Chapter 12 - Mount Stathatt

142 11 3
                                    

Franscene Point of View

Saglit lamang kami natulog dahil malapit na mag alas kwatro ng umaga.

Naka handa na rin kami sa paglabas namin sa Charhelm may mga dala kaming mga pagkain.

Nandito din si Queen Harley na kararating lang. Hindi n'ya na kasama 'yong babaeng familiar.

Nakatayo kaming lahat sa harap n'ya.

"Wag na 'wag kayong magpapadala sa ano mang temptation. Mapanganib ang lugar na 'yun at ang nakikita ng inyong mga mata ay pawang hindi totoo."

Matapos nang lahat nag umpisa na kaming mag lakad.

Madilim ang kalangitan pati ang kapaligiran ng makalabas kami ng Charhelm.

"We need to teleport," I suggest para mapadali ang paglalakbay namin. Sobrang layo pa ng Mount Hallstatt kong 'di namin gagamitin ang mga ability namin.

"Kaninong ability ang gagamitin?" Napatingin ako sa kapatid ko na ngayon ay busy maki paglandian kay Leigh.

Mukhang ako lang ang walang kasama ngayon. Lahat sila may mga kasama.

Tumingin ako kay Jonh Ford na busy maki pag-usap kay Windy. Okay mukhang busy silang lahat.

"Kay Windy nalang siguro," marahan lang ako tumango. I agree naman dahil hangin ang ability n'ya.

Gumawa ng napakalaking bato si Leigh gamit ang lupa. Pinalapad n'ya rin ito para mag kasya kami.

"Tayo na," sumakay kami sa ginawa ni Leigh at ginamit ni Wayne ang ability n'ya para makalipad kami.

Napapansin ko lang din na simula kanina hindi sa akin lumalapit si Jonh Ford. 'So what?' Hayys bahala nga siya.

Ako tuloy ngayon ang walang kausap dahil ang kapatid kong si Jess Lloyd busy makipag landian kay Leigh.

Umupo ako dahil napapagod na ako tumayo. Tumingin ako sa paligid. Hindi magical places ang nakikita ng mga mata ko ngayon.

Tanging mga ulap lang ang nakikita ko at ang mga lupa na kasing taas ng mga bundok isang deserto.

Habang papalapit kami na pansin kong may bundok napaka taas sa unahan. Siya lang din ang nag-iisang bundok na nandito sa deserto at may mga puno.

"Mukhang 'yan na nga ang mount stathatt."

"Kailangan nating maging aware dahil ang bundok na 'yan ay mapaglinlang." Dahan-dahan kaming inilapag ng bato sa lupa.

Nasa paanan na kami ng bundok at naka tingin sa pinakatuktok nito naaabot na ng mga ulap.

May nararamdaman akong pressence na parating. Hindi ko lang sure kong nararamdaman din nila.

"Nararamdaman n'yo rin ba 'yon?" Nagka tinginan kaming lahat mukhang 'di lang ako ang nakakaramdam.

Inihanda namin ang mga sarili namin kong sakali man na may panganib na paparating.

"Jake," napatingin kami sa paparating. It's Jake, may mga kasama siya. Apat sila lahat nagka tinginan kaming lahat.

"Jake, ayos ka lang ba anong ginawa sa'yo nila?" Ngumiti siya kay Windy na ikinataka ko. Napataas ang kilay ko dahil sa reaction n'ya.

The Powerful Element ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon