Francene's PovKanina pa ako nag-iisip kong paanong nangyari 'yon? May powers din ba 'yong babaeng 'yon?
Kailangan kong malaman ang totoo!"Rayne" napatingin naman ako kay Lloyd na tumawag sa akin. "What?" Nag memeryenda ako ngayon dito sa garden. "Okey na 'yong mga papeles." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Anong pinapagsabi about papeles thingy?
"Anong sinasabi mo?" Natawa naman siya sa akin. "Pupunta na tayo kong saan dapat tayo nababagay." Napatayo naman ako sa sinabi niya. "No, way! Hindi natin alam kong anong ka kaharapin natin doon." Ayoko pang haramin ang mga walang hiyang pumatay sa magulang ko para makuha lang nila ang trono.
"Kailan mo ba gusto? Kailangan na nating bumalik. Hindi tayo nababagay sa mundo ng mga tao. Dahil hindi tayo normal na tao!" Tumingin naman ako sa kaniya seryosong seryoso siya sa mga sinasabi niya. Isa lang ang ibig sabihin wala nang makakapigil sa decision niya.
"Isa lang hihilingin ko p'wede bang isang linggo pa akong manatili dito?" Tumingin naman siya sa akin at tumango. Lahat ng mga nandoon may mga kapangyarihan hindi ako makakakilos ng maayos doon hindi katulad dito sa mundo ng mga tao nagagawa ko ang gusto ko.
"Lloyd" tawag ko sa kanya tumingin naman siya sa akin at nagtaka. "May sasabihin ako," ikiniwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon. "Maaaring isa siya," anong minemean niya na isa siya?
"Water ang power niya Rayne isa lang ang ibig sabihin non isa siya sa mga katulad natin." Kailangan kong makita ang babaeng 'yon at ng malaman ko ang totoo.
"Mukhang hindi mainit ang ulo mo ngayon, a?" Tinaasan ko naman siya ng kilay ko. "So gusto mo hintayin mo pa na uminit ang ulo ko?" Natawa naman siya sa akin. "Nagbibiro lang ako." Sinamaan ko lang siya ng tingin at iniwan siya.
Lumabas ako ng bahay kailangan kong mag libot libot dahil huling isang linggo ko na lang dito.
Habang naglalakad ako may nakita akong babae na hinawakan nang lalaki na pinipilit na isinasama sa kaniya.
Sinundan ko sila at nakaabot na sila sa talahiban. Napahinto ako nang makita ko kong gaano umitim ang aura ng lalaki at ang mata niya naging kulay itim.
"Kuya huwag mo akong patayin," naiiyak na sabi ng babae. Tumawa naman ng parang demonyo ang lalaki at inihiga niya ang babae.
Lumapit ako sa kanila "bitawan mo siya!" Napahinto naman ang lalaki sa ginagawa niya sa babae. "Huwag kang makialam dito kong ayaw mong pati ikaw madamay!" Pagbabanta niya sa akin.
"Im not scared!" Nag smirk ako sa kaniya at hinarap niya ako. "Umalis kana!" Mariin na sabi ko sa babae "Pero paano po kayo?" Tinitigan ko naman siya "Sinabing.umalis.ka.na!" Agad naman siyang napatakbo.
"Sino ka ba at nakikialam ka? Gusto mo ba maging isang usok nalang?" Galit na sabi niya at nakita kong napapaligiran na kami ng makapal ma mga usok. "Fire" sabi ko sa isipan ko at agad nagkaroon ng liwanag dahil napalibutan kami ngayon ng mga usok at apoy. Nabigla naman siya sa nangyari.
"So dark pala, a." Nabigla naman siya sa sinabi ko at nalaman ko ang kapangyarihan niya. Nag smirk din siya sa akin "Fire" sabi niya sa akin.
"It's good combination right?" Natatawang sabi ko sa kaniya pero hindi siya natawa. "Pag sisihan mo kong bakit nakialam ka pa!" Agad akong tumitig sa kaniya at napatigil siya. "Aaahhhhhhhhhh" sigaw niya at natunaw ang buo niyang katawan. "Weak" bago ako umalis sa lugar na 'yon. Kumakalat na pala sila dito? Hindi ako na inform kailangan 'tong malaman ni Lloyd.
