Chapter 16 – Tears
“Hoy, Andy!”
Napakurap si Andy sa lakas ng boses ng kaibigan niyang si Lara na kanina pa dumadaldal sa harapan niya pero parang wala siyang naiintindihan sa mga pinagsasabi nito. “Ha?” nakangiwi niyang sabi habang pinipilit na ngumiti.
“You’re not listening to me!” maktol nito sabay inginuso ang mga labi.
“A-ah… Sorry Lara… May iniisip lang kasi ako,” pag-amin niya.
Tumaas ang kaliwang kilay nito. “At ano naman ‘yon, aber?”
Napakamot siya ng batok. Hindi niya alam kung sasabihin niya ba ang ginawang pang-iiwan sakanya ni Hector sa ere noong nakaraang Linggo sa isang mamahaling hotel. Iyon kasi talaga ang gumugulo sa isipan niya ngayon.
Sa totoo lang wala siya sa mood ng mga sandaling iyon. Pilit kasing nagsusumiksik sa utak niya ang inis na nararamdaman niya sa lalaking feeling niya binastos ang buong pagkatao niya matapos nitong makalimutan na may kasama pala itong babae na naiwan sa kotse nito nang gabing iyon. Inis na inis talaga siya at siyempre naawa din siya sa sarili niya. Unang beses kayang may gumawa ng ganoon sa kanya. Dagdag pa ‘yong nakita niyang eksena bago siya umalis sa lugar na iyon. Ang babaeng iyon na nagngangalang Bianca. Hindi niya pwedeng makalimutan ang mukha nito at kung paano nito niyakap si Hector.
Hindi din naman lingid sa kaalaman niya na ito ang dating kasintahan ng binata. Pero bakit ganoon? May kung kakaibang damdamin siyang naramdaman. At kahit nga ngayon, isipin pa lang niya ang pangyayari naninikip ulit ang dibdib niya gaya noong gabing nasaksihan niya ang tagpong iyon.
Hindi ka na makakaulit Hector! Sigaw ng utak niya. Nanggigigil talaga siya ngayon.
“Here we go again,” naiiling na wika ni Lara sa kanya. “Ano ba talagang problema mo, ha?” Nakatayo na ito mula sa kinauupuan kanina at nakapamaywang na sa harap niya.
“P-pinagalitan kasi ako ni Mama,” pagsisinungaling niya.
Biglang nagbago ang expression ng mukha nito. Napuno iyon ng pagtataka. “Bakit?” tanong nito.
“A-ah…e-eh…” Naghahagilap siya ng sasabihin. “M-may ginawa akong masama?” Nakita niyang kumunot ang noo nito. Paano ba naman, patanong kasi ang pagkakasabi niya imbes na statement lang sana.
“Andrea?” sabi nitong pinag-ekis ang mga kamay. “You’re absolutely lying,” she said a mocking tone.
Nag-isip pa siya ng idadahilan. Ayaw niya talagang malaman nito ang kagagahang ginawa niya noong nakaraang linggo. Baka kasi kapag nagkwento niya makmukhang masama para rito si Hector at baka awayin pa nito ang binata. Baka magkagulo silang mag-pinsan. Alam niya kasing papabor sa kanya ang kaibigan lalo na’t napahiya siya at sobrang natapakan ang pride niya.
Well, kung hindi man siya paburan ng kaibigan ayaw pa rin niyang masira ang magandang image ng binata para rito. Tinitingnan din niyang baka may nangyari noong gabing iyon kaya hindi na siya nabalikan ni Hector. Malay niya ‘di ba? Iyon nga lang dalawang araw na ang nakakalipas pero wala pa rin siyang paliwanag na natatanggap mula lalaking nakalimot na balikan ang kagandahan niya noong Linggo ng gabi.
“Totoo ‘yon ‘no…” Nagbaba siya ng tingin. “Pinagalitan ako ni Mama kasi hindi ako naglaba. At bukas pareho kaming wala nang isusuot na bra.” Ewan ba niya. Basta bigla na lang lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon. Bahala na kung hindi kapanipaniwala ang mahalaga may mairason lang siya. Sana lang effective.
Nakita ng gilid ng mga mata niya na itinakip ni Lara ang isang kamay sa bibig nito para pigilan ang pagkagikhik. Yes! Effective ang spiel ko! pagbubunyi ng utak niya.
BINABASA MO ANG
The Suitor
Teen FictionAndy is a self-proclaimed Maria Clara in the modern world. No boyfriend since birth at hindi nagpapaligaw. Pero isang araw nagising na lang siya bilang girlfriend ng lalaking nagpalambot ng mga tuhod niya-- si Hector. Nagsimula ang lahat sa pakiusap...