Chapter 5 - Escape

213 37 4
                                    

Someone Pov

"Ipagpaumanhin nyo po ngunit hindi pa rin nakikita ang mga itinakda," nababahala na ako. Kailangan nang makita silang lahat. Dahil kong hindi tuluyan nang maglalaho ang aming mundo.

"Gumawa kayo nang paraan para makita sila! Kong kinakailangan pumunta kayo kay Sophistica gawin nyo!"

Franscene Pov

"Hoy! Flake? Bakit nandito ka rin?" Tanong ko sa kapatid ko hindi ko inaakalang nandito rin siya sa academy.

"Ano ba naman Fire malay ko basta paggising ko nalang nandito na ako," napairap nalang ako sa kanya.

"So, kailangan nating makapunta sa Charhelm Palace," napahinto naman siya at nag-isip.

"Fire, chill. Hindi ba pwedeng enjoy mo na natin ang 1 week natin dito," napairap na naman ako sa sinabi nya.

"Okay, bahala ka!" Lumakad na ako paalis. "Fire pwede chill lang umiinit ang palagid." Sinamaan ko nalang siya nang tingin.

Kong kelan kailangan ko nang kakampi para makaalis dito kaso wala lang din akong napala.

Pumunta na ako sa dorm at tumambay do. Gusto ko nang maka puntang charhelm hindi ko inaakala na meron rin pala ditong academy bukod sa palace.

"Fire anong problema mo?" Tanong sa akin ni Windy na inirapan ko nalang.

"Duh? Bakit kong sasabihin ko matutulungan mo ba ako/niyo?" Tanong ko sa kanilang lahat na hindi naman umimik. Sabi ko na nga ba wala talaga akong mapapala.

"Okay tutulungan ka namin. Ano ba yon?" Napangiti naman ako at napatingin kay Wayne.

"Really?" marahan naman silang tumango. Napangisi ako kahit naman pala papaano may mapapala din ako sa kanila.

"Okay kailangan nating tumakas dito. Pupunta tayong Charhelm palace," nagkatinginan naman sila na hindi nila alam kong anong sinasabi ko.

"Ganito kasi 'yan bukod sa school na 'to may Palace dito at 'yon ang charhelm at sa tingin ko marami pang lugar dito na hindi natin alam." Pagpapaliwanag ko sa kanila kahit kasi ako ngayon ko lang nalaman na meron pala dito sa underworld na acedemy.

"Sige, alam mo ba kong saan ang daan papunta doon?" 'yun na nga, e. Tanging si Flake lang ang may alam kong saan ang daan pa punta doon.

"I don't know but magagawan naman siguro natin 'yan nang paraan. Ano go ba kayo?" Nag-aalangan man sila pero umuo parin sila.

"Kailangan siguro natin magdala nang mga pagkain baka gutumin tayo," suggest naman ni Leigh. Nagligpit na ako nang mga dadalhin kong gamit kahit sa totoo lang wala naman akong dalang gamit.

"Anong oras ba tayo tatakas?" Tanong ni Windy. Nag-isip ako nang magandang oras kong anong oras.

"I think 1:00 am sa tingin ko kasi tulog na sila pati 'yong guard." Marahan naman silang tumango at nagpatuloy na sa pagliligpit.

"Kailangan mamaya maitago natin ang presensya natin. Para walang makaramdam sa atin." Sabi naman ni Leigh. Tama naman siya lahat sila may powers dito at malakas ang pakiramdam.

The Powerful Element ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon