Epilogue

120 10 3
                                    

Jess Lloyd Point Of View

Nasa harap ng salamin ako at tinitignan ang reflection ko sa salamin.

'Sobrang pogi ko talaga, tsk tsk tsk.' Sabi ko mula sa aking isipan.

"Ginagawa mo?" Napatigil naman ako ng lumapit sa akin si Ilesha.

"Naiisip ko lang nakaka pagod din pa lang maging pogi." Sagot nito at napataas naman ang kilay n'ya. Kahit kapatid ko 'di kaya ka pogian kong taglay.

"Eww, bilisan na nga lang natin kuya! Hwag mo ng isipin na pogi ka kasi walang ganon baka imagination mo lang 'yan. Ako ng bahalang mag-isip n'yan kong pogi ka ba o hindi. Pero hindi ka talaga pogi!" Napa deep sigh naman ako. Basta alam ko sa sarili ko na pogi ako.

"Saan nga 'yong school natin dati nong high school tayo?" Tanong ni Ilesha.

"Ano ba 'yan pati ba naman 'yun nakalimutan mo! Syempre sa -" napatigil naman ako kasi 'di ko rin alam kong saan.

'Potek! Anong nangyayari bakit 'di ko alam?' Tanong ko sa sarili.

"Saan?" Tanong ni Ilesha.

"Teka iniisip ko pa. Mukhang nakalimutan ko rin." Napa shrugged nalang si Ilesha.

"Paano 'yan? Wala naman pala tayong alam mygosh! Teka tignan ko sa group chat natin kong ano bang school."

'Bakit ba nakalimutan ko?' Bago naupo ako at ginulo ang buhok ko nakakainis.

"Walang nakalagay. Magtatanong na lang ako ng address sa mga batchmate natin." Sabi ni Ilesha.

Pumasok muna si ako sa room ko habang busy si Ilesha sa phone n'ya.

"Kuya, I know na kong saan. Mag bihis ka na nga! Ma la-late na tayo!"

"Okay-okay!" Sagot ko.

****

Wayne Point Of View

Sabay kaming naglalakad ni Jake pupunta kami ngayon sa school. Doon kasi kami magkikita lahat.

"Ano na kaya ang itsura ng school natin no?" Hindi ako sumagot kasi may iba akong nararamdaman. Kinakabahan ako na iwan ko ba.

"Bat ang tahimik mo?" Umiling naman ako.

"Hindi ka pa ba nasanay sa akin? Sadyang tahimik naman talaga ako dati pa." Sagot ko sa kanya.

"Alam ko, pero iba 'yong ngayon. Parang may iba kilala kita ako pa ba." Napangiti naman ako. Kahit kailan talaga alam na alam n'ya kong may problema ako.

"Tara na nga, baka ma late pa tayo." Sumunod lang naman siya sa akin at 'di na kami nag-usap after non.

Marami na rin akong nakikitang bagong dating na mga dating student na nandito. Ang bo-bongga nga, e. Kasi mga naka kotse sila kami lang 'ata ni Jake 'yong naglakad papunta dito.

Kaya naman kasi namin lakarin 'to gastos lang kong mag ta-taxi kami or ano pa man.

"Parang nakakahiya pumasok sa loob. Parang kasi tayo lang 'yong simple 'yong suot."

The Powerful Element ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon