumalik yun anytime, pag nag overthink ako. Kaya kalimutan na nga lang natin.
Our traning for PSL All Filipino Conference will start tomorrow. I'm really excited!! I know this will be a start of a new chapter in my volleyball life. Goodbye UAAP! Welcome PSL. On the other hand, wala naman na akong nakikita or nararamdamang presence ng masamang hangin, I mean Ktin. It's actually good....I guess.
Kim: Ara sagutin mo ako ng maayos.
Ara: Ano na naman yun?
I'm with Kim today. Nasa condo unit ko lang, chill chill lang bago magsimula yung training. Dapat kasama si Mika pero alam niyo naman, busy yun palagi, and I guess with Jeron too.
Kim: Sa tingin mo may something na si Mika at Jeron?
Ara: What do you mean?
Kim: Lagi kasi silang umaalis. Tapos lagi ring mag ka text. Hindi naman siya kinukwento ni Miks satin pero tignan mo naman! Pati yung hangout nating WAFS pinagpalit niya kay puti (Jeron)!
Ara: Ewan ko. Wala naman siyang kinukwento sakin. Ang alam ko lang, ayaw niya muna ng ganyan.
Kim: Sa tingin mo talaga? O martyr ka na naman? Ara, bat ba kasi hindi ka na lang umamin? Baka maunahan ka ni Je niyan eh.
Ara: Wala akong chance. Nakwento ko naman sayo yung napagusapan namin few weeks ago diba?
Kim: Okay sabi mo. Pero hindi na ako magtataka kung one day, lumapit satin si Mika, hawak-hawak ang kamay ni Jeron at sabay sabing, "kami na ni Jeron". Ay grabe girl! Iiyak ako ng sobra nun for you!
Ara: Wag na lang natin isipin.
Kim: Ayaw mo ba talaga umamin?
Ara: Siguro kung makita kong may chance ako. Pero if I'll base it to Mika's action for the past few weeks? Siguro wag na. Imposible.
Kim: Hay nakakaloka kayo. Bagay naman kayo pero yung isa lang talaga masyadong straight at alam mo na, ayaw sa love.
Ara: Change the topic na nga.
Kim: Hmmm si Ktin?
Ara: Ano meron sa kanya?
Kim: Nakita mo na ba siya ulit after nung sa cafe na yun?
Ara: Hindi at ayoko na rin siya makita.
Kim: Sure ka? Baka naman mahal mo na ulit siya. Hindi mo lang maamin kasi may Mika ka.
Ara: Hindi naman kami ni Mika, to begin with. And why would I fall in love with Ktin again? Sinaktan niya ako and that's an enough reason for me to hate her.
Kim: Grabe ka naman. Feeling ko babalik feelings mo dun. Pakiramdam ko kasi mahal ka talaga niya eh at yung Enzo? Feeling ko hindi yun totoong jowa niya.
Ara: Pano mo nasabi?
Kim: Kung ibabase ko sa kwento mo. Sinabi mismo ni Ktin na childhood best friend niya lang yung Enzo. Sabi pa ni Enzo na may alam siya na hindi mo alam kaya feeling ko may rason kung bakit iniwan ka ni Ktin at hindi yun dahil kay Enzo. Kung boyfriend niya rin yun, edi sana nilayo ka na ni Enzo kay Ktin pero mukhang walang balak.
BINABASA MO ANG
What Is Love?
Romance.......'s POV Wala namang special sa buhay ko. Normal na babae naman ako. Walang problema. Walang iniisip pero may isang tanong sa puso't isipan ko ang hindi ko masagot....................mahal ko na ba siya?