Franscene Point Of ViewsMagkakasama kaming lahat ngayon at nasa harap na kami ng portal. Kong saan makaka balik na kami sa totoong mundo namin.
"Remember our plan, please." Tumango naman sila sa akin. I hope this mission won't fail.
"Let's go," pumasok na kami sa portal. Hindi ko alam kong saan kaming lugar mapupunta pero sana 'wag muna sa charhelm.
*****
Nagising ang diwa ko ng bumagsak ako sa tubig. Gosh!
Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Good thing magkakasama pa rin kami. Bumagsak kami sa gitna ng dagat.
Tuwang tuwa si Wayne and Hiro. Paano naman kaming tatlo?
"Wayne, we can't breath. Can you help us?" Mukhang narinig n'ya naman ang sinabi ko. After ko kasing sabihin 'yun nagkaroon ng space.
Nag adjust 'yung dagat sa amin. Like sa moana. Kaya naman naka paglakad kami ng maayos.
"Saan tayo pupunta? Hindi natin alam kong saan tayong lugar."
"Don't worry hindi naman kailangang agad-agad pumunta tayo don. Hindi natin sure kong magiging succesful ang plano natin." Sagot naman ni Hiro. Nanahimik na lang ako.
Nakarating na rin kami sa pang-pang. Napakalayo ng nilakad namin para makarating lang dito. Kong pwede naman sabihin ni Wayne sa dagat na dalhin kami agad sa pang-pang. Kaso hindi, e.
"Dito na muna tayo mag palipas ng gabi." John Ford suggested. Hapon na rin kasi.
Wala ring ibang mga nilalang na nandito. Sobrang tahimik. Tapos 'yong mga puno nalalanta na.
Mukhang itong lugar na napuntahan namin ang nag-iisang maliwanag lang. Nasa isang isla kami.
"Napansin ko lang bakit naiiba 'tong isla na 'to?"
"Napansin ko rin." Sa lahat kasi siya 'yong nag-iisang green pa ang mga puno at halaman. Siya rin ang nag-iisang maliwag sa lahat ng dito.
Yong mga kabundukan kasi na natatanaw ko sa kalayuan color brown na. Tapos napaka kulimlim dun. Itong isla na 'to nagliliwanag siya.
"Hindi kaya may kakaiba sa isla na 'to. Mukhang hindi siya agad na tablan ng reality warping. Tsaka ang mga puno dito palanta palang. Years na ang nakalipas pero bago pa lang nalalanta."
"You're right, kailangan nating mag-ingat kong ganon." Nang tuluyan ng nilamon ng dilim ang kalangitan gumawa ako ng apoy. Para mag liwanag ang paligid.
"Gutom na ba kayo?"
"Hindi pa naman. Hwag nalang siguro tayong kumain."
"We need to. Kailangan nating mag palakas. Mukhang wala na kasing isdang makukuha sa karagatan." Nakakalungkot lang isipin dahil nalason lahat ng mga naninirahan sa dagat.
"Maghahanap na lang kami ng prutas."
"Kong saan gabi na tsaka n'yo pa naisipan?"
