Franscene Point Of View
Naka tingin ako sa kalangitan at ramdam kong puno na ito ng sigla. Sa wakas natapos na rin ang lahat. Sa wakas malaya na kami. Sa wakas tapos na ang lahat.
"Mom and Dad masaya po ba kayo sa naging tagumpay namin? Alam kong naging maka sarili ako dati. Alam ko ring masama ang ugali ko dati. Pero sa lahat ng mga nangyari ang dami kong natutunan. Nagkaroon ako ng mga kaibigan na kahit kailan 'di ko naranasan dati. Lahat din ng 'yun gagawin kong treasure. Sana masaya kayo kong na saan man kayo."
Lumapit na ako sa kanilang anim. Si Hiro kasi hanggang ngayon wala pa ring malay. Medyo nag-aalala na nga kami. Mukhang malala ang naging impact sa kanya nong ginawa ni Venom.
"Group hug," sabi ko sa kanila at naka wide open na ang mga braso ko. Lahat naman sila napangiti sa akin at lumapit para mag group hug kami.
"Hinding-hindi ko kayo makakalimutan." Sabi ko sa kanila.
"Ikaw ba talaga 'yan? Baka nilalagnat ka lang." Sinapak ko naman sa braso si Jonh Ford.
"Sira! Totoo 'to no! Minsan lang akong ganito kaya dapat matuwa ka." Bago inirapan ko siya.
"Sabi ko nga 'di ba?" Nag hiwalay hiwalay na kami at umupo sa isang tabi.
Lumapit sa amin si Queen Harley, pati ang ina ni Windy at ni Wayne. Natutuwa ako para sa kanila kasi sa wakas nakita din nila ang totoong parents nila. Pero may hindi pa alam si Leigh.
"Hwag ka ngang malungkot. Nandito lang naman ang kuya mong pogi." Bago inakbayan ako. Hinayaan ko lang naman siya. Masyado akong good mood ngayon para ma badtrip.
Ilang oras na rin kaming naghihintay na magising si Hiro. Si Wayne nga kanina pa nandito at di na mapakali.
"Hey! Don't be panic everything will be alright." Sabi sa kanya nitong kuya ko.
"Yeah, my brother is right. Gigising rin naman siguro mamaya siya." Kaso nag-alala na rin kami nangingitim na kasi 'yong leeg n'ya. Bakat 'yon nag pa piga ni Venom sa leeg n'ya.
Lumapit naman sa amin si Queen Harley.
"May kailangan kaming sabihin sa inyo." Bago lumapit siya kay Hiro at hinawakan ito. Naka tingin lang siya dito at unti-unting tumulo ang mga luha n'ya.
"No, this can't be." Kong kailan tapos na ang lahat bago pa nagkaroon ng ganito.
Napailing naman si Wayne at umiling.
"No, 'wag n'yo na po sabihin. Hindi ko po matatanggap." Humagulhol na siya sa iyak.
Bakit sa mga bagay na ganito kailangan may mag sacrifice ng buhay? Bakit kailangan may mawala?
Naiiyak na rin ako. Nasasaktan ako sa mga nangyayari.
*****
Windy Point Of View
Sobrang saya sa pakiramdam ng nagawa ko ang mission ko at bumalik ang lahat sa dati. Lalo na 'yong mga ala-ala ko.
