Chapter 20 - Memories

69 9 0
                                    


Franscene Point Of View

Minulat ko ang mga mata ko dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana. Napatitig lang ako sa wall at 'di pa bumangon.

"Bakit sa tuwing gigising ako parang ang bigat ng pakiramdam ko. Parang may kulang. Bakit lagi ko 'tong nararamdaman?"

Namalayan ko na lang rin na tumutulo na ang luha ko. Lagi nalang ganito kapag gumigising ako.

Hirap na hirap na nga akong matulog sa gabi tapos kinaumagahan ganito pa ang nangyayari sa akin.

Hindi ko alam kong bakit lagi nalang akong naiiyak kada gigising ako.

"Hoy! Bumangon kana d'yan! Remember may pupuntahan tayo!" Napabangon naman ako dahil sa sigaw ng kuya ko.

Kahit kailan talaga napaka panira ng kuya ko na 'to! Feeling bossy!

"Kuya," lumingon naman siya sa akin. Palabas na kasi sana siya ng room ko. "May gusto lang sana akong malaman." Umupo naman siya sa tabi ko.

"Ano ba 'yun?"

"Hindi mo ba nararamdaman 'yong ganitong feeling. Lalo na kapag gigising sa umaga. Sobrang bigat ng pakiramdam ko tapos parang may kulang sa buhay ko. Naiiyak din ako ng 'di ko alam ang dahilan. Ilang years ko na 'tong nararamdaman." Hinawakan n'ya naman ang kamay ko.

"Hindi ka nag-iisa dahil ako nararamdaman ko rin 'yan. Pero hindi ko iniintindi. Minsan pa nga may mga images na lumalabas at nagpapa gulo ng utak ko. Pero sobra namang blurred kaya hindi ko makita kong sino ang mga 'yun." Napatingin naman ako sa labas ng bintana bago bumalik ang tingin ko kay kuya.

"Bakit kaya ganon? May nakaraan ba tayong 'di natin matandaan? Baka naman na reicarnation tayo?" Binatukan naman ako ni kuya ng sinabi ko 'yan.

"Sira! Kong ano-ano pinagsasabi mo! Mag bihis kana bago pa tayo ma late!" Naka simangot akong tumayo.

"Sige umalis kana! Maliligo na ako." Umalis naman si kuya at na iwan naman akong mag-isa.

Siguro dapat na akong magpa check-up bago pa 'to lumala ang nararamdaman ko.

*****

Pumasok na ako sa kotse ni kuya.

"New car na naman ba ito?" New color na naman kasi 'yong car n'ya. Last day kasi 'yong sinakyan ko color black ngayon naman color blue.

"Yep," napairap nalang ako. Ang gastos talaga masyado ng lalake na 'to.

"Mag hanap kana kaya ng girlfriend no? Ang tanda muna!" Graduate na kasi kami pareho ng college.

Pero sa ngayon 'di muna ako naghahanap ng work. Gusto ko muna mag travel. Si kuya naman nag wo-work na siya. Ako naman tambay muna.

"What? I'm only 24." Sagot n'ya naman sa akin. Pina andar n'ya na ang car n'ya.

"I know pero para kasing no girlfriend since birth ka." Natatawang sabi ko sa kanya.

"No way! Nagka girlfriend ako nong high school tayo remember that!" Sagot n'ya.

"Pagkakaalam ko rin may naka M.U ka dati. Sino nga 'yun?"

The Powerful Element ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon