Chapter 13 – Deal or No Deal?
“What?” Halos lumuwa ang dalawang mata ni Andy sa narinig mula kay Hector. “No way!” dugtong niya pa. Parang doon lang siyang nagkamalay mula sa pagkawala niya sa sarli kanina.
Tumayo ang binata mula sa sofa at umupo sa swivel chair sa may table nito. “Don’t worry, walang makakaalam ng gagawin mo even Lara.”
Hindi siya umimik. Ano ba kasi ang gusto ng Hector na ito at naisip na magpaligaw sa kanya? Nagti-trip lang ba ito at walang magawa sa buhay? Pero hindi e, nararamdaman niyang may mas malalim pang dahilan at iyon ang hindi niya maintindihan.
“Andy,” tawag nito.
“A-ano?” kunot-noo niyang tugon.
“Are you willing to court me?” direkta nitong tanong.
“Wait, pinagti-tripan mo lang ba ako?”
“Of co—“
“Kasi kung trip lang ‘to, hindi kita liligawan kahit patay na patay ako sa’yo ano!” putol niya sa sasabihin sana nito. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob niya para sabihin iyon. Siguro dahil may naramdaman siyang inis kay Hector sa gusto nitong mangyari. She doesn’t like the idea.
Tumawa ito ng malakas. “Parang kanina lang naiilang ka sa ‘kin,” sabi nito sa gitna ng pagtawa.
“Aalis na ako.” Tumayo na siya.
“Wait, ipapaliwanag ko sa’yo ang set-up natin,” pigil nito.
Kumunot lalo ang noo niya sa narinig. “Hindi nga po ako payag ‘di ba?”
“Okay, listen,” sabi nito sabay senyas na umupo siya ulit at ganoon nga ang ginawa niya. “Ano bang ayaw mo sa panliligaw?” he asked.
“First, magastos po manligaw,” sagot niyang bahagyang itinaas ang kaliwang kilay.
“Okay, here’s the deal. Hindi ka gagastos ng kahit piso sa panliligaw sa akin.”
“Second, nakakapagod.”
“In what way?”
She rolled her eyes. “Sa pagdi-date pa lang, magsusundo tapos maghahatid. Tapos, kailangan pagplanuhan ng mabuti ‘yong date. Kung anong kakainin, saan pupunta para hindi ma-bored ‘yong nililigawan. At hindi lang—“
“Mahirap na ba ‘yon sa tingin mo?” putol nito.
“Of course!”
“How did you know it’s hard? Have you tried courting before?”
Sunod-sunod na iling ang ginawa niya. “Hindi ah!”
“Hindi pa pala e. Come on Andy, give it a try,” he convinced.
“And what will I get in return?” She sounded like she’s not interested.
Ngumiti ito. “You can have me as your boyfriend.”
Napalunok siya. Oo, Hector gusto kitang maging boyfriend! Pero hindi sa ganitong paraan na ako ang manliligaw sa’yo! sigaw ng utak niya. Hindi niya itataya ang prinsipyo niya bilang babae sa ganoong klaseng bagay na wala man lang malinaw sa rason. Alam niyang gusto niya ang binata pero hindi rason ang manligaw siya rito nang dahil lang doon. Sa tingin niya isang malaking kalokohan lang ang mangyayari. At ang pinaka-ayaw niya ay ang paglaruan siya ng lalaking wala namang pagtingin sa kanya.
“Andy?” tawag ni Hector sa kanya nang makita nitong walang siyang naging reaction sa sinabi nito.
Marahan siyang umiling. “No,” simula niya. “I can’t do it, Hector. The whole idea sounds stupid. I’msorry. Sa iba mo na lang i-alok ang bagay na ‘to.” Malungkot niyang tiningnan ang binata at saka tumalikod.
“Okay, okay, okay!” Napatayo ito mula sa kinauupuan. “I’m sorry that it didn’t sound good to you. Sasabihin ko na ang tunay na dahilan,” habol nito.
Napalingon siya sa sinabi nito. Iyon lang naman talaga ang gusto niyang marinig, ang tunay na dahilan. Tumigil siya sa paghakbang at muling hinarap ang binata. “I’m willing to listen,” she said politely.
Para itong bata na nahuling nagsisinungaling sa expression ng mukha nito. Umupo ulit ito sa sa mahabang sofa na naroon. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. Tumingin ito sa kanya na parang bang sinasabing sit-beside-me.
Agad naman siyang umupo sa tabi nito. Pero may distansiya, sapat na para magkarinigan sila. Binalingan niya ng tingin ang binata na parang hindi mapakali. Ibang iba ang aura nito sa mga sandaling iyon. Nawala ang pagka-mysterious guy image nito. Lihim siyang napangiti. Bigla tuloy nawala ang pagka-ilang siya sa binata.
“Here it goes, Andy,” simula nito.
Hindi siya umimik. Hinintay niya na lang ang susunod na sasabihin nito.
“Bianca is back,” simula nito. “At gusto niyang makipagbalikan sa akin.”
Nagulat siya pero hindi niya ipinahalata iyon sa binata. “And who’s this Bianca girl?” she asked instead.
“She was my first girlfriend or let’s say the only girlfriend I had before,” he explained without looking at her. “And now she’s back from abroad begging me to marry her.”
“Oh…” she whispered. Wala siyang masabi. Gusto niyang magtanong pero pinipigilan niya ang sarili. Ayaw niyang magmukhang chismosa sa harap ng binata. Pero naiisip niya na itong Bianca ito ang babaeng nang-iwan sa binata long time ago.
“I can’t marry her, Andy.”
“Then tell it to her face. Simple.”
“Again, I can’t…”
“Because it still hurts, right?” she said as if she knew the story.
Kumunot ang noo nito. “How did you know?”
“That she left you?” Nakagat niya ang labi sa nasabi niya. Patay na.
“Yes…” mahinang sabi nito na parang naghihintay ng susunod niyang sasabihin.
“Ah…” Nag-isip siya ng sasabihin. “Nahulaan ko lang. Based on your story,” sabi niyang pinipigil ang kaba na biglang namuo sa dibdib niya.
“I see. Tama ka, madali ngang mahulaan.” Tumango-tango ito.
Nakahinga siya ng maluwag. Nakakahiya kasing malaman nito na may konti siyang alam sa nasirang love life nitong maraming taon na nag nakalipas. “So what’s the deal?” tanong na lang niya.
“Payag ka na?” Parang batang excited ito sa pagtatanong.
“Not unless na sasabihin mo sa akin kung anong magiging papel ko,” sagot niya.
Tumingin ito ng diretso sa kanya. “Simple. You will help me convince Bianca na wala na siyang aasahan sa akin.”
“Okay. Deal,” she smiled.
Ngumiti rin ito. “Thank you, Andy.”
His smile was sweet at that moment. Ibang-iba sa usual nitong ngiti na parang pilit lang at hindi umaabot sa mga mata nito. Wala sa loob niyang napatitig sa binata. Again, she was mesmerized.
xoxoxoxoxoxoxoxoxo
Ayan, after Jurassic Years nakapag-update din! May nagbabasa pa kaya nito? Haha.
BINABASA MO ANG
The Suitor
Teen FictionAndy is a self-proclaimed Maria Clara in the modern world. No boyfriend since birth at hindi nagpapaligaw. Pero isang araw nagising na lang siya bilang girlfriend ng lalaking nagpalambot ng mga tuhod niya-- si Hector. Nagsimula ang lahat sa pakiusap...